12

386 11 0
                                    

                           ALY POV



  Ai Calling....

"Hello.."




"Dude nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin iniintay" --Ai



" nag overtime kase si sir eh.. Sige na papunta na ko jan. Saan ba kayo?"



" Dito sa parking bilisan mo na dude nagagalit na si Denden hahaha" --Ai



"Sige sige papunta na"




Pagkatapos na agad ng tawag ay agad akong tumakbo papunta sa parking lot kung saan sila nag aantay sakin doon ngayon kase pupunta kame sa mall dapat talaga kami lang ni Dennise, eh ayon nagsisamahan yung mga yon nung nalaman nilang pupunta kame sa mall ni Dennise.





Tsaka nagtataka siguro kayo kung baket natawagan ako ni Ai . Itong cellphone ko kase matagal natong nakatago simula nong umalis ako sa bahay namin hindi ko na ginamit dahil hindi ko naman na kailangan gamitin kaya napagpasyahan kong itago nalang at wag gamitin.





Maya maya lang nakita ko na sila Ai kaya agad ko silang nilapitan kahit na hingal na hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko.




"oh? baket ka pa tumakbo tignan mo pawis na pawis ka" sabi ni Dennise at pinusan ang pawis ko sa mukha.




"eh kase baka magalit ka pa lalo pag pinaghintay ko pa kayo" sabi ko kay Dennise.




"Hindi mo naman kailangan tumakbo hindi naman kase ako galit niloloko ka lang ni Ai" --Dennise.



" Sabi nya kase kanina kaya tumakbo na ako papunta dito.. Alam mo naman na ayaw kitang pag intayin lalo na magalit saken" nakita ko naman na napangiti sya at niyakap ako kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti din dahil sa ginawa nyang pag yakap saken. Ganyan sya pag gusto ng lambing .





"Sus... Hindi pa kayo nyan ha!" asar naman ni Ella kaya napahiwalay si Dennise saken sa pagkakayakap at humarap dito.




"Kahit kailan ka talaga besh panira ka. Eh ano naman kung hindi pa kame? Dun din naman ang punta namin" --Dennise





"Nakakaumay na kase" --Ella.




"Lalo naman sainyong dalawa ni Amyr. Tignan mo nga parang mawawala sayo yang boyfriend mk kung makakapit ka sa kanya" --Dennise




Nakaakbay kase si Amyr kay Ella tapos si Ella nakahawak sa bewang nito at ang higpit ng hawak sa damit ni Amyr para tuloy lukot na lukot na ang laylayan ng damit nito. Hahaha.




"Ay sorry babe hehe" sabi ni Ella kay Amyr . Kame naman ay natawa nalang sa kanila.




"Aly pwede ikaw na mag drive ng van? Tinatamad kase ako eh" sabi ni Greg sakin.




Naka van kase kame para daw sama sama na papunta sa mall.




"Pagod pa si Aly si Ai nalang ang mag drive" sabi naman ni Dennise.



"Tinatamad din ako si Mark nalang" sabi nito.





"Ayoko inaantok ako si Amyr" sabi din nito.





"Masakit ulo ko ayoko" tanggi din nito.




Tsk. Nagturuan pa sila alam ko namang parehas lang silang tinatamad kaya wala nakong magagawa kung hindi mag drive hindi agad agad kame makakapunta sa mall kung walang mag dadrive diba?




AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon