POD:Chapter 9

105 2 0
                                    

Chapter # 9

[8:17 pm at the bar]

habang Umiinom ng Wine si cindy ay may tumawag sa cellphone nito kaya kinuha niya iyon sa kanyang bulsa at sinagot..

"Hello?"tanong ni cindy

"Hello! Cindy!! Nasaan kayo?! "Pasigaw na sabi ni mae

nilayo ni cindy ang cellphone nito sa tenga at sinabing "Aray! Huh?! Makasigaw ka! " at nilapit ulit ang cellphone nito sa tenga para marinig ang sasabihin ni mae.

"Babe..Sino yang kausap mo? "lasing na tanong ni Tim

"Cindy nasaan na kayo ngayon?! "tanong ni mae

"Nasa bar..bakit? "Sabi ni cindy

"Anong Address ng bar na 'yan? At please kahit anong mangyar-"Hindi na natuloy ang sasabihin ni mae dahil nalowbat na ang cellphone ni cindy.

"Sh*t Lowbat na ko! "naiinis na sabi ni cindy

Nilagay niya yung cellphone sa kanyang bulsa at tinignan si tim.. at ayun parang tutumba na sa kalasingan..Pumunta siya doon..

"Tim tsk! Nagpakalasing ka pa kasi..pano nayan? Hindi pa naman ako marunong magdrive! "sabi ni cindy kay tim na papikit-pikit na ang mata

"Edi ako magdridrive! "sagot ni tim at lumabas nang bar kahit pagewang-gewang kung lumakad ay nakarating parin ito sa kotse..sumunod naman sa kanya si cindy at sumakay narin sa kotse kahit na medyo may pagkakailangan pa siya..

Habang nagmamaneho si tim ay palingon-lingon si cindy sa kanya at nang tinignan nita ulit si tim ay papikit-pikit na ang mata nito..

"Uhmm..Tim Magcomute nalang kaya tayo? "Natataranta na tanong ni cindy

"Wa..Wagsh Na! "lasing na sabi ni Tim

Beeeeep!!! Beeeeeeeepppp!!!!

Tiningnan ni Cindy kung ano yun at...nanalaki ang kanyang mata nang makitang truck iyon na mabilis ang pagpapatakbo papunta sa kanilang sinasakyan..

"Tim!.." sabi ni cindy kay tim ngunit nakita niya itong tulog na at ang ulo ay nakapatong sa manibela at ang paa nito ay nakatapak lang sa Gas kaya't napabilis ang takbo ng sasakyan nila.

Paliko-liko ang kotse kaya't kinabahan na si cindy at tinapik-tapik ang mukha ni tim para magising ito pero hindi ito magising-gising kaya inalis niya ang ulo ni tim sa manibela at isinandal sa upuan ng kotse para magalaw nito ang manibela ng maayos pero dahil hindi ito marunong magmaneho ay Paliko-liko parin ang kotse..

"Tim! Aaaaaahhhhhh!!!"sigaw ni cindy bago magsalpukan ang kotse na sinasakyan nila at ng truck..

[8:17 pm at Jasiel's House]

Habang nakaupo sa sala sila Jasiel at jasper ay dumating na si mae galing sa garden..

"Jasiel..Natawagan ko na si cindy kaya lang.."sabi ni mae

Tumayo sila jasiel at jasper sa pagkakaupo sa sofa "ano sabi? Nasaan daw sila? "sunod sunod na tanong ni jasiel

"Nakausap ko si cindy pero naputol na yung linya..sinubukan ko ulit siyang tawagan pero nakapatay na "sabi ni mae

"Nasabi ba niya kung nasaan sila?"tanong ni jasper

"Nasa bar daw pero Hindi ko na natanong kung saan ang address kasi naputol na yung linya.."sabi ni mae

Habang nag-uusap sila jasper at mae ay nagkaroon nanaman ng vision si jasiel..

Nasa loob siya ng isang Airplane..tinignan niya ang paligid..Maraming tao pero mayroong dalawa ang na nakatuonan niya ng pansin..dalawang babae na nakaupo sa pinakadulo ng airplane. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa nakarinig siya ng malakas na pagsabog, Nakarinig siya ng sigawan at sa isang iglap ay nag apoy na ang paligid ng airplane at ito'y sumabog..

"Jasiel! Jasiel!! Huy! "Pasigaw na sabi ni Jasper kay jasiel dahil nakatulala lang ito sa kawalan

Tinignan siya ni jasiel "B-bakit? "tanong niya

"Ano nakita mo?"tanong ni Jasper

"N-nasa.."sabi ni jasiel pero naputol ito nang tumunog ang cellphone ni mae

Kinuha ni mae ang cellphone nito sa bulsa ng suot niyang pantalon at tinignan kung sino ang tumawag..

"Francess?"mahinang sabi ni Mae bago sagutin ang tawag

"Hello Francess..Bakit ka napatawag? "tanong ni mae

[Hello ma'am ito po ba si Mae? ] sabi ni lalaki sa kabilang linya

"Oo Bakit? Nasaan si francess? "sunod-sunod na tanong ni mae

"Nandito po sa bar sa address na ito *****"Sabi ni lalaki sa kabilang linya

"okay pupunta na ako "sabi ni mae

toot toot toot

In-end na ni Mae ang tawag at tumingin kila jasiel at jasper na nakatingin din sa kanya..

"Si francess *Sigh* Naglasing pupuntahan ko lang "sabi ni mae

tumango naman sila jasper at jasiel kaya lumabas na si mae at pumunta sa sinabing address ng bar kung saan nandoon si francess..

-----------------------------------------------------------------

Be ready to Next Chapter...

Pattern Of Death [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon