• By: Zuc Catada •

177 5 0
                                    

Short Sad Story
~PAALALA.!!! Ang story ay sobrang nakakaiyak kaya plsss lang wag ka maadik sa story ko haha...

Characters:

{Vince  Torres}

{Fritzie  Gonzaga}

{Veronica  Carnejo}

{Jason  Ferrer}

{Tatay Benji}

©All Rights Reserve
#ZucCatada
#June13,2018
#SSStory

2016-2017

Just call me Vince. Hindi ko alam kung anong meron sakin pero naging ideal guy ako karamihang babae sa School namin.

"Hi crush!"

"Kuya ano daw pangalan mo?"

"Kuya ano daw name mo sa fb?"

"Pwede daw po makuha number mo?"

Sa araw araw na ginawa ng Diyos nakakasawa na lang na laging ganyan ang eksena.

Pangungunahan ko na kayo. Hindi ako mabait. Pero hindi rin ako mayabang. Ayokong nakikisalamuha sa mga tao. Ayokong kinakausap ako. Ayokong may mga malalanding babaeng lumalapit sakin para magtanong ng pangalan o kung anu-ano. Sobrang nakakasira ng araw ko yun.

Isa lang kaibigan ko, si Jason lang. Sya lang naman kasi nakakaintindi sakin sa kabila ng panghuhusga ng lahat na magaspang ugali ko, mayabang ako, mapride at kung anu-ano pa. Syempre wala naman akong pakialam sa iisipin nyo.

Lahat ng babaeng lumalapit ay dinededma ko lang na parang walang naririnig o nakikita. Pero alam nyo kung anong nakakainis? May animal na babaeng di nagsasawang buwisitin at sirain ang araw ko. Her name is Fritzie. Cute lang pangalan nun pero don't expect na cute yung kumag na yun.
Araw araw nalang pagmumukha nya bumubungad sakin. Napakakulit nya. Funny and cheerful. Pagtapos ng klase nya, pupunta pa yun sa room para hintayin ako. Pag lunch break, sasabay samin ni Jason yun kumain. Ewan ko ba. Pero kada makikita ko sya napapa-P*T*NG*N* na lang talaga ako. Kay Jason walang problema sakanya na sumasama sama samin yung kumag na yun. Actually naging close sila at magkasabwat pa sa pambubuwisit sakin.

I'll describe her. Mukha syang Nerd na isip bata na ewan. Yung mga pormahan non? Kasagwa pare. Alam mo yung nakaleggings yata sya tapos dodoblehan ng shorts? Tapos kainit init nakaLong Sleeve ang kumag. Nakatali buhok nya na pambata like tirintas. Yung parang sungay ganon. May Ribbon pa. Kaumay. Tapos nakasalamin napagkalaki laki. Malabo talaga mata nya. Maganda naman sya. Kaya lang baduy talaga.

Araw araw may good morning message sya sakin. Letter yun, sa Locker ko nilalagay ng gago. Tuwing umaga yun. Walang palya. Araw araw. Parang syang siraulong di ko maintindihan.
One time nagulat ako. She visited me. Sa bahay pa talaga pre. Ang kapal ng mukha diba? Mom saw her.

"Bat di mo sya papasukin sa loob, Vince.?"

Hindi ako pumayag. Pinapauwi ko sya non. Di nya ako pinansin deretso syang pumasok. Katwiran nya pinapasok naman sya ni mama. Tangina pre inis na inis ako. 
Kasabay namin sya kumain ni Mom. Ang daldal nya. Dinadaldal nya si Mom. Di ako makakain dahil naiirita ako sakanya. Si Mom naman tuwang tuwa sakanya. Tawa ng tawa tuwing magkukwento yung kumag na yun. Sipsip e.
Pinahatid sya sakin ni Mom sa labas. Hinatid ko naman dahil ayoko ng maraming usapan.

Short Sad StoryWhere stories live. Discover now