Jail Booth (one-shot story)

543 14 14
                                    

 Makulong ang gusto kong mangyari sa akin. Muntanga ba? Baliw? Adik? Siguro lahat ng tao matatawa kung marinig o malaman nila sa isang tao na gusto nitong makulong. Pero sino ba naman ang ayaw makulong...

Sa Puso ng Taong Mahal Mo.

Ako si MIchelle Tamayo, 15 years old. Isang tipikal na estudyante. Pumapasok dahil gustong makita ang mga kaibigan, dahil sa baon at syempre para masulyapan ang crush.

Nakakatawa di ba? Pero sa panahon ngayon, lahat ng tao may crush. Kung ikaw wala, aba'y magpatingin ka na. Abnormal ka.

Katulad ako ng iba na hindi alam ng crush ko na crush ko sya. Ang hirap pa nga sa part ko eh kasi medyo close kami. Medyo lang naman. For sure, once na aminin kong gusto ko sya, maiilang na sya sa akin. And worst? Mawawala na yung friendship namin. Ang crush ko nga pala ay ang kuya-kuyahan kong ahead sa akin ng isang taon. Si kuya Jude Montemayor.

Ngayong araw na to ay ang Foundation Day ng school. Buti na lang wala akong club na sinalihan. Kasi yung iba, hala takbo dito, takbo dun. Trabaho dito, trabaho doon. Walang tigil sa pag-aasikaso ng mga estudyante.

Eto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng ground kasama ang mga kaibigan ko. Sina keisy at May. Andito lang kami at pinapanuod ang mga kaganapan sa mga booth.

"Wew, kapagod magsaya", sabi ko habang pinagmamasdan ang mga naglalaro sa isang booth.

"Oo nga eh. Ilang beses din akong tumakbo dahil sa mga nanghuhuli", sabi naman ni May.

"Haaay, kahit nakakapagod sana ganito araw-araw. Makabili nga muna ng pagkain. Halika punta tayong canteen", anyaya naman ni Keisy.

"Sige, nagugutom na rin ako eh".

"Kayo na lang, dito muna ako. Nakakapagod eh", sabi ko sa kanila.

"Ok, dyan ka lang ah".

"Opo".

Pagkaalis nila, nag-stay lang ako sa pwesto namin. Nilabas ko yung cellphone ko at sinuksok yung headset sa tenga ko. Nag-soundtrip muna ako. Kaka-boring eh.

Habang nakatayo ako dun, pinapanuod ko lang yung ikinakasal sa Marriage Booth. Base kasi sa ekspresyon nung babae,  parang ayaw nya. Yung mga tao namang nandun, ang sasaya pa. Sapilitan siguro to.

Maya-maya, nakita ko yung mga estudyante, nagtatakbuhan. Bakit kaya? Baka naglalaro lang tong mga to., mukhang mga freshmen eh.

Ilang saglit lang, nagula ako ng may biglang nagposas sa kaliwang kamay ko. Dahil dun, napalingon ako sa lalaki sa gilid ko. Tinanggal ko agad yung headset  ko para marinig yung sinasabi nya. "Miss, your under arrest".

"Huh?", tinignan ko yung suot ko. White na blouse, pink  na palda na above the knee yung haba, doll shoes, relo, saka bracelet. "Ano ba yung mga huhulihin?"

"Yung mga nakalugay po yung buhok".

"Aaay, oo nga pala. Nakalugay ako".

Hinila na ako nung lalaki para dalhin sa Jail Booth. Nung malapit na kami dun, bigla kong naalala na hindi pala alam nina Keisy at May na nahuli ako. Sinong magtutubos sa akin?

"Ay kuya wait lang. Puntahan ko lang yung mga kaibigan ko para may magtubos sa akin."

"Miss, bawal yun eh. Kailangan pag nahuli, ikulong agad."

"Hala pano yun? Pwede bang ako nalang magbayad para sa sarili ko?"

"Hindi eh. Kapag ganun, isang oras pa ang hihintayin mo bago ka palabasin."

"Yare, ang tagal naman nun."

Pagkadating namin sa Jail Booth, pinasok na agad ako sa loob. Punung-puno sa loob. Halos lahat hindi ko kilala. Waaah, san may mag-save sa akin, please, please, please.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jail Booth (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon