Rebel fourteen!

35.6K 806 39
                                    

Make It Real

KEYVEN ---

"Uuwi na ako." sabi ni Chasty at tumakbo na palabas.

"Habulin mo,kami na bahala." ani Jaigo. Tumango ako at sinundan sa labas si Chasty.

Ang mga taong iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng trauma ni Chasty. Kung dati ay hindi ko pinapansin iyon,ngayon ay natatakot akong lalamunin si Chasty ng takot nya at baka humantong sya sa pagkabaliw.

Hindi ko kaya iyon,lalo pa at sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero paano mawawala ang takot nya? Hindi naman nakatulong yung Dok Blithe. At paano din magbabayad sa batas ang mga may kagagawan nun? Kung wala namang batas dito sa Pilipinas ang kontra sa pangre-rape sa kaparehong kasarian?

Nagpalingon lingon ako sa paligid at nakita ko syang sumakay ng jeep. Uuwi na siguro sya.

Muli akong pumasok sa loob. Nagkakagulo na pala dahil kay Jaigo.

"Wala kang galang!" sigaw nung kaibigan ng tatay ni Chasty,inaawat ito ng mga kasamahan nya.

"Hindi kayo dapat igalang! Kayo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ni Chasty!" sigaw din ni Jaigo na inaawat ni Kyrian. Lumapit ako,parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit.

"Pwede namin kayong kasuhan. Hindi kayo makakatakas sa batas." ani ko at tinitigan sila. Halata namang natakot sila.

"Ako ang tatay niya,pwede ba syang makausap?" sabi nung tatay.

"Hindi pwede,magkaka sakitan muna tayo." sabi ko naman. Makakaganti din ako sa ibang paraan. "Tara na guys,hindi sila dapat pag aksayahan ng panahon."

Sabay sabay na kaming lumabas,napagdesisyunan nilang bumalik sa school,at ako naman ay umuwi para icomfort si Chasty. Baka nanginginig na yon sa takot.

Pagkauwi ko ay halatang nandun na nga sya dahil bukas na ang mga bintana. Pagpasok ko ay sinubukan kong ipihit ang seradura ng kanyang kwarto ngunit naka lock ito.

"Chasty,si Keyven 'to. Buksan mo ang pinto." ani ko at kumatok.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto at namumugtong mga mata nya ang bumungad sa akin. Nahabag ako lalo kaya niyakap ko sya.

"Bakit ka nandito? May pasok ka pa diba?" aniya.

"Hindi ko maaatim na nasa eskwelahan ako pero ang mahal ko ay nandito at umiiyak." sagot ko. Kumalas sya sa yakap ko at tinitigan ako.

"M-mahal mo ako?" ang parang hindi nya makapaniwalang tanong.

"Hindi pa ba obvious sa mga ginagawa ko?" nakangiti kong tanong sa kanya at bigla naman syang namula.

"Diba,kunwari lang naman ito? Para may makuha tayong mga kasagutan?" aniya na lalo kong ikinangiti. I will do anything makalimutan lang nya ang mapait na nakaraan.

"Well,nakuha ko na ang sagot. Yon ay mahal pala talaga kita,ewan kailan nagsimula,pero sinubukan ko namang pigilan but you see,I failed."

"Wala akong masabi."

"Ikaw? Mahal mo ba ako?" ang tanong ko. Muli na naman syang namula,it means may nararamdaman nga sya para sa akin. "Then lets make it real."

Doon nya ako muling tinitigan. Ngayon ko lang napansin ang maganda nyang mga mata,ang mukhang manika nyang mukha.

"P-pero--"

"Ngayon ka pa ba tatanggi? Parehas naman tayo ng nararamdaman at ilang beses ng may nangyari sa atin." nakangisi kong sabi na ikinalaki ng mga mata nya.

"Baliw ka!" sabay hampas nya sa akin na ikinatawa ko. Hinawakan ko ang mga kamay nya at yumuko ako para halikan sya. At ng maglapat ang aming mga labi,narealized ko bigla na tama naman pala ang mga tito ko,na ang puso walang kinikilala pag nagmahal.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon