POD:Chapter 5

117 2 0
                                    

Chapter # 5

Kinabukasan:

Habang kumakain si jasiel ng Tanghalian ay biglang nagbukas ang T.V. kaya't napatingin siya doon. wala si tito junior dahil may Business pa itong inaasikaso at si jasper naman ay hanggang ngayon ay tulog pa.

REPORTER: Sa Pasay city ay mayroong studyante na nagngangalang Joanna B. Velasquez ang namatay dahil sa pagkahulog mula 16th floor at bumaksak ito sa isang kotse na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

"Joanna B. Velasquez? "tanong ni jasiel sa sarili

Nakita niya sa Balita ang picture na ipinakita para malaman kung sino ang biktima at nang makita iyon ni Jasiel ay nanlaki ang mata nito at pawang hindi makapaniwala dahil si Joanna 'yun isa sa mga kaklase niya noong nakaraang taon at ang paraan ng pagkamatay ni joanna ay katulad ng nasa Premonision niya.

"O nakatulala ka nanaman sa Kawalan! Ano ba problema? "tanong ni jasper kay jasiel na halatang kakagaling lang sa tulog.

"Sh*t! Bakit ka ba nanggugulat?!"tanong ni jasiel

"Bro naman! Hindi ko alam na magugulatin ka pala? "sabi ni jasper

"Tsk! Wala si tito...maagang umalis may aasikasuhin daw! "sabi ni jasiel

"Ano nanaman aasikasuhin ni papa? "tanong ni jasper.

"Malamang business..hindi ba halata? tsss"sabi ni jasiel.

"O well Change topic! Bakit ka nakatulala nanaman kanina? ano ba iniisip mo? "tanong ni jasper.

"Si Joanna..*sigh*...Patay na "sabi ni jasiel.

"yun lang na-ANO?! "tanong ulit ni jasper na pawang hindi makapaniwala.

"Kailangan ulit-ulitin? "Sabi ni jasiel na halatang naiinis na.

"Papano nangyari yun? diba kasama lang natin sila nung nakaraang araw? "tanong ni jasper.

"Nagkaroon ako ng premonision kahapon at yung nangyari ng pagakamatay ko ay katulad ng nangyari kay joanna! "sabi ni jasiel.

"anong ibig mong sabihin?"tanong ni jasper.

"Hindi ko alam...Kahit ako naguguluhan din ehh *sigh*"sabi ni jasiel.

Umupo si jasper sa isang upuan katapat ni jasiel.

"So ibig sabihin yung mga nangyari sa premonision mo ay nagkakatotoo? "tanong ni jasper.

"00?"sabi ni jasiel.

"Kung ganun lahat ng nakikita sa premonision mo ay magkakatotoo? "tanong ulit ni jasper.

dahan-dahang tumango si jasiel.

"Nung una kang nagkaroon ng Premonision ay yung sa bus...nailigtas mo pa nga kami diba?...baka- "sabi ni jasper.

Nakikinig lang si jasiel sa sinasabi ng pinsan na si jasper pero napatulala nanaman ito sa kawalan na parang wala sa sarili.

Magulo ang mga nakikita niya basta nasa isang bahay...madilim ang paligid..nakita niya ang isang tao na pumunta sa kusina pero hindi niya makita ang mukha kasi madilim. sinundan niya ito pero bago pa ito makalakad ay nakarinig siya ng isang malakas na pagsabog galing iyon sa kusina..tinignan niya ang paligid ng bahay at nagulat ito dahil ang bilis kumalat ng apoy-.

"Jasiel?! Nakikinig ka pa ba?! "tanong ni jasper kay jasiel.

Agad napatingin sa kanya si jasiel.

"O-oo "sabi ni jasiel.

"Mukhang hindi naman ehh! "sabi ni jasper.

"Ano ba yung Sinasabi mo kanina? "tanong ni jasiel kaya agad naman siyang binatukan ni jasper dahil salita siya ng salita hindi naman pala nakikinig yung kausap niya Aish bakit ba may taong ganun?...

"Aray! "daing ni jasiel dahil bintukan nga ito ni jasper.

"Ano nanaman ba ang iniisip mo?..Palagi ka nalang nakatulala! "sabi ni jasper na halatang naiinis na.

"W-wala"sabi ni jasiel.

"Anong wala?..wala ka nanaman sa sarili mo? "sabi ni jasper.

"H-hindi "sabi ni jasiel.

"Ano bang nangyayari sayo? "tanong ni jasper.

"Nagkaroon nanaman ako ng Vision"sabi ni jasiel.

"A-anong nakita mo? "tanong ni jasper.

"B-bakit mo tinatanong? "tanong din ni jasiel sa kanya.

"Ililigtas natin sila"sabi ni jasper.

"Huh? anong ililigtas ba ang pinagsasabi mo? "sabi ni jasiel.

"Mamatay ang taong nakita mo..sa premonision mo"sabi ni jasper.

"huh?"takang tumingin si jasiel kay jasper dahil sa mga kawierduhang pinagsasabi nito.

"Listen! Una nagkaroon ka ng vision na mamatay tayong lahat sa loob ng bus...ano nangyari? diba nagkatotoo! pangalawa nagkaroon ka ng vision na katulad ng pagkamatay ni joanna at anong nagyari? nagkatotoo din! "sabi ni jasper

Sandaling hindi umimik si jasiel dahil tama si jasper. lahat ng vision niya ay nagkakatotoo kaya susubukan niyang iligtas kung sino man ang susunod na mamatay...

---------------------------------------------------------------

Be ready to Next Chapter...

Pattern Of Death [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon