1

1 0 0
                                    

"Mumsh,  g ka later?"

Nandedemonyo nanaman 'tong si Shee.

"Pang-apat na yan this week ah! May thesis pa tayo, mars. Tatlo quiz bukas tapos inom later? Saan ba yan? Sama niyo 'ko." 

Marupok po ako.

"Papayag din naman pala! Kaloka ka. Sa Hideout, mars." 

Tumingin siya sa kanyang relo at nagpaalam na.

"Una na me, girl. See you later." nagbeso siya sa'kin tsaka umalis.

Well, welcome to my life. Pasok, aral, gimik, uwi, tulog then the cycle goes on. Ganon talaga pag walang jowa hahaha! I'm that kind of girl na contented na sa mga fling fling and shit kaysa sa mainvolve sa isang relationship. Kung tatanungin mo ko kung nagkaroon na ba ako ng boyfriend before? Never. Bakit nga ba kasi hindi? Hindi ko din alam eh! Madaming nanliligaw sa akin, yes pero i feel like none of them naging enough for me to be with them. Choosy noh, ganda eh! Hahaha. 

Pagpasok ko ng room sa next class ko, lumapit agad sa'kin si Jay, one of my tropa. Sabi nila may gusto daw sa akin 'to. Okay, then. Obvious naman.

"Kay, sama ka later?" 

"Yep, duh."

"Haha! oo nga naman ikaw pa ba. So... sabay tayo, okay lang?"

"Sure! Ano ka ba."

"Nice so.. uhm.. text mo nalang ako if papunta ka na doon."

Tumango nalang ako at umupo na siya dahil dumating na yung prof. Naurat na ako dahil two hours ang klase nakatulog tuloy ako. Ginising nalang ako ng katabi ko na si Pao, wala na yung prof. 

"Puyat na puyat ah!" 

Napatakip ako bigla sa bibig ko. Shit! baka tulo laway pa. Nakakahiya.

Tumawa lang siya at tumayo na.

"Tulog tulog din." 

"Baliw!" 

Umalis na ako ng room para sa next class ko. 

Nakasalubong ko sa hallway si Dev. Pangiti ngiti lang sa phone ang loka! Humaharot nanaman 'to. 

"Nice, Dev. New guy?" 

"Hm... Maybe? hehe." Aba! may pa ganon. 

"Sana all, noh?" 

"Ay! May irerecommend nga pala ako sayo. Kailangang kailangan mo 'to feel na feel ko matutuwa ka."

"Ano naman yan? Baka mamaya maipit nanaman ako diyan sa mga kalokohan mo ah kagaya ng last time nako, Dev. Ayoko na." 

"Hindi hoy! Trust me. magugustuhan mo 'to. Mamaya sabihin ko sa'yo kasama ka naman later diba? Late na ko sa next class eh. Bye na see you mamaya!" kumindat lang siya sakin tsaka tumakbo. 

I went to my class and naghintay don for 20 minutes at wala pa din ang prof. Aalis na 'ko. Time check, 3:35. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Jay. 

"Yes, Kay?" sagot niya.

"Wala kaming prof sa last class ko so I'll go na. How 'bout you?"

"Ah, okay! Actually, last class ko na yung kanina so kanina pa ako naghihintay. Shall we go?"

"Yep. Kita nalang tayo sa Faustina Hall."

"Sure. I'll be there."

Binaba ko yung tawag at lumabas na ng room to meet Jay. Nag cr muna ako bago bumaba. 

Oh shit. It's Gab.

TInignan niya ako mula ulo hanggang paa which is napakaoffending. Umirap pa siya sa akin after niya gawin yon. 

"Problem?" tanong ko sa kanya. TInaasan ko din siya ng kilay. Maldita ka ha.

"Nothing." 

Naghugas lang ako ng kamay tsaka binigyan siya ng last glare before going out of the restroom. 

Gab. Yung babaeng nagkeclaim na inaagaw ko daw yung jowa niya sa kanya little does she know yung boyfriend niya yung lumalapit sa'kin. As if naman papatulan ko yung jowa niya, mas gwapo pa ata aso ko don. Just saying. 

Pagkadating ko ng Faustina Hall , andoon na si Jay. 

"Let's go. Andoon na daw sila Shee with the squad."

Nagjeep na kami papunta doon and yes, half of the Hideout ay napuno ng tropa namin. Cool noh. 

"Ay ano 'to? I smell something fishy ha!" sigaw ni Shee pagkakita sa amin ni Jay. Napaka issue talaga ng babaeng 'to.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanan ni Devy at kaliwa naman ni Vlad. Let me introduce to you si Vlad. Ayan yung tipong lalake na hindi mo aakalaing may bisyo. Sa school kasi one of the Top 10 students yan tapos makikita mo sa inuman after class? How to be him noh? Sa tropa, siya yung tinuturing kong kuya. 

"Ano meron sa inyo ni Jay, ha? Di ka na nagkekwento!" tanong niya.

"Baliw! Wala naman kasi. Siya lang nag-aya na sabay kami pumunta dito. Napaka niyo din eh!" sagot ko. Tinagayan ako ni Dev at ininom 'yon. 

"So, mag pag-asa ba sayo si Jay?" tanong ni Dev. 

"Nah. Iba type ko sa lalake. Choosy nga ako diba?"

"Nga pala!" napahampas si Dev sa table kaya nagulat kami.

"Dev, kumalma ka!" sabat ni Chyna na kaharap niya.

"Teka lang! May irerecommend nga pala ako sayo!" excited niyang sinabi. Kinakabahan ako sa trip ng babaeng 'to ha. Kinuha niya ang phone niya at ibinalandra sa akin ang isang Ad.

Get you a boyfriend. 50% off this Season! 

"Diyan ko nakuha si Harold" nakangiti pa niyang sabi, "share ko lang naman"

Hindi naman ako ganon kadesperada magkajowa para bumili pa ng isa diba. Baka mamaya sakit pa sa ulo yung makuha ko edi sayang lang binayad ko.

"Kung interisado ka, mars sabihan mo lang ako. Agatchu!"

"Pass, sis. La pa ko pera." Ayoko talaga.

"Sa alak ka lang naman may pera! Hahaha!"

"Well, Hahaha! Cr lang ako."

Naglakad na ako papuntang restroom. Nakasagi pa ako ng tao.

"Sorry." sabay naming sabi.

Kung tignan niya ako, para siyang nakakita ng multo. Kilala niya ba 'ko? Kilala ko ba siya? 

Pinabayaan ko nalang then I walked passed him.

I don't know pero napangiti ako don. He's cute. 




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

50% OFFWhere stories live. Discover now