MAKE-UP

1.2K 15 16
                                    

Si Marlyn ay isang sikat na reporter. Siya ang anchor ng isang pinakatanyag na news program.

Buong buhay niya ay binigay na nya sa mundo ng balita. Ginawa niya ang lahat para marating

ang kinalalagyan niya ngayon. Simula sa pagiging P.A., reporter na nagpupunta sa

pinakadelikadong lugar at ngayon ay isang tanyag na reporter. Giliw na giliw sa kanya ang

kanyang mga manonood. Ngunit wala siyang asawa, maski nobyo. Dahil sa busy sya sa kanyang

trabaho at dahil na rin yumabang siya ng sobra. Ang tingin niya sa sarili niya ay mas mataas

siya sa lahat ng manliligaw niya.

Hindi naman talaga masamang babae si Marlyn. Nagmahal din siya ngunit nasaktan. Kaya simula

ng masaktan siya ay hindi na umibig muli. At dahil na din sa katanyagan, lumaki ang ulo niya

na lalong nagpadagdag sa pagiging pusong bato niya. Isang araw pag katapos ng kanilang

taping.

"Pamunas ko! Bilis! Ano ba?? Wala bang aircon dito??" sigaw ni Marlyn.

Lumapit ang kanyang alalay at make-up artist. Binigyan siya ng Cappuccino na paborito niya

sabay dura sa alalay nya.

"Pwe! Leche! Bago ka bang tatanga-tanga ka? Hindi mo ba alam ang timpla ng kape ko! Bwiset!"

sabay irap sa alalay.

"Ma'am, umalis na po ang dati niyong P.A. Siya po ang pumalit, Yonah po ang name niya.",

sabi ng kanyang make-up artist na si Linda.

"Wala akong pake! San impyerno mo ba nakilala ang pesteng yan? Alam mo naman na ayaw ko sa

engot!" sigaw ulit ni Marlyn.

"Pasensya na po ma'am." Sabi ni Yonah, habang papisil-pisil ng kanyang mga daliri.

"Halika dito atsay..", pabulong na sabi ni Marlyn.

Lumapit si Yonah at biglang.... Sinabuyan ng kape!!!

"Oh ayan! Ubos na! Ipagtimpla mo ako ulit. Walang sugar! 3 teaspoon ng whole cream milk. Wag

kang aanga-anga nanaman. Sinisira mo araw ko!" sigaw ni Marlyn sabay bato ng babasagin tasa

kay Yonah...

"Opo, ate..", mangiyak-ngiyak na tugon ni Yonah pagkasalo nya ng tasa.

"Next time wag kang kukuha ng muchachang taga bundok! Alam mo naman allergic ako sa stupid

people," sabi ni Marlyn sa kanyang make-up artist. Tumango nalang ang kanyang make-up artist

Akmang tatayo na si Marlyn nang dumating si Mr. Derek Leonardo. Siya ang producer ng news

program ni Marlyn.

"Umalis ka muna dito at ilock mo ang pinto", sabi ni Marlyn sa kanyang make-up artist. Nasa

dressing room kasi sila. Lumabas na ang make-up artist ng biglang.

"Hhhhhmmmm. Namiss kita ah. San ka ba nanggaling?" sabi ni Marlyn habang nakayakap at

hinahalikan si Derek.

Tinanggal ni Derek ang kamay ni Marlyn sa pagkakahawak nito sa batok niya.

"Bakit hon? Di mo ba ko namiss?" tanong niya. Hindi umimik sa Derek bagkus ito'y tumalikod.

"Hoy leche ka! Humarap ka sakin at kausapin mo ako!!" sigaw ni Marlyn. Ngunit di pa rin ito

MAKE-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon