Nicole's Pov
"Tita mauna na po ako"
"Sige ingat ka"-sagot nito habang nasa loob ng banyo.
Katatapos ko lang kumain ngayon at papunta nakong school.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka na ako lumabas ng gate at nagtungo sa waiting area para mag abang ng masasakyan. Mabuti nalamang at nakasakay ako kaagad!
" Manong para po! "-sambit ko saka naman ito huminto sa waiting sheed na katapat lang ng school namin!
Nang makatawid ako ng kalsada ay napatingin ako sa mga studyanteng nakatingin sakin at lumalayo sakin!?
Para bang meron akong nakakahawang sakit!
Hindi ko nalang sila pinansin nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating nako sa classroom.
Pagpasok ko sa room ay nagkukumpolan ang mga kaklase ko habang nagpupulong.
Napatigil ako sa paghakbang ng bigla silang tumingin sakin lahat dito sa harapan at bigla nalang sila nagsibalik sa kanilang mga upuan!
Ano bang nangyayari?!!
Pinagmasdan ko sila lahat at nakatingin sila sakin ng seryoso!. Hanggang sa mapatingin ako kay Mitch na nakauwi sa di kalayuan sa aking inuupuan. Nakayuko lang ito!
Naghintay ako ng ilang segundo para tapunan ako nito ng tangin at hindi nga ako nagkakamali!
Nginitian ko ito pero tinignan lang ako nito na para bang hindi ako nito kilala!
Teka ano bang nangyayari?!!
Ganun ang trato lahat sakin ng mga kaklase ko kabilang na ang nag iisang kaibigan ko si Mitch! Maliban sa guro namin syempre.
"Okay class dismissed. "
Saka na lumabas ang ilang mga kaklase ko. Nagpahuli ako para kausapin si Mitch dahil sabay kami nito mag la lunch!
"Mitch sandali!! "-sigaw ko saka ko ito hinawakan sa braso sanhi ng kanyang pagtigil sa paglakad.
Akmang lalakad na ito uli ng hawakan ko ng mahigpit ang braso niya. Naguguluhan ko itong tinignan at saka ako nagtanong. " Teka? Bat ba ganyan kayo sakin lahat dito ha? "-tanong ko
" Patawad "-sambit nito. Ramdam ko kung totoo ito
" Ha? Hindi kita maintindihan ano bang nangyayari ha?! "
"Kung hindi dahil sakin hindi mangyayari sayo ito! "
"A-anong ibig mong sabihin?? "
Hindi na ako nito sinagot dahil bigla nalang itong tumakbo palayo sakin. Naiwan akong mag isa dito sa loob.
Ano bang nangyayari?! Wala akong ideya!
Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng room.
Mag isa lang tuloy ako kakain sa canteen! Hayss.
Canteen..
Nagtaka ako sa pagpasok ko dahil parang wala atang studyante na pumapasok at kumakain dito! Iilan lamang sila! Mga tatlong table lang ang mayroong tao at bawat table ay apat ang nakaupo.
Mukang mas maganda dito dahil hindi na ako makikipagsiksikan sa pag order ng pagkain hehe.
Dumiretso ako agad ng counter para umorder kaso bigla nalang may humarang sa harapan ko!
Psh. Nakakainis. Inis na tinignan ko ang likod nito mas matangkad ito sakin ng unti!
Aba! Hindi ako makakapayag na basta nalang siyang sumusulpot sa harapan ko! Hindi maaari!
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Genç KurguWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??