Thunder * Embrace

5.2K 110 4
                                    

Chapter Two

IT WAS EARLY IN THE MORNING PERO BUSY SA GINAGAWANG REPORT SI EIRA PATUNGKOL SA LUMANG AKLATAN. She'd printed a lot of survey questionnaires. Kailangang madaliin niya iyon at gawin ng maayos dahil mabilis lang tumakbo ang oras. Akala mo malayo pa sa deadline pero hindi mo namamalayang nandiyan na pala.

She was photocopying a hundred copies in the SC office when Arjh barged in. As usual, he's on his poker face. She rolled her eyes and greeted him, "Good morning!"

He frowned as he gazed at her before turning his chair around away from her direction. Wala man lang response. Kainis talaga ang lalaking 'to. Kung hindi niya lang mahal, naku!

"If you can tone down any noise inside the office, please do. I am going to sleep." Saad nito sa malumanay na boses na ikinagulat niya. Sasagutin niya sana ito na hindi tulugan ang office nang magsalita ito ulit. "I have a terrible headache, spare me from your blabbering."


He has a headache? Nagmamadaling tinungo niya ang lugar nito. His eyes were closed at halat sa mukha nito ang pagod. She instantly touched his forehead with the back of her palm and he didn't stir. "Wala kang lagnat." Saad niya nang maramdamang normal lang ang temperatura nito.

He then opened his eyes and took her hand away from his forehead. She felt her face heat up when he held her hand. "I told you, headache."

Agad na binawi niya ang kamay mula dito. Pakiramdam niya kasi may kuryenteng dumadaloy. "Sandali lang." tinungo niya ang sariling mesa at may kinuha sa drawer. She always has this in her table and in her bag. Baka kasi kailanganin, mabuti na yung handa. Kumuha siya ng gamut at bottled water saka bumalik sa tabi nito and handed it to him. "Inumin mo." Pero nakatitig lang ito doon at hindi gumalaw. "Walang lasson yang tubig ko kung 'yon ang iniisip mo."

Inabot nito ang mga iyon, "Just making sure you won't kill me."



Aba't! pinamaywangan niya ito. "Excuse me! Kahit ang sungit at cold mo hindi kita papatayin ano! Ang sarap mo lang tirisin. Hmph!" nakaingos na saad niya dito. She saw him winced, marahil sa sigaw niya. "S—Sorry." Mahinang saad niya.

Inabot nito sakanya ang bote ng tubig at pumikit ulit. Wala man lang 'thank you'? Magdadabog na sana siya pero naalalang masakit pala ang ulo nito kaya hindi niya nalang itinuloy. Cease fire muna. Naupo na siya sa kanyang station nang magsalita ito.

"Thank you." He muttered quietly.

Napangiti nalang siya. Nagiging mabait pala ang lalaking ito kapag nagkakasakit. She then continued on her work with a smile.

She kept on glancing at Arjhun's side. Bakit ba kasi hindi niya naisipan kanina na sa clinic nalang ito pagpahingahin? Baka kasi nahihirapan na ito doon sa upuan. Haay! Napatingin siya sa relo nang biglang mag-bell. Oras na pala ng klase. Siguro naman okay na siya ngayon. She fixed her table saka sinukbit ang bag at lumapit dito. He really looks peaceful while sleeping. Hmmm. Kinuha niya ang cellphone nang may maisip. Kukunan niya ito ng litrato. Ngayon lang naman eh. Hihihi. She captured his photo just as he opened his eyes. Mabilis na itinago niya ang cellphone sa likuran. "A—Ano, gigisingin sana kita. Malapit ng magsimula ang klase. Sige. M-Mauuna na ako." Saka siya tumakbo palabas at sumandal sa pinto. Muntik na 'yon! Napahawak siya ng mahigpit sa cellphone sa tapat ng puso. She looked at her phone and smiled when she saw his picture. Success!




Ang Physics subject ang klase nila na hina-handle ng isa sa strict teachers nila na si Mrs. Ballentine. "Your exams are fast approaching." Pagsisimula nito. Her classmates groaned. "Any problem with that?" nakataas ang kilay na tanong nito.

[Barkada Series] Falling for the Ice Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon