Chapter 10

8.7K 57 0
                                    

"Hello, Raymart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello, Raymart. Napatawag ka," wika ni Francine nang sagutin niya ang call.

Alas otso ng umaga ay nagising siya sa tawag ni Raymart. Medyo may hangover pa siya dahil sa rami nang nainom kinagabihan.

"Busy ka ba? Gusto ka sana naming puntahan ni Vernice mamaya, e. May mahalaga siyang sasabihin sa 'yo tungkol sa trabaho."

Si Vernice ang isa pa nilang katrabaho sa business. Katulong ito ni Raymart sa photography at nakakatulong din ito nina Marco at Jasper sa videography.

"Oo naman. Welcome na welcome kayo rito," sagot ni Francine.

"Oh sige. Iti-text ka lang kita kapag papunta na kami. Baka mamaya pa kaming hapon pumunta. Alam mo naman iyong si Vernice, nagdadala pa ng binalot sa anak niya tuwing lunch."

"Okay, sige. Bye." Then, she ended the call. Pagkatapos ay nag-unat-unat siya't lumabas na sa kuwarto.

Nang dumiretso siya sa kusina ay nakita niyang abala na sa pagluluto si Vera roon.

"Good morning best friend," nakangiting bati nito.

Nag-aalalang lumapit si Francine. "Naku naman! Bakit ikaw na ang nagluto ng agahan? Ang mabuti pa'y maupo ka na lang at ako na gagawa---"

"Ako na," biglang sagot nito. "Tulong ko na sa 'yo ito, ano? Ikaw ang maupo na't hahainan na kita nitong sinangag."

"Sige na nga," nakangiting sagot ni Francine. Pagkaupo ay napansin niyang wala ang asawa. "Teka, nasaan nga pala si Miggy?"

"Hindi ko sure, pero parang lumabas yata siya para magjogging," sagot ni Vera habang ipinaghahain ang kaibigan. "Wait, ano ba'ng gusto mong inumin? Coffee or tea?"

"Coffee na lang, bessy. Iyong black."

Pagkuwa'y sabay silang napalingon nang may pumasok sa bahay. "O, hayan na pala si Miggy." Tumayo siya para humalik sa asawa. "Good morning, babe. Nagjogging ka ba?"

"Ah, oo." Nang magkatinginan sila ni Vera ay umiwas kaagad siya. "Kagigising mo lang ba, babe?" Naupo siya sa tabi nito.

Tumango si Francine. "Hindi nga sana ako magigising kung hindi tumawag sa 'kin si Raymart."

Kumunot ang noo ni Miggy. "O, e bakit naman tumawag pa ang Raymart na iyon? Kay aga-aga ay nang-aabala."

"Ikaw talaga." She sighed. "Tumawag siya dahil pupuntahan raw nila ako ni Vernice mamayang hapon. May mahalaga raw kaming pag-uusapan tungkol sa trabaho, so I'm expecting na magiging mabait ka mamaya."

"Kailangan ba talagang pakisamahan ko ang lalaking iyon?"

"E, 'di ba't nangako ka sa 'kin na magtitiwala ka na kay Raymart? Sinabi mo pa nga na hihingi ka ng tawad sa kanya kapag bumalik siya rito. Huwag mong sabihin na hindi mo tutuparin ang pangako mo?"

Inis na napakamot si Miggy sa ulo. "Oo na. Ano pa nga ba'ng magagawa ko?" Dadamputin na sana niya ang sandok para kumuha ng sinangag nang biglang mahawakan niya ang kamay ni Vera.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon