C4 -- A Whole New World Part 2

54 1 1
                                    

Akala ko makakapag-move on kay Colin pero... teh.

WALANG GWAPO. >.<

Oh well, papel. Ganun talaga ako kamalaaaaa.......s. Oh sht, meron pa lang existing.. Isa nga lang. So endangered... Mukha siyang bata, ayokong patulan. Baka 'di naman ako type nito. Baka lulungkot nanaman ako 'pag nagkalayo na kami... Long distance nga naman sabi nila... hayyyy.. 'Di ko pa naman nata-try eh, kakayanin ko yan!

*** A PREVIEW TO THE FUTURE (2014)

Nanonood kami ni Colin ng pelikula. Kaming dalawa lang. 

"I don't care how long our distance is... It doesn't matter. As long as we're in contact with each other... I know our relationship will be just fine. Trust me." sabi ng lalaking bida

"Long distance? Pre, 'wag kang umasang tatagal yang relationship n'yo. ANG HIRAP KAYA NUN. Mamimiss mo s'ya everyday. Matutulog ka nga, gigising pa lang s'ya. 'Pag kakausapin mo, busy naman sa organization n'ya. Sige, kailan pa naging okay yan? Bahala kayo sa buhay nyo!" sabi ko.

"Tumahimik ka nga. Ang daming nanonood eh. Panira ka talaga ng moment." sabi ni Col sa'kin.

"Sorry naman." 

*****

Umagang-umaga nga naman, nakahanap ka ng bagong lalaki. Aba, okay ah. Ang bilis mong maghanap ha.. To think, meron pang nagluluksa sa apartment kasi 'di nakapasok sa Finals na magaganap ngayon. Tulad ni David... yung matangkad na kasa-kasama ni Tifanny...  kasa-kasama ni Tifanny. Oh.... May something fishy dito ha... Hmmm... 'Di ko naman yan buhay eh. So focus tayo ngayon... na kasama ko sa commission ang isang lalaking natitipuhan ko. Naksss. 

Pero shocks, may isang time s'yang tumingin sa'kin. Alam mo yun... Ibulong mo sa hangin ang pagtingin.. Hanggang pangarap na nga lang ba ito o magkakaroon ng isang pagkakataong lapitan ako at tanungin kung sino ako?

...

...

bigla nga lang nag-vibrate sa phone. wew... I'm having the moment na eh :(((

"Oi, abno. Kamusta ka naman d'yan? Nakabili ka na ng pasalubong? :D Lol, parang habol ko lang tlaga sayo ay yung pasalubong (which is true rin naman hahaha). Anyways, naloloka na ako kay Lily. Kung alam mo lang nangyayari ngayon. Grabeee." - Alex

Birthday ni Lily ngayon... at nasa Baguio ako. :(

Ano kayang meron kay Lily? Dalawang tao pa mismo yung nagsabi sa'kin na nakakaloka s'ya. Ano kaya nangyari dun? Oh gaaah, sana inaalagaan 'yun ni Colin.. since s'ya yung parang daddy figure.

"Pakisabi kay Lily, happy birthday. Ano meron kay Lily? Kayo namaaan, birthday na birthday eh.. Pagbigyan mo na. Inaalagaan ba yan ni Col habang wala ako?"

Ilang minuto nakalipas...

"Thank you daw sabi ni Lily. TEH, MAY CRUSH YATA SI LILY KAY COLIN... LIKE WTF."

WHUTTT? Impossible. Si Lily, may crush kay Colin? Sinabi pa naman n'ya sa'kin nung sinabihan ko s'ya tungkol kay Colin, "'Di ako mai-inlove d'yan. Masyadong chixx at mayabang, akala mo kung sinong gwapo. Mga lalaki ngayon makakapal lang ang mukha, daig pa ang mga bading pagdating sa kakapalan kung sino ang gwapo.. Kung tutuusin, lahat sila'y panget. Walang dating... Kaya sa prom, hay nako. Wala akong partner, okay lang basta hindi panget tulad n'ya... or lahat ng lalaki."

"Confirmed ba? Baka naman niloloko n'yo nanaman ako. Daddy pa naman n'ya yan."

This is so weird. May gusto bestfriend ko sa bestfriend ko. To think, shipper pa s'ya ng ... Katkat papuntang Mandaluyong or Kalin Manham... or Coltherin Grandaluyong. Ewan ko kung ano ship name ng takteng yan. Basta Col x Kat. Yun... Well, okay lang.. Gusto kong makita si Lily naiinlove ng 'di oras. Halatang wala sa sarili eh... Nakakapanibago.

More or less, I don't know.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon