Hawak-hawak nila Spencer at Hanna ang dalawang kamay ko.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin samin eh!" sabi ni Spencer
"Oo nga! Kinakabahan pa tuloy kami ng ganito" sabi naman ni Hanna
Natawa naman kaming dalawa ni Emily.
Si Emily naman kasi eh okay lang sa kanya kahit hindi siya mapili dun sa inapplyan niya. Hindi naman kasi siya nag-audition. Nag-apply lang siyang backstage manager para kapag magkakasama pa rin kami sa practice days ng play. Si Spencer naman ay wala ring pakialam sa role niya. Pero gusto niyang makasama sa play para maka"bonding" daw niya ang crush niyang si Allen.
"Psh. Edi walang ng thrill pag sinabi ko noh! :P"
Nagtawanan kaming lahat
Napatahimik naman silang tatlo nang nakalapit na sila sa board kung saan nakapost yung mga characters at kung sino ang gaganap. Ako naman ay naiwan na lang sa may dulo ng pila. Alam ko na rin naman ang nakalagay dun eh.
Lord, sana handa sila sa mga makikita nila. Hindi lang sa mga bestfriends ko. Pero para na rin sa mga ibang nag-audition. Sana wala naman akong makuhang mga death threats T.T
After nilang tignan ang list, humarap na sila sakin.
"Weeee! I love you Ariaaaa!" sabi ni Spencer at bigla akong niyakap.
Sobrang higpit ng yakap sakin ni Spencer. Natutuwa naman ako kahit hindi naman ako ang dahilan kung bakit niya nakuha ang role na yun.
"Spence, hindi na ko makahinga" sabi ko nang napakahigpit na talaga ng yakap niya.
"Ay sorry! Tuwang tuwa lang ako" sabi niya
"Ariaaa! Nakuha ko din yung Backstage Manager. Makakasama pa rin ako sa inyo!" sabi naman ni Emily
Niyakap niya din ako. Pero hindi naman ganun kahigpit.
Nakiyakap na rin uli si Spencer.
Napansin ko na nasa likod lang nila si Hanna na parang statue.
"Wait lang guys" sabi ko sa dalawa at kumalas sa yakap nila.
Niyakap ko si Hanna habang tumatawa siya na alam ko naman ay pilit.
"Congrats hug ba 'to? Thank you!" sabi niya
Hindi ako umimik sa kanya.
"Woooh! Uy guys, pareparehas tayong excused next month!" kumalas siya sa yakap ko at lumapit kila Spencer at Emily
"Hanna.." sabi ko sa kanya habang pinopoke yung likod niya.
"Yep?" sabi niya tapos lumingon sakin
"S-sorry" sabi ko
Hindi ko alam kung bakit guilty na guilty ako.
"Sus. Bakit ka nagsosorry? Eh naging ERIKA naman ako eh." Sabi niya
Ouch! Tagos tagos sa puso ko yung pagbanggit niya nung Erika. Yun yung role na kapatid ni Anneliese
Napatahimik naman ako.
Kwentuhan lang sila ng kwentuhan tungkol sa play habang ako tahimik lang.
Guilty much na ako eh T.T Feeling ko mas okay pa na makareceive ng death threats kaysa makita yung reaksyon ni Hanna na alam ko naman na fake.
"Uy!" sabi sakin ni Hanna
Tumabi siya sakin habang naglalakad kami.
Hindi ako umimik.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...