Prologue
"Miss, gusto mo magwish ?"
Nandito ako sa park, nakaharap sa sobrang laking fountain na may statue ng isang magandang Fairy , na may hawak na tatlong coins
sa gitna .
"nakapag wish na ko maraming beses na."
tiningnan ko sya at ngumiti sa kanya.
"ah ganun ba, anong nangyare ? natupad ba?"
"hehe hindi eh, ayaw pang tuparin ni Fritzy yung mga wish ko."
"pano nya tutuparin yung wish mo eh hindi naman Fritzy ang pangalan nya."
tumingin akong mabuti sa leeg ng Fairy , may necklace kasi sya , at sure ako na Fritzy ang nakalagay.
then tumingin ulit ako sa binata. Titig na titig sya dun sa estatwa.
"ah uhm. . ano bang pangalan nya ?"
tumingin sya sakin tapos may inabot syang 2 coins sakin.
"Oh ayan may 2 wish ka na . Pero bago ka mag wish , sabihin mo muna Itzy binigyan ako ni Fritz ng 2 lily . tapos mag wish ka na."
tiningnan ko sya , tapos yung coins na sinasabi nyang Lily , tapos tingin ulit sa kanya.
Ngumiti lang sya sakin . So i decided na wala namang mawawala kung susubukan ko diba ? So why dont I give it a try.
so ayun nga , nag wish na ako.
Itzy binigyan ako ni Fritz ng 2 lily kaya mag wiwish ako. sana yumaman ako at maging Boyfriend ko si Byun Baekhyun.
BINABASA MO ANG
Slowly Fading
FanfictionA story of a rich girl who pretends to be a utility personnel in the company of her bias, just to be close to him and to make him fall for her.