The Story Of Us:"Severely" (One Shot)
Prolouge:
Gagawin mo ang lahat para sa taong pinakamamahal mo. Ibibigay mo ang lahat para lang sa kanya. Pero pano kung isang araw mawala sya sa piling mo? Ano ang gagawin mo? Ibibigay mo ba ang buhay mo para lang mabuhay sya? O magluluksa ka na lang habang buhay?
Kung maibabalik ko lang ang oras bago sya nawala sa akin. Gagawin ko ang lahat, wag lang sya mawala ulit sa akin. Pero what if bumalik ang oras na yun? Magagawa ko bang protektahan sya? Magagampanan ko kaya ang tungkulin ko na kahit buhay ko ang kapalit? Hindi ko sasayangin ang huling pagkakataong yun.
"SEVERELY"
"Hoy kuhanan mo naman ako ng picture dito dali!" "Teka lang, kukunin ko pa sa bag yung kamera." "Bilisan mo naman dyan." Ako si Leon. Isang simpleng lalaki na nagmahal ng isang simpleng babae na si Agatha."Ok smile ka ah. 1..2..3" Masaya ang naging relasyon naming dalawa.
Walang pagaaway na nangyare, lahat ng problema sinulusunan namin ng magkasama. May tapuhan na nagtatapos sa pagmamahalan. Naaalala ko pa ang mga araw na magkasama kaming dalawa. Sobrang saya namin ng biglang nangyari ang isang malagim na aksidente.
"Samahan mo na ako sige na naman. Kelangan kita doon." "May kailangan pa kasi akong gawin. Susunod na lang ako promise." Isang promise na hindi ko natupad na ikinagalit nya. Isang importanteng araw sa kanya ang audition na yun.
Pero... hindi ko man lang sya nasamahan. "The number you have dialed is now unattended pleas---." Damn it! Di nya sinasagot ang tawag ko. Papunta na ako kung nasaan sya at tinawagan ko sya ulit. "Hello?! Asan ka, bakit di mo ko sinasagot kanina."
"Nakakainis ka. Sabi mo pupunta ka dito at sasamahan mo ako. Nakakatampo ka naman." "Sorry na. Babawi ako promise." "Che. Naglalakad na ako ngayon pauwi. Dito malapit sa mall." Haha nagtatampo na naman sya. "Sige magkakasalubong tayong dalawa." "I love you <3"
Yun ang huling salita ang sinabi nya sa akin. Huling salitang gusto ko pang marinig ulit. Nasusulyapan ko na sya mula dito. Ang ganda nyang tignan habang naglalakad at sumasayaw. *Beep* *Beep* "Agatha!..." Ang mga sandaling yun... Ang pangyayareng hindi ko gustong mangyare.
\August 20, 2014
Nakita ko syang nakahandusay sa kalsada at walang malay. Punong-puno ng dugo ang kanyang damit. Hinintuan sya saglit ng taxi na nakabunggo sa kanya pero hindi nya ito dinala sa hospital kundi iniwanan nya lang ito. Tumakbo ako papalapit kay Agatha habang umiiyak.
Natutuliro ako kung anong mga gagawin ko. Idinala ko kaagad sya sa pinakamalapit na hospital pero... "Doc kamusta na po sya?" Kitang kita ko ang emosyon ng doctor tungkol sa tinanong ko at dahil dun nalaman ko na rin ang magiging sagot nya sa tanong ko.
Agad na pumatak ang luha sa aking mga mata. "I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya pero hindi nya nagawang lagpasan ang pagsubok na ito." Tuloy tuloy ang pagiyak ko na para bang mamamatay na rin ako. Ok lang, pabor pa sa akin yun ng magkasama na ulit kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us:"Severely"
FanfictionTungkol kay Leon na nawalan ng isang napaka importanteng tao sa buhay nya at yun ay si Agatha. Sa huli ng libing ni Agatha ay biglang nagbalik ang mga pangyayare 5 araw bago ang aksidenteng ikinamatay ni Agatha. Sa pagbalik ng oras ay ginawa nya ang...