"KYAAAAAAAAAAH!"
Nagsisigawan ang mga estudyante sa hallway na may dala-dalang mga poster. Lahat sila'y pababa... alam nyo kung bakit???
Andito si...
Justin Bieber...
Naniwala naman kayo??? -____-
Si Gael Dace Chang, for short... GD ang nandito.
Sikat sya dito sa school. Bakit? Simple lang. Dahil sa gwapo sya.
Simple lang diba?
Ang pinagkakataka ko lang, madami namang gwapo dito sa school pero bakit sya yung well-known? Ah. Oo nga pala.
Bastketball captain nga pala sya.
not to mention...
Player talaga sya... LITERALLY, a player.
Ewan ko ba kung anong nagustuhan nila sa lalaking toh eh kung sino-sinong babae na ang napatulan nya.
Let me clear this to you guys...
Hindi ko sinasabing hindi na sya virgin or na may nagalaw na sya. I don't know. Maybe meron na. Kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos na makikita ko yan...
Girls... CHECK.
He's always surrounded by girls.
And ang hindi ko malaman...
Kung paano ako na-in love sa kanya...
Osee diba? Ako yung nangja-judge sa kanya kanina pero bigla ko na lang inamin na may gusto ako sa kanya. Eh kasi naiinis ako. Naiinis ako kasi nga in love ako sa heart breaker na yan.
Naaalala ko pa noon... nanalo sila sa basketball match nila laban sa St. John Highschool... tapos hinalikan nya yung isa sa mga cheerlearders ng St. John. Edi of course, nagkagulo especially si GD at yung captain(na bf ata nung cheerleader). Then, may umextra na babae. Umiyak sya nang umiyak. Pinagsasampal din si GD.
Odiba? Ibang klaseng heart breaker.
Hindi ko alam kung natatakot akong ma-in love nang tuluyan sa kanya kasi baka malaman nya at baka saktan lang din nya ako. Syempre, sinong babae ba naman ang gustong masaktan..? Diba?
Pero...
isang araw...
nagbago ang lahat...
"I want you to be my girlfriend."
"What?" tanong ko sa kanya.
"Be my girlfriend." sabi nya na merong blank expression sa mukha.
Weird right? Bigla-bigla nalang syang lumapit sakin nun at tinanong ang tanong na yan. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong i-react noon. Kasi na-lovestruck ata ako. Pero imbes na umo-o ako...
"Bakit ako?" sabi ko nang nakataas ang kilay, medyo mataray ang dating ko noon.
"Bakit ba kelangan mo ng reason? Basta I want you to be my girlfriend. From NOW on." he demanded.
He's crazy right? Sa halip na kiligin ako at matuwa, nainis pa ako. Parang pinapa-mukha nya sakin na kayang-kaya nya ang mga babaeng katulad ko. Gusto ko rin namang maging special yung pagtatanong nya sakin. Alam nyo yun... yung may pagka-gentleman.
"Ayoko." sabi ko -__-
"What?"
"Ayokong maging girlfriend mo. Anung klaseng lalaki ang nagsasabi sa babae na maging girlfriend na lang nya ito nang hindi man lang nanliligaw? Ha? Sabihin mo nga?" naka-taas kong kilay na tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Crazy in Love with... the Heart Breaker (Two-shot)
Teen Fiction"I'll make you fall for me... if you have fallen already, I'll make you fall HARDER for me." -GD