POD:Chapter 7

97 4 0
                                    

Chapter # 7

10:00 am na nagising si jasiel dahil hindi ito makatulog sa kakaisip kung sino nga ba yung babae na nakita niya sa kanyang premonision.

Pagkagising ay kumain na ito ng umagahan at pumunta sa banyo para maligo....

Minute...

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ito at humarap sa salamin...siyempre hindi mawawala sa mga lalaki ang magpapogi sa salamin. hahahahahahaXD kaya nga sabi ng iba ang swerte ng salamin ehh [A/N: Korni =_=]..pagkatapos ay nag iwan ito ng sticky note sa refrigerator para hindi na siya hanapin ni jasper...

Pagkarating niya doon ay agad siyang nilapitan ni mae,francess at lester. wala pa daw si karen dahil nalate daw ng gising.

Pumasok na sila sa loob ng bahay...nakita niya ang isang kabao kung saan nandoon si joanna at ang isang babae na may edad na "siguro ito yung mommy ni joanna"sabi ni jasiel sa kanyang isip at lumapit doon sa babae.

"Excuse me poh? isa po ako sa kaibigan ng anak niyo. nakikiramay po ako "sabi ni jasiel at inabot ang envelope na naglalaman ng pera...oo pera naghingi kasi siya sa tito niya nung dumating kagabi.

tinanggap naman iyon ng mommy ni joanna at nagpasalamat. tumango nalang si jasiel at pumunta ito kila karen na nakaupo na vacant chair at table.

Pagkaupo ni jasiel ay may tumawag kay mae.

"Guys wait lang huh? "paalam ni mae bago umalis para sagutin yung tumawag sa kanya

Silence...

Silence...

Silence...

"Parang kahapon lang..ang saya-saya natin magbonding kasama si joanna hayy"malungkot na sabi ni lester sinabayan ng malalim na pagbuntong hininga.

"Oo nga..Namimiss ko na siya"malungkot na sabi ni francess na paiyak na

"Huy! francess umiiyak ka ba? tsk! napakaisip bata mo talaga! "sabi ni lester pero si francess patuloy lang sa pag-iyak

"O-okay l-lang maging isip bata *sob* kaysa naman isip unggoy! "sabi ni francess habang umiiyak

"Hoy! Hindi ako isip unggoy noh! "pangdispensa ni lester

"Weh! *sob* Palagi ka ngang nakakascore ng one sa quizes ehh"sabi ni francess na patahan na at may halong pang iinis

"H-hindi ahh! "sabi ni lester

"tss liar! "sabi ni francess

Napatigil yung dalawa sa pagababangayan nang dumating na si mae.

"G-Guys s-si Tricia.."sabi ni mae

"Bakit anong nangyari kay tricia? diba naka uwi na yun sa probinsya? "sunod-sunod na tanong ni lester habang si jasiel naman ay nakikinig lang sa kanila

"S-si tricia patay na! "sabi ni mae

Silence...

"Ano?!"Gulat na Gulat na tanong nila lester at francess

"Patay na si Tricia...kasama siya nung nasunog yung bahay niya"sabi ni mae

Hindi umimik si jasiel dahil sa sinabi ni mae "kasama siya nung nasunog yung bahay niya?" nanlaki ang mata nito ng may naalala.."si tricia yung tao na 'yun, yung taong namatay dahil sa pagsabog at mabilis na pagakalat ng apoy"

napatulala na naman si jasiel dahil may sumagi nanamang pangyayari sa isip nito.

Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ng kalsada..nakita ng lalaki na ito ang pagkamatay ng isang babae na nasagasaan ng tren at nanlaki ang mata ni jasiel na makitang nasagasaan ng rumaragasang bus ang lalaking nakatayo sa gitna ng kalsada. blured din ang mukha nito kaya hindi niya ito nakilala-..

naputol iyon nang tumunog ang cellphone ni francess kaya napatingin sila jasiel kay francess habang si francess naman ay tinignan kung sino yung tumawag at nang makita kung sino ang tumawag ay tumingin ito kila jasiel..

"Si karen"sabi ni francess sabay sagot ng tawag

"Hello karen..nasaan ka na? "tanong ni francess

[Hello Francess! Naglalakad lang ako ehh! kaya medyo natagalan! hintayin niyo nalang ako jan..malapit lang naman na ako sandali nal-]sabi ni karen pero biglang naputol

"Hello?! Karen! Hello! "sabi ni francess

toot toot toot toot

"ano sabi?"tanong ni lester

tinignan ni francess si lester at sinabing "naglalakad lang daw siya ehh pero malapit na siya dito at naputol na agad yung linya"

"May malapit bang riles ng tren dito?"tanong ni jasiel

"Oo sa kanto lang bakit? "sabi ni mae

"Sa tingin ko..si karen na ang susunod"sabi ni jasiel

"anong susunod?"tanong ni francess

"susunod na..mamamatay"sabi ni jasiel

"Sh*t!"agad tumayo si lester at tumakbo papalabas

Habang sila mae at francess naman ay nagtatanong ang mga mukha habang nakatingin kay jasiel

"A-anong ibig mong sabihin? "tanong ni mae

"Naaalala niyo yung sinabi ko sa inyo bago ang aksidente sa bus na nagkaroon ako ng premonision or vision actually ilang beses na nangyayari 'yun bago mamatay ang susunod na biktima.."sabi ni jasiel

"Yung mga biktima..tayo bang mga nakaligtas sa bus huh? tayo ba?! "sabi ni francess

"Oo"sagot ni jasiel

"so you mean.."sabi ni mae

"Oo..lahat tayo ng nakaligtas sa bus na yun ay iisa-isang mamamatay"sabi ni jasiel

"F*ck! "napaCuss si francess sa sinabi ni jasiel

"Kaya tulungan niyo ako..Tulungan niyo akong iligtas sila..kayo "sabi ni jasiel

"Hindi ako tutulong sayo! "tumayo na si francess sa pagkakaupo at naglakad papalabas pero bago ito lumabas ay humarap ito kay jasiel at mae na nakatingin lang sa kanya.

"Magpapakalayo na ako kaya huwag niyo na akong hanapin..Mae baka gusto mong sumama sa akin Just call me if you want.."sabi nito at tuluyan nang umalis

huminga muna ng malalim si jasiel at tumingin kay mae

"Tutulungan mo ba ako?"tanong ni jasiel

Nagaalangang tumango si mae pero tumango nalang ito sa huli.

"So let's Go? "tanong ni jasiel

tumango nalang si mae at lumabas na para sumunod kay lester..

---------------------------------------------------------------

Be ready to Next Chapter...

Pattern Of Death [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon