chapter 31

3.2K 84 0
                                    

Lucas's POV

Napatingin kaming lahat sa pinto ng bulwagan ng sumungaw doon sina Alex at Maxine. Naiilang na nagyuko si Maxine ng ulo ng tumutok ang tingin naming lahat sa kanya.

"Pumunta ka sa gitna Maxine" utos ni ama. Nakita ko ang takot na agad bumalatay sa mukha ni Maxine. Kunuyom ang kamao ko at pinipigilan ang sariling hilain paalis dito si Maxine.

Tumingin saakin si Maxine na tinanguan ko..

'I'm just here' kausap ko sa isipan niya.

Tumayo siya sa gitna at yumuko.

"Tatanungin kita Maxine, nakikita mo ba kung nasaan si yuni" tanong ni ama sakanya

Nag angat siya ng ulo at inilibot ang tingin sa paligid bago itinuro si yuni sa likod ni Alex. Napapikit ako. Agad kasing nagpakita si yuni na nasa likod nga ni Alex.

'Please Maxine, hwag mong ilagay sa kapahamakan ang sarili mo' pakiusap ko sa isipan niya

"Lucas" tawag ni ama saakin.

Tumayo ako at naglakad palapit kay Maxine na nakatingin saakin.

'Please Maxine listen to me, kung tanungin ka man nila. Magsinungaling ka Kung kinakailangan' pilit Kong inuukilkil sa isipan niya yun

Ngumiti siya saakin na ginantihan ko. Inabot ko ang kamay niyang may tattoo.

"Its okay!" Usal ko ng alisin ko ang golden snake sa galanggangan niya.

Niyuko niya iyon ng maghugis singsing ang ahas.

"Yuni" bigkas ni ama kay yuni na nakatayo sa tabi ni Alex. Ngumiti siya at nawala sa paningin namin. "Tatanungin uli kita Maxine, nasaan na ngayon si yuni?" Tanong ni ama kay Maxine.

Inilibot niya ang mata sa loob ng bulwagan bago tumingin kay ama at marahang umiling.

"Sigurado ka ba na Hindi mo nakikita si yuni ngayon?" Naninigurong wika ni ama.

"H—hindi po talaga," tugon ni Maxine.

"Kung tapos na kayong tanungin si Maxine, aalis na kami" wika ko at hinawakan sa kamay si Maxine.

Dinala ko siya sa labas ng palasyo at pumunta kami a may tulay.

Parang nauupos na kandila na napaupo siya sa tulay at huminga ng malalim.

"P—para akong bibitayin sa kaba ko. L—lucas iuwi mo na ako sa mundo namin. Nakakatakot pala ang mga kalahi mo" parang maiiyak na sambit niya.

Agad akong lumuhod sa harap niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry" bulong ko

"Lucas. Don't be sorry! Wala ka namang kasalanan" nakangiti at mahinahong sambit niya

Inilahad ko ang kamay at ipinakita ang ahas. Hindi ko na kailangan pang ibalik yun dahil nagkusa na iyong bumalik sa kamay ni Maxine.

"She really knows her owner" nakangiting komento ko.

Ginalaw galaw niya ang kamay at tinignan ako. Masuyong pinisil ko ang ilong niya kaya lumabi siya.
-----------------------------------

Maxine's POV

Sa totoo lang, pakiramdam ko ay binibitay at nililitis ako nung nasa gitna ako nang maraming bampira. Parang may nagkakarerahang kabayo sa loob ng katawan ko dahil sa malakas na pagdagundong ng kaba sa dibdib ko.

Feeling ko nga ay maiihi ako sa takot. Kung Hindi lang ako kinakausap ni Lucas sa isipan ko ay baka nahimatay na ako sa kaba hindi pa man nagsisimula ang pulong.

Tinitigan ko si Lucas, kumirot ang dibdib ko sa nabuong plano sa isipan ko.

Hindi ko na kase maikakaila ang katotohanang ibang iba ako kaysa sa sakanya.

"I think I can't fit in, in your world Lucas. Mine is very different from here. Every place I see it reminds me that your not as ordinary as I am. Just like fairy tales I'm Cinderella and you are the prince. Magkaiba nga lang dahil isa kang bampira and I'm a human. Habang nasa gitna ako ng bulwagan? It easily pop out in my mind that I'm not one of you. Labas ako sa mundong kinagisnan at ginagalawan mo. Yes, I feel something for you. Inukupa mo lahat ang space sa puso ko. But I can't deny the fact that were not compatible of everything. We don't even have a thing in common. Lucas, I want to go back where I came from. I want a normal life, or away from you to be exact. Lucas i—"

I stop in mid air when he raise his hand.

"Maxine, you don't have any idea how I care a lot of you, I know you saw yuni a while ago even if your not wearing that bracelet. Maxine you really are fitted in my world." Agap na putol niya sa sinasabi ko

"You told me to lie, at ginawa ko yun. Lucas, sa mundong to. Isa akong sampid lang dito" naiiyak na giit ko

"Maxine listen to me" wika niya at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. "Mine is yours too. This snake found his mate, and that is you. Yes I told you to lie and that is for your own sake." Frustrated na niyugyog din niya ang balikat ko

"Gusto ko ng tahimik at normal na buhay. Nung ininterogate ako ng kalahi mo umukilkil sa isipan ko na Hindi tayo nababagay sa isat isa. Hindi maikakaila ang katotohanan na tao ako, look at you." Lumuluhang wika ko

Pumikit siya at marahas na tumalikod saakin bago nanggagalaiting lumingon uli saakin.

"You can't leave here Maxine, ikaw ang nagkusang pumarito kasama sina Moira at Diego" madiing turan niya

"At bakit Hindi ako pweding umalis dito? Tell me!!" Sigaw ko

"Dahil mahal kita Maxine, Hindi pa ba sapat yun para piliin mong manatili ka dito sa mundo ko" bigkas niya

My heart skip a bit when I hear what he just said.

"You love me?" Ulit ko

"Yes" tugon niya

"But it's not enough para magstay ako sa mundo mo" umiiling na sambit ko

"Dahil isa kang diwata Maxine, there I said it. You are inang halea's heir." Mahinang turan niya

Napaatras ako at maang na tumingin ako sakanya.

"No! You are just making a story, or gino-good time mo lang ako" umiiling sambit ko

"I'm not, I'm serious. At Hindi nila pweding malaman na ikaw ang anak ni halea sa mundo ng mga tao." Bigkas niya

"This is insane? How could I be an elves. May kapatid ako at alam mo yun" turan ko

"I know," tumango siya.

Tinalikuran ko siya, "Lucas I want to be alone" mahinang wika ko.

Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagsara ng pinto. Napaupo ako sa lapag.

Am I really an elves?

……………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon