Sa tatlong taon ay lalo silang nagkamabutihan yung halos araw araw na sila lagi ang magkasama. Nanunuod ng sine, namamamasyal at kung ano ano pa. Kaya sa tuwing nakikita sila ni Sabrina lalong naiinis at lalong lumalalim ang galit ni Sabrina kay Julia sa sobrang inis.
“Julia! Pwede ba kitang makausap ng masinsinan?” tanong niya sa akin. “Oo naman! Bakit? Tungkol ba saan?” Ang tanong ko naman. Dinala ako ni Ryan Kim sa isang restawrant sa may Benedict St. na malapit lang sa Harvester Academy. “Julia! Matagal ko nang gusting sabihin ito, lumipas na ang dalawang taon at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito sa iyo!” ang tanong niya sa akin. “Gusto ko sanang maging tayo na? Kung pwede lang pero kung you need more space and time I can give you naman eh.” ang mabilis niyang pagsasalita na may kasamang nerbyos. “Ah.. Ah... Oo naman!” ang pagsagot lko na may kasamang saya at nerbyos. “Yehey! Sinagot na ako ni Julia Cha!” ang bigla niyang pagsigaw. Tumingin ang lahat ng tao sa kanya.