Another Daragon Love Story :”> [ONE-SHOT]
Hindi lubos maisip ni Sandara Park ang kanyang gagawin. Kaharap ng kanyang pamilya ang Atty. ng kanyang pumanaw na Ninang.
Ipinaliwanag ni Atty. YG sakanila ang sinadya nito sakanila. Napagalaman niyang may iniwang pamana sakanya ang kanyang Ninang na sangkatutak na bilyones at ari-arian.
"But, in order to get her part she needs to marry Emily's son"napa-gasp ang Ina ni Sandara.
"Kailangan ba talagang ipakasal ko ang anak ko para makuha ang pamana niya?"malumanay na tanong ng Ina nito, nagaalangan kasi sila dahil sa anak niyang si Thunder na nagaagaw buhay na. Kailangan itong mapagamot ngunit wala silang pera. Tinangay ng ama ni Sandara ang lahat ng pera ng pamilya niya at iniwan sila kaya sila naghirap ngayon. Kaya nagaagaw buhay si Thunder sa ospital. Mistulang hulog ng langit ito para sakanya. Ngunit masyado pa siyang bata para ipakasal.
"Ganoon din sa parte ni Jiyong, hindi niya makukuha ang pamana sakanya kapag hindi niya pinakasalan si Sandara"saad ni Atty. YG
Naisip ni Sandara na patas lang ang labanan. Kailangan siya ni Jiyong, kailangan niya si Jiyong. Mapipilitan at mapipilitan din silang dalawa. Kaya pumayag siya sa kagustuhan nito.
Pumayag siyang maging asawa ni Kwon Jiyong o kung tawagin ay G.Dragon.
***
"Sandara anak, magingat ka ha? Basta ang tandaan mo mahal ka namin. Magpakatatag ka. Gawin mo ang lahat para maging mabuti sa mga mata niya"paalala ni Mama sakin. Nandito kami sa ospital ngayon para irelease si Thunder. Tagumpay ang operasyon sakanya. Nang dahil iyon sa pagpayag ko.
Nagiiyakan kami ni Mama, ngayong gabi din kasi ang paglipad namin sa New Hampshire para ipakasal kami ni Jiyong. Dahil 18 legal age dito hindi pa kami pwedeng magpakasal. Ngayong 14 ako at 15 si Jiyong kailangan pa namin magpakasal sa ibang bansa kung saan legal ang pagpapakasal sa ganitong edad.
"Ma, kaya ko ito okay? Pinaayos ko na ang bagong bahay na tutuluyan ninyo. Weekly ako magpapadala ng allowance niyong dalawa. Ma, ingat kayo parati ha?. I love you ma."saad ni Sandara na patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.
Sa hindi kalayuan ay nakatingin sakanila si Atty. YG kasama si Jiyong.
"Ginawa niyang pumayag para sa pamilya. Para sa kapatid. Isinakripisyo niya ang sarili para mabuhay ang kapatid niya. Hindi siya mukhang pera Jiyong"saad ni Atty. YG
"Mali nga ang pagaakala ko"pagamin ni Jiyong dahil iniisip niyang pera lang ang habol nito sakanya ngunit hindi pala may rason siya. Buhay ng kapatid nito ang nakataya.
Tahimik silang lumapit kila Sandara. Nagpaalam na ang dalaga sa Ina at kapatid nito at tuluyang sumama kay Jiyong.
Buong byahe papuntang New Hampshire ay hindi nagsasalita si Sandara. Kasama nila si Atty. YG sa eroplano. Puro iling at tango lang ang sagot ni Sandara kapag kinakausap siya.