03: Her

107 10 0
                                    

//Rhian

Nasa kwarto ako ngayon, hindi makatulog at nagiisip, mabait naman pala si Drex eh, dapat lagi nalang siyang ganon.
Teka ? Tungkol nga pala sa sinabi ni Drex, papayag ba ako ? pero bakit ba kasi gusto niyang mangyari yun ? Alam kong play boy siya at ayokong maging isa sa mga laruan niya.

Kilalang kilala si Drex sa Campus dahil sa ka gwapuhan niya,at isa pa balita ko NGSB daw siya. Lahat daw ng kasama o kaladian niyang mga babae ay laruan lang niya, ibig sabihin ay libangan lang niya yung mga girls na iyon. Paano kapag pumayag ako ? edi bilang libangan lang din ? Pumayag na kaya ako ? Libangan lang naman eh ?

Uy mga readers ? Secret lang ito ha ? Sa totoo lang may gusto ako kay Drex, simula nung Sophomore palang kami hanggang ngayon ay mahal ko padin siya, ewan ko ba kung anong klaseng gayumaa ang pinainom niya sakin kung bakit hanggang ngayon ay mahal ko padin siya. Mabuti nga ngayon medyo napapalapit na ako sakanya, yung tipong napapansin na niya ako. Pero hindi niya alam na may gusto ako sa kanya.

Ayoko pa kasing mag ka boyfriend, natatakot ako, natatakot akong masaktan, takot akong maiwan at mapaglaruan.
Ah basta , ayoko ! Hindi ako papayag sa gustong manggyari ni Drex ! Bakit ba ako namomroblema ? Makatulog na nga lang para makapasok ako ng maaga.

END OF POV

//Drex

Nasa School na ako ngayon, hinahanap si Rhian, gusto kong malaman kung payag ba siya, pero hindi ko siya makita. Kailangan ko nang magtago tago at baka makita pa ako ni Alvin at Chris.

"Speaking of Drex, nasan na yung girlfriend mo ?''. Ano ba yan magtatago pa nga lang ako eh.

''A-eh, late lang yun ng konti, mamaya kapag dumating na, ipapakilala ko agad siya sa inyo'' yan lang ang nasabi ko, feeling confident, paano kung hindi pumayag si Rhian?

''Sige mauna na kami ni Alvin sa room, baka malate pa kami'' pagkasabi nila nun ay umalis na kaagad sila, nakahinga na ako ng maluwag, basta ako hihintayin ko pang dumating yung UGLY DUCKY + ANGRY GORILLA = Rhian.

Ilang minuto narin akong naghihintay pero wala parin si Rhian kaya pumunta nalang ako sa room ko, buti nalang wala pa yung teacher namin. Pagkapasok ko nakita ko na wala parin si Rhian, paano kung umabsent siya ? Haist.

Dumating na ang first subject teacher namin pero wala parin si Rhian, lagot na ako kapag umabsent siya, panigurado akong pagtitripan nanaman ako nung dalawang yun.

Chineck ko yung phone ko, susubukan ko sana siyang tawagan pero naalala kog wala pala akong number niya.

''Ok Class, dismiss'' lumabas agad ako ng room, nauna pa ako sa teacher namin, kailangan ko pa kasing hanapin s Rhian, baka kasi kulitin pa ako ni Alvin at Chris.
Napagod ako kakahanap kay Rhian, pero hindi ko parin siya makita, paano kung absent nga siya ? eh paano naman kung tinataguan lang niya ako ?

Pumunta ako ng canteen para bumili ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako, ''Pabili po ng isang mineral water'' hindi ko namalayan na sinusundan pala ako ni Alvin at Chris.

"'Oh pare ? Pagod na pagod ka ata ? saka bakit parang mukhang nakakita ka ng multo ng makita mo kami ? May ginagawa kabang mali ?''

''A-eh ? ako ? Wala ah'' nauutal ko pang sabi, paano kung mabuking nila ako ? Anong gagawin ko ?

''Bakit mukhang hindi ka mapakali ? nangangatog ka ata at basang basa ka ng pawis, may tinatago ka ba samin ?''
''Wa-wala ah, ano namang itatago ko sa inyo ?''

''Nga pala, nasan na yung girlfriend mo ? nasaan na yung nagpabihag ng puso mo ?'' hindi ko alam yung isasagot ko ? Anong sasabihin ko ? anong gagawin ko ?

//Rhian

''Ate pabili nga ng Tubig'' bumili ako ng tubig dahil nauhaw ako sa clinic ngayon lang ako ngising kasi doon ako dumiretso kanina nung papunta ako ng school napagod kasi ako eh. inusto ko naman kay nurse kanina na i-exuse niya ako sa lahat ng hindi ko maatendang subject.

Nagulat ako ng biglang hinatak ni ...

Ni Drex yung kamay ko ...

''Siya, siya ang Girlfriend ko'' nagulat ako sa sinabi ni Drex sa mga kasama niya.

''A-ko ? ako ?'' tinignan ako ni Drex ng masama, wala akong nagawa kundi umoo nalang may gusto siyang ipahatid na ''SAKYAN MO NALANG'' kaya ginawa ko nalang.

''Alvin ? Chris ? Si Rhian nga pala, girlfriend ko'' pinakilala niya ako sa mga barkada niya bilang girlfriend niya, naki pag shake hands ako sa kanila.

''Saan kaba nagpunta Babe ? Kanina pakita hinahanap ah ?'' YUCK ! maka Babe wagas, hindi ako sanay ng ganito pero sasakyan ko na din. haha.

''A-eh, bumili lang ako ng pagkain dito para sayo, namiss kita eh'' Pweh ! bakit ko ba nasabi yun ? Mag iinarte pa ba ako ? eh gusto ko rin naman diba ?

''Ang sweet naman ng Babe ko'' naiirita ako sa salitang Babe, pero kinikilig ako dahil sakin niya sinasabi yun.

''Ano Babe ? Tara pasok na tayo, baka malate pa tayo eh'' sinabi ko ba yun ? Babe ? Yuck ! nakakainis naman, ngayon naniniwala na ako sa kasabihang ''THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE''.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Drex yug kamay ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko din na nag iinit yung tenga ko at namumula narin yung pisngi ko.

END OF POV

//Drex

''Sige pare, mauna na kayo sa room, mag uusap muna kami ng Babe ko'' nakakadiri naman itong Rhian na ito, feel na feel niya ang paghawak sa kamay ko, mamaya may germs pala yung kamay niya.

Hinatak ko bigla si Rhian pabalik ng canteen, nagulat siya ng bigla k siyang niyakap.

''Rhian ? napaka laki ng pasasalamat ko sayo dahil sinakyan mo ako, paano ba kita mapapasalamatan ?''

''Wala yun, mahal kita kaya ko ginawayun''
''A-ano ? Mahal mo ako ?''

''Huh ? A-ang ibig kong sabihin mahal kita bilang kaibigan''

''Ah, akala ko naman kung ano'' bakit ganon ? parang ramdam kong nagsisinungaling lang siya ? Kanina nakita ko siyang nakangiti nung hinawakan ko yung kamay niya at nung sinabihan ko siya ng Babe.

Kadiri, sana hindi totoo yung kuto ko, ikaw reader ko ? naisip mo ba yung nasa isi ko ? yung kutob kong yung bibeng gorilya na iyon ay may gusto sakin. KADIRI !

''Basta Drex, sasakyan ko lahat ng gusto mo pero hiling ko lang na tigilan m na yung pang aasar sakin''

''Yun lang ba ? oh sige, Promise. Sige bumalik kana sa room baka malate kapa'' pag nalaman kong totoo yung kutob ko, lalayuan ko siya, nakakainis isipin na bakit sa dinami dami ng babae sa mundo bakit siya pa yung magkakagusto sakin, itataga ko sa bato na kahit akilan hinding hindi ko siya mamahalin. N-A-K-A-K-A-D-I-R-I !

Ilang minuto pa ay pumunta nalang ako sa library, wala kasi akong magawa. Nabored ako kaya inaya ko nalang yung barkada kong mag TRIPPLE DATE.
Tinawagan ko si Rhian para isama sa lakad namin, nahingi ko na nga pala yung number niya.

''Hello Gorilla ?'' hindi nagsasalita si Rhian, baka naiinis ? maya maya pa ay nagsalita narin siya.

''Sinong Gorilla ? kung aasarin mo lang ako, tigilan nalang natin itong larong ito''
''Ikaw naman hindi ka mabiro, aayain sana kita .. aayain sana kitang mag date''

''Huh ? ako ? D-date ? SURE !'' nagulat ako sa lakas ng pagkakasabi ni Rhian sa sure, halata mong tuwang tuwa siya, eh pekeng date lang naman, Ano siya Chix ?
''Mga 7:00 pm sa Trinoma, kasama ang barkada ko''

''Ano ? May kasamang iba ? kala ko ba naman tayong dalawa lang''

''Ano ?!''

''Huh ? W-wala, sabi ko , mas masaya kako kapag may kasama tayong iba'' biglng nag iba yung tono ng boses niya nung nalaman niyang may kasama kaming iba, parang nalungkot siya.

''Sige, Bye !'' ayoko kasing si Rhian lang ang kasama ko, nakakairita na ang kasama ko eh pangit na mukhang gorilya kaya sinama ko si Alvin at Chris.

END OF POV

-*-*-
to be continued.

The Bad Boy's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon