Chapter 21: Best friend lang talaga. Period No Erase.

46 26 2
                                    

Jasper's POV:
Nandito kami ngayon ni Sam sa library. Napapansin ko lang sa kanya ay sobrang tahimik nya ngayon. Buong araw sya halos walang kibo o salita at bilang boy best friend nya, I know that something is wrong.

"Sam? What's the problem? Buong araw ka ng hindi masyadong nagsususungit sa akin. Nakakapanibago" Nakita ko na tumirik ang mga mata nya sa akin. "Pero seryoso Sam, anong problema?"

"Wala," walang ganang sagot nito sa akin.
"I know you Sam. Ano pang silbi ko bilang best friend mo, kung hindi mo naman sasabihin kung anong problema?"

"Hindi mo ako matutulungan sa iniisip ko" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Then...I'll try to give advice, then" Nakita kong umangat ang ulo nya at ngumiti na hindi abot pa sa tenga.

"Kung nalaman mo na may fiancè yung taong pinakamahalaga sa buhay mo, anong gagawin mo?" Seryoso sya nung itinanong nya ito sa akin. "Well...ano bang sitwasyon nung dalawa?"

"Magbest friends" Sa sinagot nya ay para akong nagduda. Bakit nya kaya iniisip yung ganung problema? Weird man na isipin ko 'to pero...sya ba at ako ang iniisip nya? Ang friendship ba namin ang iniisip nya kung meron mang magkaarranged na biglaang marriage? Sya ba yung nasa sitwasyon na nagkaroon ng fiancè?

"Sino yung magbest friends?" Hindi ko talaga mapigil ang pagkacurious ko.

"Kung old friend ko tsaka yung boy best friend nya" sagot nito. Akala ko talaga kaming dalawa yung pinopoint out nya 'e. Kasi...kahit anong mangyari, magkafiancè man ang either the two of us...hinding hindi ko yun ipagpapalit sa best friend ko.

"Napagdesisyonan na daw kasi nung parents nung boy na magkaroon sya ng fiancè para daw maisalba ang company. Hindi pa ipinaalam dun sa lalaki at sa girl best friend sinabi," pagkukwento ni Sam.

"'E bakit dun sa girl best friend sinabi nung parents?" She suddenly gave me a boring look. "Patapusin mo muna kasi ako magkwento!"

Napatawa naman ako dahil parang bumabalik na ang kasupladahan nitong si Sam. "Hindi nila kaya munang sabihin ng deretsahan. Ang sa tingin nilang tama ay mauna munang malaman nung girl best friend nung lalaki" pagpapatuloy nito.

"Tapos?"

"So...yung girl best friend nung lalaki ay parang nawalan ng gana. Parang naisip nya na, bakit ganun? Bakit kailangang mangyari yun? Hindi sya mapakali kung tama pa ba na maging magbest friend sila. Naisip kasi nung girl na mali ang manatili silang magbest friends, and unti now...she's still devastated about what decision she'll make" Natapos sya sa pagkukwento at bumalik na naman sya sa pagkatahaimik.

"Eh bakit nya pinuproblema yun? Kahit naman magkafiancè yung boy...magbest friends pa rin naman sila" Tumingin sya sabay ngiti ng konti. "Sana nga ganun lang talaga palagi" sabi nya sabay hinga ng malalim.

"What do you mean?"

"May gusto kasi yung babae sa boy best friend nga. Masakit sa kanya na best friend lang ang tingin ng boy best friend nya sa kanya. Maslalong masakit nung nalaman nyang may fiancè na ito. Kaya hirap na hirap sya ngayon" Napansin ko na nanginginig ang boses ni Sam. Huminga muna ako ng malalim bago sya tingnan.

"Alam mo Sam, kapag true talaga ang friendship nyo...kahit anong mangyari, matatag pa rin ang pagkakaibigan nyo. Advice ko lang dun sa babae ay, sabihin nya na yung totoong feelings nya dun sa lalaki bago pa mahuli ang lahat. At malay mo, may gusto rin pala yung lalaki sa best friend nya. Sometimes kasi, you should also take the risk. Kahit na mahirap 'to. Kasi dun mo lang talaga malalamn anv kasagutan sa tanong na hindi mo malalaman unless you take the risk" Nagtagpo ang mga mata namin at nakita ko na nawala ang pagaalala sa mga mata nya.

"I'll say that to her. Thanks for the advice" sabi nya sabay nagulat ako nang yumakap sya sa akin.

"Jas?" tawag nya sa akin. "Hmm?"

"Pano kung naging ganun ang sitwasyon natin?"

"Sitwasyon?" Umalis sya sa pagkakayakap sa akin. "Kung isa sa atin ay biglang magkaarranged marriage" Napatawa ako ng mahina.

"Kung ako man yung magkafiancè, hinding hindi ako magbabago sayo. Yung trato ko sayo. Yung samahan natin. You're still gonna be my girl best friend. And you'll always will." sabi ko rito sabay yakap kay Sam. Naramdaman ko na yumakap sya pabalik sa akin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kahit magkafiancè ako, sya pa rin ang pipiliin ko. Dahil sya lang naman talaga ang babaeng balak kong maging fiancè at maging girlfriend. Wala ng iba. Wala pa kasi akong sapat na lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Ang gusto ko lang ay maramdaman nya na special sya sa akin. Dahil mas valuable pa sya sa kahit anong bagay na mabibili ng mga milyong dolyar.

Sarah's POV:
Nung marinig ko ang sagot ni Jasper, hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot. Bakit? Magiging masaya ba ako dahil sinabi nya na kahit magkaroon sya ng fiancè, walang magbabago sa trato namin sa isa't isa? O magiging malungkot dahil hanggang best friend lang talaga ang tingin nya sa akin?

Niyakap ko talaga sya pabalik para hindi nya makita na pumatak ang pasaway kong mga luha. Agad agad ko namang pinunasan ito nang kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

"'E ikaw Sam, ano ang gagawin mo? Ibahin mo yung sagot mo 'a! Wag kang gaya gaya" Napatawa naman ako ng onti sa pahabol nyang pangaasar.

"Kung magkakafiancè man ako...maspipiliin ko kung sino ang tinitibok ng puso ko. Kasi alam ko na sa kanya lang ako sasaya. Kahit ipagpilitan sa akin ng mga magulang ko ang magpakasal sa fiancè na hindi ko naman mahal...hindi ako papayag. And about dun sa friendship? Walang magbabago at hindi magbabago ang lahat ng pinagsamahan at pagsasamahan pa namin in the future. Like our friendship. Kapag may balak na pumutol ng tali sa pagkakaibigan natin, pipilitin ko pa ring ibuhol ng mahigpit para hindi matanggal" sagot ko sabay clap ni Jasper. "And the winner is...!!" Napatawa na lang kaming dalawa. Napatingin ako kay Jasper dahil biglang nagseryoso ang mukha nito.

"Kung dadating man Sam na magkaroon tayo o mapapasok tayo sa isang relasyon...kung papiliin ka between best friend mo o yung minamahal mo, anong isasagot mo?"

"Syempre...yung best friend ko! Kasi sya naman talaga ang kasama ko nung mga araw na hindi pa kami magkakilala nung boyfriend ko 'e" masaya kong sagot. Nakita ko namang ngumiti si Jasper sa sagot ko.

"Same here, Sam. Masmahalaga ang kapakanan ng best friend ko sa kahit kanino man sa mundo. Mahal na mahal ko talaga 'tong best friend ko 'e" Okay na sana yung MAHAL NA MAHAL KO TALAGA 'TO, kaso dinugtungan pa ng BEST FRIEND. Hays, wala talaga akong laban. Dahil best friend lang talaga ang tingin nya sa akin. At least mah presence pa nya ako...at some point.

Natapos ang araw namin ng masaya. Nagkwentuhan pa kami ng masmatagal. Hindi ko na nga natapos yung binabasa kong libro 'e! Hahaha! Akala ko kilalang kilala ko na talaga 'tong si Jasper, pero ang dami ko pang hindi nalalaman. Kaya maslalo akong mahihirapan nito.

Hinatid na ako ni Jasper sa bahay at nagpaalam na kami sa isa't isa. Medyo late na nung nahatid ako, kasi naggala pa kami ng medyo matagal. Para rin masulit ko na ang mga araw na hindi nya pa alam ang sinabi ng parents nya. Pagpasok ko ng pinto ay nakita ko si Delialah.

"So...anong nangyari?" Nakatingin sya sa akin habang nakasandal sa pader.

"Well...at least nalaman ko na yung gusto kong malaman" sabi ko. "Nagconfess ka na?"

"I think so. But I put it in a story"

"Indirect confession ang ginawa mo? Hindi ba nahalata?" Nakita ko na lang sya na nasa sofa na at malapit sa akin. Para raw masmarinig nya ang sagot ko. Kahit kailan talaga, napakatsismoso ng mga kaibigan ko.

"I don't think na nahalata nya. Pero alam ko na ang mangyayari kapag nangyari yung mga sinabi sa akin ng parents nya"

"Ano?" Napahinga na lang ako ng malalim. "I'm still gonna be his best friend no matter what, period." Hindi na umimik si Delialah at hinayaan na akong pumunta sa kwarto ko.

Maybe I just have to accept the fact that ganun talaga ang tadhana. Hindi mo alam kung sasaya ka o malulungkot ka.





Sorry for the typographical errors, kung meron man :) Please support me po, that would be a great help po :)

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon