*Chapter three*

177 7 0
                                    

Devin's POV

Kinikilig parin ako nung pag-kauwi ko sa mansyon namin, gravetious talaga yung ginawa niya. Kahit natalo ako eh, may prize parin ako. Ganito talaga ang alindog ng mga Cortez, sobrang habulin ng mga boys.

"Hoy, may nakahalik ba sayo?" narinig ko si Kuya na nagsalita. Napatingin ako sa gawing kaliwa ko and found him staring at me. Nakaupo siya sa golden chair habang naka-fold ang mga braso sa may dib dib. Para po siyang kabuting tabi tabi, kung saan saan kasi nasulpot.

"Oo kuya... Nahalikan ako ng pinakamamahal kong asawa!" tumili ako ng tumili. Kinikilig parin talaga ako. Sana nga maulit yon. Pero I'm sure mauulit yon, kami na kaya ni Allen. Hinalikan na niya ako eh.

"Asawa? Maybe you harassed the guy kaya ka hinalikan. Susubong kita kay mama" sabi nito sabay tayo at mukang isusumbong nga ako kay mama. Grabe naman 'tong kuya ko, hinarass agad? Diba pwedeng si Allen talaga yung gumawa sakin ng ganoong bagay?

"Ano ka ba kuya... Hindi ako ganoon. Hinalikan talaga ako ng asawa ko. Kami na kasi ih!" sabi ko with matching talon talon pa.

"Wag ka nga mag-pantasya. Hindi ka magkaka-asawa, sa pangit mong yan... Nako pustahan tayo, walang gugustuhing maging asawa ang katulad mo" ang sakit niya po magsalita. Parang di ko siya kuya eh. Minsan nga iniisip ko, baka ampon lang siya at ako lang talaga ang anak.

"Mama si kuya po ang yabang!" sigaw ko. Sinumbong ko siya kay mama. Nakakainis kasi, feeling gwapo... Pero sa totoo lang gwapo talaga siya. Mag-kaiba kami ng tatay. His father is american and my father is korean. Kaya gwapo talaga siya at ako magandang maganda talaga ako may lahi eh.

"Warren, tigilan mo yang sister mo. At ikaw naman Devin, tigilan mo ang pagka-biritera mo. Hindi ka naman singer eh laging nakasigaw!" mama shouted back. Ako pa talaga nilait, samantalng si kuya wala man lang panglalait na sinabi si mama. Unfair talaga. Nakakainis.

"Mama si Devin nakikipaghalikan na sa mga tambay sa school nila oh!" sumbong naman ni kuya. Tambay? What? Me? Hindi ako cheapno. Biglang lumabas si mama sa kusina, tapos tumingin sakin ng nakakaloko si mama.

"Sabi pa nga asawa na daw niya eh" dagdag pa ng kuya kong devil.

"Devin-" inunahan ko na si mama magsalita. Baka isipin niya malandi ako, basta basta nagpapahalik sa sobrang gwapong boy.

"Mama... Si Allen kasi eh, basta basta ako hinalikan... Nakakagulat kaya. Alam mo naman ako twin sister ko si Aphrodite, so nagagandahan ang asawa ko sakin" sabi ko.

"What? Allen did that to you? Impossible. Anak hindi kita binuhay para lang magsinungaling ha. Anak, hindi ka naman ganoon kaganda para halikan ka nalang ni Allen. Alam mo bang yung mga dine-date ng batang yon ay mga model na mula pa sa ibang bansa. Kaya anak wala kang pag-asa. Tigilan mo ang pantasya mo" sabi ni mama. Wow ha! Ang sama ng mama ko, parang gusto ko na tuloy silang hampasin ng bag ko. Bakit di sila naniniwala? Di huwag silang maniwala, di naman sila yung hinalikan eh!

"Nakakainis!" sabi ko sabay takbo sa kwarto ko at nagkulong. Bwisit. Sarili kong magulang at kapatid, sila pa yung hindi naniniwala sakin. Ang sama ng pamilya ko. Nakakainis.

--

Kinabukasan.

Pumasok na ako ng school, medyo marami na ding student sa loob ng school. Dumating ako pasado alas-syete na kaya medyo late na ako. Paglabas ko sa car ko, maraming tumingin at nag-wave ng hands sakin. Halos lahat mga lalaki. Pakealam ko sa mga itsura ng mga pam pam na 'to? Kaka-way pa mga muka namang kamay. Kainis. Pampasira ng umaga eh.

"Hi, Devin" sabi nung lalaking hindi ko maintindihan kung mukang paa o amoy paa. Bakit ba tumatanggap ang school na ito ng mga mayayamang baluga. Inirapan ko nalang at dumiretso na ako sa gym. P.E. class kasi ngayon.

Di-deretso sana ako sa abandoned faculty room para magtago eh kaso, nakita ko si Allen na naglalaro ng basketball kasama ang mga team mates niya.

"I want to be your girl friend Allen!" sigaw ko. Rinig na rinig iyon ng lahat ng nasa loob ng gym. Grabe kinabahan ako sa ginawa kong iyon pero atleast nasabi ko ang gusto ko.

"Ang kapal mo Devin! Feelingera ka!" sigaw ni Hillary. Siya ang number one fan ni Allen at lahat ng babaeng magka-gusto kay Allen, pinagbabantaan niya at pinapaalis sa school. Pero hindi ako! Dahil sa ganda at alindog ko, I'm so sure. Allen is Mine! Wahahaha. At isi pa nahalikan na niya ako remember?

Lumakad papalapit sakin si Allen, sabi ko na eh. Hindi niya ako matatanggihan. Ang isang tulad ko na dyosa ng kagandahan at reyna ng katalinuhan ay hindi matatanggihan ng kahit na sinong lalaki sa buong mundo.

"Kire. Ayoko sa mga katulad mo" he whispered at pagkatapos binangga ako na para bang isa akong non-sense na tao. Gravetious! Hindi ko matatanggap to!!!

I, DEVIN WAYNE CORTEZ ISINUSUMPA NA PAGBABAYARIN SI ALLEN DELA CEDA SA KAHIHIYANG GINAWA NIYA SAKIN!!!! RAWR!

Stalking Allen Dela Ceda(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon