Kabanata 7

1.2K 41 0
                                    

Nicole's Pov

"HAHAHAHAHAHAH" Tawanan ng mga studyante sakin!

Nakasalampak ako ngayon sa putikan dito sa soccer field!

Naglalakad lang ako kanina ng biglang may tumulak sakin hindi ko nakita kong sino!

Hindi ko na ininda pa ang mga tawanan ng mga studyante sa akin. Dali dali nalamang akong tumayo mabuti nalamang ay hindi nasama ang mga gamit ko sa putikan! Ngunit sa kamalas malasan nga naman ay basang basa ang pantalon at damit ko!

Wala pa naman akong extra t-shirt at pantalon!!

*Ano ba yan tatanga tanga kasi eh!

*Yuck, kadiri siya

*Balita ko yan ata yung transferee na sumuntok kay cleo

*Siya nga iyon! Napaka pangit niya! Lushang!

*Mahirap.

Bulongan ng mga studyante na nasa paligid ko. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata bago ako umalis.

Ang sarap nilang sabunutan!

Nang makarating ako sa banyo ay pinagtinginan at ang iba ay pinagtatawanan ako!

Hindi ko nalang rin sila pinansin sa halip ay nagtungo ako agad sa isa sa harap ng salamin at saka ko binuksan ang gripo para punusan ang siko ko na may putik! At saka naghilamos nadin ako.

Pano na to? Anong susuotin ko!

Maya-maya pa ay nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng banyo at nakita ko si Mitch!

"Mitch"-sambit ko.

May bahid ng pag-aalala niya akong tinignan. " Anong nangyari sayo?! "-saka ito lumapit sakin.

"Napasubsob sa putikan. "

Tudo iwas ito ng tingin sakin. "Hmm hintayin mo ako dito may extra T-shirt at pants ako don sa bag ko".

" Mitch! "-tawag ko saka ito lumingon sakin. Ngumiti ako bago nagpatuloy sa salita " SALAMAT! "

Ngumiti lang din ito at saka na tuluyang umalis at naiwan akong mag isa dito na nakatulala sa salamin.

Nakikita ko ngayon ang itsura ko sa salamin.

Madumi ang suot ko

Medyo magulo ang buhok ko

Napakadumi ko tignan. Daig ko pa ang baboy sa kadumihan ng suot ko.

"Eto magpalit kana"-si mitch sabay abot niya sakin ng t-shirt at pants niya. Ngumiti ako sakanya " SALAMAT! "

Tango lang ang tanging sagot niya saka na ako pumasok ng banyo para magbihis. Ilang minuto lang din ay lumabas na ako..

Inilibot ko ang buong paningin ko sa banyo wala na si Mitch! Napabuntong hininga muna ako bago ko kinuha ang gamit ko at saka na ako lumabas.

Walang nagkalat na mga studyante ngayon!

....

Pupungay pungay ang mata kong iminulat ko dahil sa may patak na tuma tama sa aking muka!

"HAHAHAHA bilis tara na! "-sabi ng isang junior high na nag e spray sa muka ko ng tubig!

Nandito ako ngayon sa library para mag basa ng libro! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako!

Napahawak ako sa ulo ng may parang kung anong bagay ang nakadikit sa buhok ko!

Hirap na kinapa at inalis ko ito sa buhok ko! At saka ko napagtanto na isa itong bubble gum! Hindi lang siya basta bubble gum!!

Halos gusto kong isigaw lahat ng inis ko dito sa library ngayon!!

Arghhh! Ano bang ginagawa ng mga studyante dito sakin! Bat nila ako ginaganito!! Wala naman akong ginawang kasalanan sakanila!.

Tumakbo ako papuntang banyo uli at saka ko nakita ang buhok kong nagdikit dikit at may natira pang ilang pirasong bubble gum sa buhok ko!!

" Aish. Ano ba naman to ang hirap tanggalin! "-reklamo ko habang nakatingin sa salamin.

Halos mangalahating oras kong tinanggal ang bubble na nagkadikit dikit sa buhok ko. Kanina pa ako pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga studyante na nag ba banyo!

Napabuntong hininga ako uli saka tumingin sa salamin. Halos hindi na maipinta ang muka ko dito!

" Aish! "

Sana naman ay huli ng kamalasan tong nangyari ngayon!

...

Tumatakbo ako ngayon dahil mahuhuli na ako sa last subject ko!

*boogssshhh

"Aray"-daing ko. Ang sakit ng pwet ko dahil napaupo ako!

Nakabunggo ako!!

" Ouch"-daing ng boses babae.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sahig..

"Naku, pasensya na hindi ko sinasadya! "-panic na sabi ko saka ko inilahad ang kamay ko sakanya upang tulungan siyang tumayo.

Tinanggap naman nito ang palad ko para tulungan siya.

" It's okay "-nakangiting sabi nito.

Teka namumukaan ko siya.

"Your familiar"-sabi niya habang sinusuri ang muka ko!

"Yeah ikaw nga! Ikaw yung sumuntok kay cleo"

Natatandaan ko na siya yung babaeng umawat kay cleo na halos mamatay na ako dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya sa kwelyo ng damit ko!

"A-ako nga"-nahihiyang sambit ko dito.

"HAHAH I think your nice "-nakangiti nitong sabi.

Tango at ngiti lang ang tugon ko sakanya dahil hindi ko siya kilala at isa pa parang ang sungit niya!

Kung hindi ako nagkakamali ay Denise ang pangalan nito!

"By the way, ako nga pala si Denise and you are.........?? "

"Nicole "

"How cute, nice to meet you Nicole! "-saka ito ngumiti uli.

" Sayo din "

May last subject pa pala ako!

"Pasensya na ulit. Mauna na ako sayo late na kasi ako sa last subject eh hehe"

"Yup. It's okay, go to your room,may klase din ako"

Tumango nalang ako bilang tugon sakanya.

Nang makarating ako ay mabuti nalamang at wala pa ang terror teacher namin na matanda. Kaya laking tuwa ko!

Ilang segundo lang rin ang lumipas ay dumating nadin ito at nag lecture na....

....

Medyo maaga ang uwian namin ngayon! Dahil may meeting ang mga teacher!

Palabas na ako ng gate ng school nang biglang may sasakyan na sumabay sakin sa paglalakad!

!!!

Nakangisi itong nakaupo at relax na nagmamaneho!

"Ano? Nagustuhan mo ba ang inihanda ko sayo? "-tanong nito!

Sino pa ba edi si Cleo Martinez!!

Saka ko lang naalala yung sulat kahapon na binigay ng junior high sakin!

" Ikaw!? Pakana mo lahat yun?!! "-halos lumabas lahat ng ugat ko sa lalamunan!

" HAHAHAHA oo ako nga miss! Mas matindi pa ang mangyayari sayo kaya humanda ka na! Patikim palang yun! "-ngising sambit nito saka niya ako kinindatan at pinaharorot ng mabilis ang kanyang kotse!!

" Hindi kita uurungan! "-sigaw ko kahit alam kung hindi niya ito maririnig!

Kailangan ko nang maghanda!

RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon