POD:Chapter 8

96 2 0
                                    

Chapter # 8

Habang naglalakad si karen ay natapilok ito at sa kasamaang palad sa riles ito ng tren. sinubukan niyang tumayo pero hindi niya kaya dahil nagkaSprain ang paa nito.

"Karen! Umalis ka jan! "pasigaw na sabi ni lester habang tumatakbo

tinignan siya ni karen at dahan-dahang umiling at isinigaw na "I Can't! "

Poooot! Pooooot! Pooooot!

[A/N: Tunog po yan ng tren =_= pasensya na sa sound effect]

tinignan iyon ni karen at nanlaki ang mata dahil malapit na sa kanya..

"KAREN! Umalis ka na jan! "pasigaw na sabi ni lester habang tumatakbo

Sinubukan ulit ni Karen na tumayo pero hindi niya talaga kaya dahil namamaga na yung paa nito..

tumulo na ang luha na nanggagaling sa mata ni karen at tinignan si lester na tumatakbo parin pero malapit na ito sa kanya at dahan-dahan umiling..

Tinignan niya yung tren na papalapit na sa kinaroroonan niya ngayon.

"Aaaahhhhhh!!! "sigaw ni karen bago ito tuluyang masagasaan ng tren.

Tumigil sa pagtakbo si lester sa gitna ng kalsada nang makitang nasagasaan ng tren si karen.

"KAREN! "sigaw niya at tumulo ang luha na nanggagaling sa mata nito..

SA BUS

tahimik lang sa buong byahe nang may biglang naglabas ng baril ang dalawang lalaking pasahero.

"Holdap ito! akin na yung mga pera niyo! "sabi ng isang holdaper

lumapit ang isang holdaper sa nagmamaneho ng bus at tinutukan ito ng baril..

"Huwag kang titigil hanggat hindi ko sinasabi ! "sabi nito kaya napatango nalang ang driver at mas binilisan ang pagtakbo..

Habang nakatayo sa gitna ng kalsada si lester at nakatulala sa kawalan..

"Lester halika dito! huwag ka jan! "sigaw ni mae

tinignan ni lester sila mae at jasiel na tumatakbo palapit sa kanya

"Jasiel patay na si..Karen! Sabihin mo sino ang susunod huh?! "pasigaw na Tanong ni lester kay jasiel para marinig siya nito dahil medyo malayo pa sila kay lester.

Beeeep! Beeep! Beeeeeeppp!!!

"Lester!!!"sigaw ni mae dahil nakita niya na may bus na mabilis ang pagkakaandar ang dadaan sa kinatatayuan mismo ni lester..

Huminto sila sa pagtakbo sa Gilid ng kalasada kung saan sa Gitna ng kalsada na 'yun nakatayo si lester..

Nanlaki ang dalawang mata ni mae nang Nabunggo nang rumaragasang bus si lester..

"L-lester"Mahinang sabi ni mae at tuluyan nang umiyak

Habang si jasiel naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nito dahil sa nangyari..

WeeeeWoooo! WeeeeWoooo! WeeeeWoooo!

Tumingin si jasiel sa ambulansya at sasakyan ng police na kararating palang...pero pagkatingin niya sa isang sasakyan ng mga pulis ay may nakita siyang pangyayari kaya napatulala ito pangsamantala..

Nakita niya ang isang kotse at nandoon sa loob ng kotse na 'yun ang isang babae at lalaki At sa palagay niya lasing ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan habang ang babae naman ay natataranta na dahil baka mamaya ay mapano sila..Tumingin si jasiel sa paligid..Madilim na! at maya-maya ay May bumusinang truck na Mabilis ang pagpapaandar ang bubunggo sa kotse na sinasakayan ng dalawang 'yun.

Wala siyang nagawa kundi panoorin lang ang nangyayari dahil Gustuhin man ni jasiel na iligtas ito ay wala rin siyang magagawa dahil mabilis din ang pagpapatakbo ng sasakyan na sinasakyan ng dalawang tao na 'yun..Hanggang sa nakarinig siya ng sigaw bago tuluyang Magsalpukan ang truck at kotse na sinasakyan ng isang babae at lalaki na sa tingin ni jasiel ay sina Tim at Cindy-.

Naputol iyon nang Kausapin siya ni Mae "Jasiel A-anong nangyayari sayo? Bakit ka nakatulala? Tell me sino ang susunod? "sunod-sunod na tanong ni mae

Tinignan ito ni jasiel "Sila Tim at cindy tawagan mo "sabi niya kay mae

"B-bakit? Sila na ba yung susunod? "tanong ni mae

"Oo"Sagot ni jasiel

"O-okay"kinuha na ni Mae ang cellphone nito at sinimulang tawagin si Cindy.

Lumapit sila Po1 Santiago at Po2 Dela Cruz kila mae at jasiel.

"Bakit sa tuwing may mamamatay palagi nalang kita nakikita? Sigurado ka bang wala ka talaga kinalaman dito? "tanong ni Po1 Santiago

Tinignan siya ni jasiel "Pinagbibintangan niyo ba ako? "tanong nito

"Oo "sagot ni Po1 Santiago

"Wala akong kinalaman sa nangyari "sabi ni jasiel

"Ganyan naman lahat ng sinasabi nila..Na wala silang kinalaman pero ang totoo..Meron! "sabi ni Po2 Dela Cruz

"Makinig po kayo! May nangyayaring Pattern--- "sabi ni jasiel pero pinutol agad ito ni Po1 Santiago

"Anong Pattern? "tanong ni Po1 Santiago

"Pagkasunod-sunod ng mga namamatay at kami 'yun..kami ang mga mamamatay kaya please tulungan niyo kami.."sabi ni jasiel pero natawa lang ang dalwang police dahil iniisip nila na nababaliw na ito.

"Nababaliw ka na ba? Hindi kami nakikipagbiruan sayo..Bata "sabi ni Po1 Santiago

"Hindi ako nagbibiro! Totoo lahat ng sinasabi ko! "sabi ni jasiel

"Paano mo naman nasabing hindi ka nagbibiro..ehhh Ang mga sinasabi mo ay hindi kapani-kapaniwala- "sabi ni Po2 Dela Cruz pero naputol iyon nang Magsalita si mae na kakatapos lang tawagan sila Cindy.

"Jasiel Nasa Mall daw sila Cindy- "sabi ni Mae

"Tara na! Puntahan na natin sila.."sabi ni jasiel

"Hep! Hep! Hep! Walang aalis...Sasama kayo samin sa prisinto! "sabi ni Po1 Santiago

"Pero-"sabi ni jasiel pero pinutol ito ni Po1 Santiago

"Walang pero-pero kailangan namin ng impormasyon sa inyo dahil malapit lang kayo sa pinangyarian ng pagkamatay ng dalawa niyong kaibigan "sabi ni Po2 Dela Cruz

"Jasiel.."sabi ni mae kay jasiel

Nakipagtitigan si jasiel sa dalawang police..

Nagbuntong hininga ito at tumango.

-----------------------------------------------------------------

Be ready to Next Chapter...

Pattern Of Death [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon