Miruelle
Have you ever try avoiding praying on something that obviously its already there?
Yung pakiramdam na nakikipag-tagisan ka kay Papa God? Na kahit anjan na ay pinapanalangin mo pa rin na sana----- sana hindi mangyari.
Pero wala kang magawa kase alam mo sa sarili mong anjan na yan. Hindi mo na mapipigilan. At higit sa lahat si Papa God lang naman ang kinakalaban mo.
Growing up with my family is one of the best blessings that God gave me. And I always thankful to Him for that. Kase kahit yung mga bagay na hindi ko naman hinihiling ay binigay Niya sa akin.
Ganun ka generous si Papa God. Ngunit pakiramdam ko sa sobrang ka generous ni Papa God pati yata yung ayoko na makuha o matanggap ay binigay niya sa akin.
Should I be happy or not? Of course dapat lang ikasaya ko. Tutal wala naman binigay si God sa atin na pagsisisihan natin eh. So in short let's be thankful with everything, gusto man natin o hindi, blessing pa rin yun galing sa kanya.
But one of the things that I'm avoiding is falling in love.
Hindi naman sa against ako sa pagiging in love. Isa kaya yun sa pinaka-masarap sa pakiramdam----ang pagiging in love.
But again, I have my reasons why I'm avoiding to fall in love. Ngunit dahil nga si Papa God ang may hawak nang buhay natin, siya din ang nakakaalam kung ano mangyayari sa future natin. Gustohin man natin ito o hindi.
"Hey, what are you doing here? Ba't ka nag-iisa?"
That voice. It will always be music to my ears.
Matt's voice.
"Hmmm. Wala lang nagpapahangin lang ako." Sagot ko sa kanya. He's now seating beside me. Nandito kami sa labas ng kubo nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
Pagkatapos kong magsalita ay nabalot na kami ng katahimikan.
I looked up and stares at the night sky. Kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan ang langit, lalong-lalo na kung nababalot ito nang nangnining-ningang bituin.
"You really like to stare at the night sky." Sabi nito.
"Of course. It is one of my favorite Gods creation. Aren't they beautiful?" I asked him.
"It is." Simple ng sagot nito. I looked to Matt to see his reaction but he's looking at me.
It was two days ago, after the pageant which is kami ang tinanghal na panalo ni Matt. I never thought we would win that pageant.
Ang sa akin lang naman kase ay mairepresenta sila Lola Mareng. Tapos talagang magaganda at gwapo din naman ang mga kalaban namin. Siguro nalamang lang namin sila sa suporta ng mga tao. Halos kalahati ba naman ng audience ay supporters namin ni Matt. Malaking puntos din yun.
Pagkatapos ng pageant naging mas close kami ni Matt. Naging mas vocal naman siya sa nararamdaman niya sa akin. Kahit na nandyan ang pamilya niya at sila Lola Mareng ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagiging sweet at maalalahanin sa akin. Which makes me fall for him.
Yup, I'm falling in love with this guy beside me. Matthew Sandoval. He's capturing my heart already.
Akalain mo yung Matt na inaakala kong rude at suplado ay may tinatago palang lambing. Tapos medyo korni din minsan.
Matt is still looking at me intently.
I faked a cough para basagin ang katahimikang namamagitan sa amin dalawa, lalong lalo na ang mga pagtitig niya sa aking nakakatunaw.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.