Takbo! Dapa!
Dama ako ang pag tagaktak ng aking pawis, tumatakbo ang lahat papalayo sa mga mararahas na militar dinig na dinig ang malakas na pag lipad ng mga bala at ang pag sigaw ng aming mga kasama habang kami naman ay nag tatago sa likod ng isang sagwil.
"Ano gagawin natin?"
Hindi maka sagot ang aking kasama, ramdam ko ang takot niya ang pangininig ng kanyang mga binti at mga malalim na pag hinga wala ako magawa kung hindi hawakan na lamang siya sa kanyang balikat.
"Magiging okay rin ang lahat." sabi ko.
At siya'y tumugon sa pamamagitan nang pag tango.
"Kaylangan natin tumakbo papunta doon."
At kami'y tumakbo papunta sa isang madilim na eskenita ngunit kami ay nasundan ng mga militar bagamat ako'y natatakot tuloy parin ako sa pag karipas habang ang mga kalaban ay tuloy rin sa pag hahabol.
"Bilisan natin kapatid." sabi ko sa aking kasama habang kami ay tuloy lang sa pag takbo sa masikip at madilim na eskinita.
Mukhang tumigil na sila sa pag hahabol pero hindi rason yun para kami ay tumigil sa pag takbo. Masikip ang eskinata at dalawa lang ang labasan nito kaylangan namin maka takas dahil kung hindi kamatayan ang paniguradong kahahantungan namin.
Bigla ako nawalan ng pag asa nang makita ko ang isang lalaki — sundalo, na papunta sa aming direksyon.
"Babalik ba tayo?" tanong ng kasama ko.
At hindi ako maka sagot tumigil ako sa pag takbo babalik na sana ngunit mas napag tanto ko na mas dalikado kung kami ay babalik sa bakbakan.
"Tigil!" sigaw ng sundalo at isang pamilyar na boses.
At biglang tumigil ang aking mundo, ang aking binti biglang ng hina, parang nahulog mula sa aking dibdib ang aking sugatan na puso at ako'y hindi makapag isip, maka hinga habang tinitigan ko ang bariles ng kanyang baril at ang mga mata niyang nag bigay lamig sa gitna ng isang maiinit na digmaan.