Chapter 26: Pictures

1.5K 38 1
                                    

Kyline's Pov:

Matapos ang pangyayari ay nagpalit ako at syempre sa tulong ni Xavier may suot ako. Yeah, thanks to him.

Kung mapapadalas 'tong ginagawa nila sa akin hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa oras na hindi ako makapagtimpi.

"Nice." napalingon naman ako kay Xavier na nagsalita at hinahatid pala ako papunta sa room. Hindi ko man lang namalayan.

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong nice?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Kasi lumalaban ka na." sabi niya. "But you're still a nerd to me." dugtong niya pa.

Sino ba namang hindi lalaban? Buhusan ka ba naman ng mabahong tubig tapos gusto pa akong samplin nung isa ng walang dahilan at dahil lang sa nakakasama ko 'to sila Xavier. Mga inggetera kasi. 

Tsk, nakakainis dahil sa lalaking 'to nabubulabog na naman buhay ko pero kung sabagay he saves me from those insecures.

"What are you smiling at?"

What?! Nag smile ba ako?!

"W-Wala ka na don." sabi ko tapos naunang naglakad.

"Hmmm... crush mo na siguro ako no?" sabi niya. Ang taas talaga ng tingin ng lalaking 'to sa sarili.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama. "Shut up ok?" naiiritang sabi ko tapos pumasok na sa room.

Nakita ko namang pinagtinginan na naman ako ng mga estudyante na akala mo gumawa na naman ako ng karumal dumal na krimen, gumanti lang naman ako.

Nako kung hindi ko napigilan yung sarili ko baka natusok ko na sila ng ballpen sa mga mata nilang grabe makatingin sakin para bang hinuhusgahan na buong pagkatao ko. Meron pa naman ako ngayon at nakakapang init talaga ng ulo.

Pumasok si Xavier at doon ko lang napansin na nasa kaniya pala yung bag ko kaya kinuha ko yun mula sa kaniya. "Thanks." tipid kong sabi.

Umupo na ako pero hindi pa rin siya umaalis. Ang dami na ngang babaeng nakatingin sa kaniya at parang wala lang 'yon sa kaniya. Kahit hindi ako ang tinitignan ko ramdam ko ang malagkit na tingin ng iba. Mukhang sanay na sanay na nga siya kaya hayaan na lang.

Bigla siyang nagsalita. "Kung sino man ang manakit ng walang dahilan sa girlfriend ko dito. I will make sure na makikick out kayo." sabi niya.

Siraulp ba siya? Edi mas lalo akong pag-iinitan ng mga babae ngayon. 

Bigla naman silang nagyukuan sa inanunsyo nito. Hindi ako makakapayag kaya nagsalita ako "Xavier ano ba--"

"This is for your own sake." habang sinasabi niya iyon ay lumakad siya palapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

What the hell was that?

"Naks naman may pa halik halik pa sa cheeks." napabaling naman ako kay David habang tumatawa itio. Nagpipigil ng tawa.

Magsasalita pa sana ako kaso dumating na ang teacher namin kaya umayos na ang lahat at kasabay nito ang pag alis ni Xavier dito.

Habang nagsusulat ako napapaisip ako doon sa nangyari kanina. Hindi ko rin kasi akalain na lumaban na pala ako, siguro nadala lang ako sa init ng ulo? At hindi ko pa nagagawa yung isa kong assignment tapos ganon pa ginawa nila sa akin pagkadating na pagkadating ko.

"I didn't know na may tinatago ka pala."

(0.0)

"W-What do you mean?" tanong ko habang nagsusulat pa din.

"Ang astig mo kasi kanina. Ang akala talaga namin hindi ka lalaban na dapat haharang na si Xavier pero pinigilan ko siya at tama nga ako..." dinig ko pang sabi niya.

That's My Nerd (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon