Noong unang panahon, sa isang malayong-malayung bayan na lampas pa ng MRT santolan station, may isang batang lalaki na may ngalang Pepe. Si Pepe ay bibong bata at maraming kaibigan, 750 ang friends niya sa facebook. Mahilig siyang maglaro sa labas tuwing hapon pagkagaling sa eskwelahan.
Isang regular na araw, hindi espesyal kagaya ng halo-halo sa Chow-King, naglalakad si Pepe pauwi galing sa bahay ng kanyang kaibigan. Mayroon siyang nakasalubong na matandang pulubi. Dahil abala si Pepe sa pagbibilang ng kanyang mga barya, hindi niya namalayan na nabunggo niya ang pulubi. Nahulog at nagasgasan ang Iphone 5s ng matanda na siya namang ikinagalit nito ng matindi.
Hindi siya nag-atubiling tumakbo papalyo sa matanda dahil sa takot. Ginawa niya iyon habang tumatawa ng malakas. Basang-basa si Pepe nang makauwi sa bahay, ngunit masaya siya dahil kanyang natakasan ang matanda.
Umakyat ang bata sa kanyang silid at nagpahinga. Dali-daling humimbing ang kanyang tulog hanggang magtakipsilim. Bata... bata... Tila isang tinig mula sa horror movie ni Kris Aquino ang kanyang narining. Habang tumatagal ay lalung lumalakas ito. Kanyang tinugon ang tinig, "Bakit po? Who's calling me yoh?!" sagot niya. Ako si Humblee-Humblee-Duff, sinira mo ang Iphone ko! Mula ngayon magiging sunflower ka!
Nang sumapit ang umaga, gigisingin sana ng kanyang ina ang bata ngunit wala ito sa kanyang silid. Isang bulaklak lamang na mataba at kulay dilaw ang natagpuan nila sa kanyang higaan. Dahil sa kakatwang anyo ng bulaklak, tinawag nila ito "sunflower" at isinahog sa ginisang gulay.
Wakas...