Lucas's POV
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at sinilip si Maxine kung ano ang ginagawa niya. Nakatagilid siyang pahiga sa kama at nakabuhaghag ang buhok niya sa unan.
Dahan dahan akong pumasok at naglakad palapit sa kama pero napatigil ako ng marinig ang boses niya.
"Lucas, lahat ba ng kinalakhan ko ay puro kasinungalingan lang?" Tanong niya
Tumitig ako sa likod niya bago nagpatuloy sa paglalakad at umupo sa gilid ng kama.
"Hindi naman lahat Maxine. Ipinanganak ka lang sa mundo ng mga tao na walang nakakaalam kung sino ang totoong ikaw kaya Hindi mo agad nalaman kung sino ka. Your sister? Mag kapatid lang kayo sa ama" maingat na tugon ko
Bumangon siya at hinarap ako
"Hindi niya alam na isa akong diwata? Hindi ba alam ng ama namin na diwata ang aking ina" wika niya
Tumango ako "pinalayas nila ang iyong ina sa kaharian nila nag mahal siya ng isang mortal. Yun lang ang alam ko Maxine. Hindi ko alam kung bakit napadpad siya dito at naiwan ka sa poder ng iyong ama. Maybe Diego will find the answers. Pero Hindi ko isusugal ang buhay mo para lang malaman ang nangyari noon" Mariing bigkas ko
"But I want to know the truth" giit niya.
"Mapapahamak ka lang Maxine. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nakiusap akong magsinungaling ka" bigkas ko
"Hindi mo naman ako pababayaan hindi ba?" Tanong niya
"Of coarse I won't,—"
"Maxine Hindi pa pwede ngayon ang gusto mo. May malalim na pinagdaraanan ngayon si Diego. Wala pa siya sa huwisyo para tulungan kang tignan ang nakaraan. Darating din ang araw para diyan." Mahinahong wika ko
Nalaglag ang balikat niya at Napa labi. Kumunot ang noo niya ng may maalala siya
"Lucas bakit yung ama ni Diego ibang kaluluwa ang nasa loob ng katawan niya" bigkas niya
"Si Felix ang nakita mo, ang totoong Isidoro ay yung nasa katawan ni Felix."
"Ibig sabihin si— ang ama ni Diego ang traidor sa Havilland?" Umawang ang labi niya sa gulat
"Oo, kaya ayaw kong malaman nila kung sino ka. Hindi ko makita Kong sino ang ibang traidor sa Havilland dahil kinokontrol ni ama ang isip ko"
Matamang tinitigan niya ako bago ngumiti ng tipid. Hinaplos niya ang pisngi ko na mas maputi pa yata kaysa sakanya dahil sa maputlang balat ko.
"Hindi ko na ipipilit ang gusto ko ngayong sinabi mong baka may ibang traidor sa lahi niyo. Naiintindihan na kita" wika niya
Ngumiti ako at tinulungan siyang mahiga.
"Go to sleep, bukas ipapasyal kita sa misty mountain" bulong ko
Nakangiting pumikit naman siya
"Hmm" usal niya.
"Goodnight, nin mel"
Tumayo na ako at lumabas ng silid.
--------------------------------------Nakatukod ang mga siko ko sa railings ng tulay sa labas ng kastilyo at nakatingin sa ibaba. Tinatamaan ng sinag ng buwan ang tubig sa ibaba na nagbigay kagandahan sa ilalim ng tubig.
"Ang tubig ay masasalamin ang isang kagandahan ng pag ibig na patuloy man sa pagdaloy ay hindi natutuyo sa paglipas ng mahabang panahon"
Napa ngiti ako ng marinig ang boses ni Isidoro.
"Ayan ka nanaman sa pang makatang kasabihan na yan" wika ko at nilingon siya
"Napakahangal ni Isidoro at mas pinili niyang maging traidor sa Havilland. Kinailaingan pa talaga. Niyang pagpalitin ang katawan namin dahil sa kakayahan ko. Ano pa ba ang mahihiling niya eh isa naman siyang mataas na opisyal ng Havilland" turan niya at pumitik sa hangin.
Tinignan ko ang bulaklak na hawak niya.
"Hindi ba niya alam na ang kakayahan niya pagdating sa pag ibig ay isang magandang regalo para sa isang bampira. Nakalimutan yata niyang dahil sa kakayahan niya ay nakilala niya ang ina ni Diego" mahabang bigkas niya
"Hindi ko masisisi si Isidoro na maghangad ng mas mataas na tungkulin sa Havilland. Lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mundo ay may mabuti at masama. May kontento na sa buhay na meron sila at may iba namang sakim sa kapangyarihan."
"Si Isidoro ay hindi lang sakim sa kapangyarihan hír Lucas. Sakim din siya sa larangan ng pag ibig. Ang gusto niya ay sakanya lang naka sentro ang atensyon at pag ibig ng kanyang esposa. Dumating sa buhay nila si Diego na isa sa pinagseselosan niya dahil na kay Diego ang atensyon ng kanyang kabiyak."
"Na naging dahilan para wakasan niya ang buhay ng sarili niyang esposa. Ang gusto lang niya ay sakanya lang nakasentro ang atensyon ng ina ni Diego. At para walang makaagaw ay pinatay niya ang kawawa niyang asawa" pagtatapos ko sa sinasabi niya
"Napakabuti ni Diego at Hindi niya sinusumbatan ang kanyang ama. Pero ngayong nagawa pa niyang tumalikod sa Havilland ay baka Hindi na tatahimik si Diego tungkol dito" wika niya
"Hindi ko hahayaang saktan ni Diego ang sarili niya na siya mismo ang magwawakas sa kasamaan ng kanyang ama."
Sumandal siya sa railings ng tulay at tumingala sa madilim na langit. Ginaya ko ang ayos niya at bumuntong hininga.
"Kuya" tawag ni Alex kay Felix.
Hindi naman kase lingid sa kaalaman niya na si Felix ang nasa katawan ni Isidoro. Yumukod si Alex saakin, tinanguan ko lang siya."Alex" si Felix. Binalingan ako ni Felix "mauna na kami hír Lucas" nakangiting paalam niya.
"Sandali," pigil ko sa kanila
"Ano yun hír Lucas" si Alex
"Bantayan mo si Maxine para saakin, lalo na pag wala ako o may misyon ako. Minsan kase ang isang ordinaryong tao ay pag may problema sila, pagpapakamatay ang naiisip nilang sulosyo. Atsaka iyakin pa naman si Maxine" nakangiting wika ko
"Masusunod po hír Lucas" yumukod siya ng bahagya bago umayos uli ng tayo "maiiwan ka na po namin dito hír Lucas"
Nakangiting tumango ako at pinanood ang paglayo ng dalawa.
Ang gandang pagmasdan ang kasiyahan sa mukha nilang dalawa.
…………
BINABASA MO ANG
Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)
VampireIsang ordinaryong styudante si Maxine sa isang pampublikong paaralan. At sa isang katulad niyang teenager ay normal na ang magkaroon ng crush. Isa na doon si Lucas Sebastiano ang crush niya, ang history teacher nila. Laging expressionless ang awra n...