POD:Chapter 1

234 3 3
                                    

Chapter # 1

BUS STATION

Sumakay sila Jasiel,ang pinsan nitong si Jasper at ang tito nitong si Junior sa isang bus papunta sa cabanatuan. uuwi na ito sa probinsya dahil magpapasukan na next week habang nasa loob ng bus sila Jasiel ay may pumasok na 5 babae at isang lalaki. tinignan iyon nila jasiel at jasper at doon nakilala nila ang mga ito kasi classmate nila iyon noong nakaraang taon. nakita din naman sila ng 5 babae at 1 lalaki na nagngangalang Tricia,Joanna,Francess,Karen,Mae at lester lumapit ito kila Jasiel at jasper. magkatabi lang ng upuan sila jasiel at jasper sa pinakalikod ng bus habang ang tito naman nila na si junior ay 1 upuan ang layo sa kanila..

"Hi Jasiel!, Hi jasper! Kamusta bakasyon? "masayang bati ni karen

nginitian lang sila ni jasiel at tumingin na sa bintana. katabi lang kasi siya ng bintana

"okay lang naman "sagot ni jasper

"okay lang ba si jasiel? dati ang daldal niyan ngayon ang tahimik na " tanong ni Mae

Hinampas siya ni Tricia sa balikat pero mahina lang kaya napatingin si mae sa kanya ng nakakunot ang noo.

"ano ka ba mae! Syempre people change naman diba? common sense "sarcastic na sabi ni tricia

nginitian lang siya ni jasper kasi hanggat maaari ayaw niyang mgbukas ng topic kung bakit tahimik na si jasiel ngayon...

"tingnan mo nga naman! nagkita-kita parin tayo kahit saan tayo magpunta! "sabi ni tim habang hawak-hawak ang kamay ni cindy

tinignan ni Jasiel si tim at si cindy sabay tingin din sa magkahawak nitong kamay. nakaramdam ng kirot sa dibdib si jasiel dahil Mahal parin niya si cindy hanggang ngayon. Kahit na mas pinili niya si tim kaysa sa kanya.

Umiwas nalang ito ng tingin at tumingin sa bintana.

"Tim? Cindy? kamusta bakasyon nyo? "tanong ni joanna

"Hoy line ko yun hah?! "Sabi ni Karen

"Anong line? masama bang magtanong?"sabi ni joanna

"Tsk! Hindi! "sabi ni karen

"Eto okay lang! magkasama kami ni Cindy sa buong Bakasyon! "sabi ni tim habang nakatingin kay jasiel na ngayon ay nakatingin parin sa bintana

"Babe maupo na tayo nakakangawit na ehh "sabi ni cindy kay tim

tinignan siya ni tim at ngumiti "sige babe umupo na tayo "

umupo na sila cindy at tim sa bakanteng upuan

"uupo narin kami jasper babye! "

ngumiti si jasper sa kanila "sige" sagot niya

umupo narin sa bakanteng upuan yung 6 na babae at 1 lalaki...

Maya-maya ay umandar narin yung bus saktong pag-andar ng bus ay biglang umulan...

habang nakatingin si jasiel sa labas ng bintana ay mayroon itong nakitang poster na nakalagay ay " Highway 180" pero hindi niya iyon pinansin at tumingin ito kay jasper at ayun tulog na pero napadako ang tingin niya sa katabi ni jasper lalaki yun na may tattoo sa braso na bungo kaya napakunot ang noo nito dahil pakiramdam niya may masamang mangyayari.

Naalis ang tingin niya doon nang biglang tumunog ang radio...

"I'm scared to death on the highway of 1..8..0..."

Napakunot ang noo nito sa narinig. huminga ito ng malalim at biglang sumagi sa isip nito kung paano patayin mamatay tao na iyon ang nanay niya. wala siyang nagawa nun dahil natatakot siya... natatakot siya na baka pati siya mapahamak din dahil may dala-dalang baril yung taong iyon. nakita niya kung paano barilin at patayin ang kaniyang sariling ina ni wala man siyang nagawa para iligtas ito kaya simula nun sinisi na niya ang sarili niya sa lahat ng nangyari at palaging iniisip na "ang tanga ko! Bakit hindi ko nagawang iligtas sa kapahamakan ang taong nagiisang mahalaga sa akin " wala na nga yung tatay nito ay mawawalan din siya ng nanay kaya simula nun inampon na siya ni tito junior tatay ni jasper at tito naman ni jasiel...

Boooogggshhh!!!

nakarinig siya ng nagsalpukan kaya napatingin ito sa harap ng bus at nanalaki ang mata niya nang may dalawang kotse ang nagsalpukan sa harap ng bus pero nailagan naman iyon ng bus para hindi mabunggo sa nagkabungguang kotse pero dahil sa ulan at lakas ng pagkakaliko ay tumaob ang bus sa riles ng tren...

bago tumaob ang bus ay walang maririnig sa loob kundi ang sigawan...

nagising si jasiel sa pagkakawalan ng malay sa lakas ng impact ng pag untog ng ulo nito sa bintana na naging dahilan para ito mabasag. hinawakan nito ang kanyang ulo dahil may basa na tumutulo doon at nang makita niya na dugo iyon ay binalewala niya nalang ito at tinignan ang mga kasama niya pero lahat sila patay na pati ang tito at pinsan nito.

Poooot! poooot! poooot! Pooooot!

(A/N:sorry sa sound effect tunog po 'yan ng tren )

tinignan niya kung ano yun at nanlaki ang mata nito nang tren iyon na bubungo na sa bus na sinasakyan nito.

------------------------------------------------------------------

Hi (^___^) Sorry po sa mga Wrong grammar... Baguhan palang po kasi ako yun lng babye!

Be ready to next chapter...

Pattern Of Death [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon