CHAPTER 58

3.2K 76 16
                                    

Chapter 58

This chapter is dedicated to  all of you ^__^

Russel's POV

Kumaripas sa kakatakbo si Xandra na kinatawa ko. Hahaha, buti nga kay Bayaw he deserves that. Yes, bayaw pa rin ang tawag ko sa kaniya. By the way, bati bati na kaming apat.

Pinaliwanag nilang tatlo ang TUNAY na mangyari. Gusto niyo ba malaman? Kiss muna. Ang gwapo ko talaga tsk tsk tsk. Tinignan ko si Bayaw at pasa ang pisngi niya.

"Oh bayaw talo ka pala ah. Hahaha!" Sabi ko at pinagtawanan siya. Tumama naman ang paningin ko kay tomboy babes.

"Tomboy babes! I miss you!" Sabi ko at yayakapin sana siya ng sapakin niya din ako. "Tomboy babes, masisira kagwapuhan ko nito." Tugon ko at hinawakan ang pisngi ko. Inirapan niya naman ako.

"Wait, KAYO NA?!" Takang tanong ng dalawang mokong.

"Obvious naman diba?" Maarteng sambit ni Arriane at umirap.

"Nagsalita ang flat!" Pang aasar ni Ced.

"Wag nga kayo maingay." Sabi ni Chrystal.

"Yan na ang isip bata nagsaway!" Sabat ni James at inirapan lang siya ni Chrystal at nagulat siya doon.

"O.P. ako." Nakabusangot na sambit ni Maddie.

"Eh sino ka ba?" Tanong nung dalawang ugok.

"Sino ba din kayo?" Tanong ni Maddie.

"Ako si Cedric Drake Perez na gwapo. At siya si James Boulstridge. Ikaw naman miss? Sino ka?" Introduction niya.

"Ako si Madelaine Cheska Perez." Sabi ni Maddie at nagbow.

"Yun boy oh! Chicks!" Lukong sambit ni Ced. Manyak talaga ang gago.

"Ikaw Manyak! Wag mong chichicksin si Maddie! Di ka sisikatan ng araw kapag sinubukan mo!" Sabi ni Arriane at yinakap si Maddie.

"Asus, selos ka lang." Pang aasar sa kaniya ni Ced.

Hinablot ko ang kamay ni Tomboy babes at umalis muna kami doon at sobrang iingay nila tsk tsk. Maaga pa naman. 6:30 pa lang ng umaga at mamaya pang 7:00 ang dating ng prof. Kaya magdadate muna kami ni tomboy babes hahaha. Gwapo ang boyfriend ni tomboy babes eh. Sino pa ba ang boyfriend niya? Eh di ang pinakagwapong lalake sa buong mundo nasi Russel Alexander Park.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin. Tumigil kami sa paglalakad at hinarap ko siya.

"I'll bring you to heaven." Sambit ko at kinindatan siya.

****

Third Person's POV

"Everything's according to plan." Sambit ng lalake at napangisi.

Siya ngayon ay nasa kaniyang opisina sa France. Sa opisina niya, may isang sofa at nakaupo doon ang babaeng nagngangalang Allysa. Siya ay nakapandikwatro at may hawak na wine glass. Napairap naman ang dalaga dahil pumasok sa pintuan si Zayden. Tinaasan siya ng kilay ng binata at inirapan siya uli nito.

'Seryoso? Anong problema nito sa akin? Psh, masyadong mataray. Akala mo nama'y sobrang ganda.'  isip ng binata.

"Oh! Jung! Dumating ka, maupo ka." Sambit ng lalake.

"May tatanong ako sa'yo." Sabi ng binata habang nakakunot ang noo. "Sino ka ba talaga? At bakit ka lagi nakamaskara?" Tanong ni Zayden.

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon