Chapter # 4
Umuwi na sila jasiel sa condo ng tito nito sa makati mayroon kasing condo ang tito niya doon kaya doon sila nakatira pangsamantala dahil uuwi din ang mga ito sa probinsya.
Habang nanunuod ng T.V. si jasiel at si jasper naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng softdrinks at snacks...sinehan lang ang peg. pero habang nanonood si jasiel ay napatulala ito...
nasa isang building ito hindi niya alam ang mga nangyari dahil masyadong magulo basta ang alam lang niya ay nahulog siya sa mataas na lugar...
Splaaasshhh!!!
"Sh*t!!! "Pasigaw na sabi ni jasiel dahil nakaramdam siya ng pagkalamig nang itapon sa kanya ni jasper ang softdrink na hawak nito.
"Jasiel! Ano ba ang nangyari sa iyo! kanina ka pa nakatulala jaan! "sabi ni jasper
Tinignan siya ni jasiel
"H-hindi ko alam! "sabi ni jasiel
"Anong hindi mo alam?! ehhh bakit ka nakatulala?! "sabi ni jasper
"*sigh* Hindi ko talaga alam "sabi ni jasiel
hindi niya muna sinabi ang nakita niya dahil hindi niya alam ang gagawin kaya binalewala niya nalang ito...
Habang nakaupo si Joanna sa upuan sa opisina ng mommy niya ay mayroon itong hawak na holen at ito'y kanyang nilalaro. pag wala kasi itong magawa ay yung holen ang pinagdidiskitahan nito.[A/N: nasa 16th floor yung office ng mommy niya] nakaramdam ito ng malamig na hangin na siyang naging dahilan kung bakit tumayo ang balahibo nito.
Napatingin siya sa bintana ng office ng mommy niya Well actually parang hindi bintana yun ehhh basta para lang siyang pader kaso gawa sa salamin hindi simento at kung saan makikita mo yung tanawin sa labas.
[A/N: Pasensya na hindi ko alam yung tawag dun ehh]
Lumapit siya doon at tinignan niya kung bukas pero hindi...
"Saan nanggaling yung hangin na yun? "sabi ni Joanna
Nanlaki ang mata nito at nabitawan ang kanyang hawak na holen dahil nakaramdam ito ng malamig na hangin galing mula sa likod nito.
Humarap siya kung saan nanggagaling yung hangin at napatingin ito sa electric fan na nakabukas.
"Ang tanga mo Joannah Malay mo yung elctric fan lang 'yun! "sabi nito
Pumunta si Joannah sa nakabukas na elctricfan at ito'y kanyang pinatay. at pumunta ulit doon sa parang Glass na pader.
[A/N: HahahahaXD Pader talaga yung term? ]
pero nang nandoon na ito ay natapakan ng takong nito ang holen na kanina'y kanyang hawak kaya't ito ang naging dahilan ng kanyang pagkatapilok at sa kasamaang palad ay Bumaksak ito sa glass na parang pader at ito'y nabasag kaya ang resulta ay nahulog siya mula 16th floor.
"Aaaaaaahhhhhhh!!!! "sigaw ni joanna
Bumaksak ito sa Isang kotse...
Maraming nakakita sa nangyari kay joanna maging ang sarili nitong mga kaibigan ay nakita ang pagkahulog at pagkabagsak ni joanna sa isang kotse...
Nanlaki ang mata nila karen sa nakita.
"J-Joanna "Mahinang sambit ni Karen
Napaiyak nalang sila sa pagkamatay ng kaibigan.
------------------------------------------------------------------
Be ready to Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Pattern Of Death [Complete]
Mystère / ThrillerAng story po na ito ay katulad lang din ng sa final destination. Nagkaroon ng vision or premonision si jasiel na magkakaroon ng car accident at kasama ang bus na sinasakyan nila ng kanyang pinsan at tito dun pero nagawan niya ng paraan para makaalis...