Suprise Secret Visit

67 3 0
                                    

AFTER THEIR BROADCAST Red Violet went to their venue for their fan meeting.

Nasa waiting room sila at naghahanda. Dahil tapos na siyang ayusan ay inabala ni Ivine ang sarili sa cellphone.

"May chance ba na magkakasama kayo sa shoot?" tanong ni Welcy na nasa likuran niya na ang tinutukoy ay ang isang clothing brand na pareho silang endorser ng asawa.

"Hindi ko alam pero noong nakaraan ako lang mag-isa. Sabi nila nauna na daw siya, and it depends if meron kaming shoot na pagsasamahan."

"So busy pala kayo. Sayang naman kung ganoon, marami pa naman ang gustong makita yun for sure."

"Oo nga eh. Well, wala naman tayong magagawa doon."

"Sana maisinggit nila," nakangiting wika ni Welcy.

Natawa na lang siya ng magaan. Iyon ang clothing brand na laging ini-endorso ng asawa at kinuha siya ng team para maging bagong muse at nasiyahan siya doon.

Pero dahil nga busy sila ngayon ay walang time na makikita niya ito at ang anak nila. Laging sa tawag sila nakakapag-usap.

Aaminin niya na kahit ganoon na ang sitwasyon nila sa mahabang panahon ay hindi pa rin siya nasasanay paminsan-minsan.

Pero iyon talaga ang takbo kaya tinitiis na lang niya ang pangungulila at iniisip na para naman sa kanila ang ginagawa niya. Laking pasalamat lang nila ni Brace na sa murang edad ay naiintindihan na ng anak nila ang uri ng trabaho nila ni Brace.

Ilang sandali pa ay sinabihan na sila na mag-uumpisa na sila. Binati nila ang lahat ng mga fans bago sila pumwesto dahil sasayawin nila ang latest song nila.

Matapos iyon ay nakipag-usap sila sa mga fans bago umupo sa likod ng long table na inilaan sa kanila para sa fansigning nila.

Nagkaroon muna sila ng kaunting interview at si Jane ang nauna. Habang ganoon ay napatingin siya sa mga tao at napakunot ang noo niya dahil parang may nakita siyang pamilyar na mukha pero hindi niya alam kung ang taong nasa isip niya ay naroon ba.

Pero parang hindi naman kaya itinigil na niya ang pagtanaw pero hindi nawala ang pagkakunot ng noo niya na nawala rin naman dahil siya na ang magsasalita.

BRACE SMILE AS he fix his bull cap and mask as he move backwards, leaving the crowd and went to the backstage to where the waiting room of Red Violet is.

Sinadya niyang pumunta doon para makita ang asawa at nagbakasakaling mapansin siya nito nang hinawi niya ng bahagya ang bullcap na suot niya at hindi siya nabigo dahil napansin nga siya nito pero dahil hindi ito sigurado ay iniiwas na nito ang tingin sa kanya.

"Medyo matagal pa daw sila, Brace," ani Kuya Jino.

"Okay lang, kuya. I can wait," sagot niya.

"Sige. Pumasok ka na sa loob, nandoon ang mga stylists nila. Dito lang ako sa labas para mabantayan sila at masabihan ka."

Tumango siya. "Okay, thanks, kuya."

"Sige."

Nang kumatok siya ay bumukas naman iyonng ilang segundo at si Ate Pam iyon, isa sa mga stylist ng Red Violet.

Yumuko siya at saka binati ito na ginawa rin ng babae. "Oh Brace, ikaw pala. Alam ba ni Ivine na nadito ka?"

"Hindi po. Susopresahin ko po sana siya," nakangiting wika niya nang kunin niya ang mask na suot.

"Oh, okay. Sige pasok ka na, medyo matagal pa sila."

"Ayos lang po yun," sagot niya at saka pumasok na.

Untold Stories of the Series of Love (UP TO DATE)Where stories live. Discover now