I've Changed (One Shot)

109 5 1
                                    

I love you even though I can't have you.

Ilang taon? Ilang taon na ba 'kong palihim kang pinagmamasdan? Simula nang pumasok ako sa school natin ikaw na agad ang naka-kuha ng pansin ko.

Kaso nga lang ang hirap. Ikaw kasi si "Mr. Popular". Maraming nagkakagusto sa 'yo. Ang daming humahanga sa 'yo. Madaming babaeng naghahabol sa 'yo. Kilala ka ring may pagka "playboy" sa school. Dahil sa dami ng babaeng kasama mo araw-araw. 

Ang hirap pala no? Ang hirap nung may mahal kang tao pero hindi ka niya kilala. Hindi kayo close. At walang pag-asang maging close kayo. Alam niyo yung feeling na, alam mo ng wala kang pag-asa pero umaasa ka parin? Ang sakit diba? I'm hopeless but still hoping.

100% yata ng population sa school kilala ka. Sino ba naman ang hindi makaka-kilala sayo? Ikaw ang heartthrob ng school. At varsity ka pa. Ang team captain ng varsity ng basketball team ng school. Sobrang galing mo sa court. Dagdag pogi points yun. Lalo na tuwing nakaka three points ka. Tuwing may laro sa school, naglalabasan ang mga fans club mo. Ang galing no? Sobrang sikat ka talaga. Pagdating sa academics ikaw naman ang top 5 sa klase natin. At magaling ka pang sumayaw. Kasama ka pa sa dance club ng school. At tuwing sumasayaw kayo, mostly ikaw ang higlight kasi ikaw ang pinaka gwapo sa inyo.

Gwapo, Athletic, Matalino at Talented. Ikaw na yata si "Mr.Perfect". 

At ako? Isang "Nobody" lang.

Kilala lang ako dahil sa talino ko. Oo, top 1 ako sa klase natin. Pero hindi mo naman ako mapansin. Lagi pa kong naka eyeglasses. Nerd na nerd ang dating. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit sa tagal nating magka-klase never pa kitang naging ka group? Hindi lang talaga siguro kami close ni tadhana kaya naman ayaw niya akong mapalapit sa 'yo.

Ang hirap nung ang dami kong kaagaw sa 'yo. At worse, magaganda at sexy pa sila. Nakaka-baba ng self-confidence. Pero di ko nga alam kung confident nga ba 'ko sa sarili ko e. 

Simula first year hanggang ngayong third year, mahal pa rin kita. Pero ang sakit lang kasi hindi mo ramdam. Hindi ko naman masasabi na manhid ka kasi wala naman akong pinararamdam sa 'yo. Hindi ko naman kasi kayang makipag close o kausapin ka. Baka kasi matameme lang ako. O baka hindi mo ko mapansin dahil sa dami ng kaibigan mong nakapaligid sa 'yo.

Isang araw nagbabasa ako sa library dahil malapit na ang third quarterly exam, nang pumasok ka. Never pa kitang nakita na pumasok sa library. Ngayon lang yata. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nang maglakad ka papunta sa way ko. Ayaw kong mag-assume na sa akin ka lalapit pero hindi ko mapigilan. Alam ko namang wala kang kailangan sa 'kin pero baka manlang matisod ka sakin diba? Tumalikod ako ulit at tumingin sa notes ko at kunyaring nagbabasa. Nakakahiya naman kasi diba kung mahuli mo kong nakatitig sa 'yo.

"Jessica, right?" Gusto kong tumalon sa tuwa nang marinig kong binanggit mo ang pangalan ko. Lumingon pa ko sa paligid ko baka kasi ibang Jessica pala ang kausap mo. Pero hindi! Dahil nang pagtingin ko sa 'yo, nasa harap kita at nakatingin ka sa kin. SI ZAC LUKE DAVID NASA HARAP KO!!!!!!

"Ah, oo. Bakit Luke?" Mautal utal pa ko. Ang hirap naman nito.

"Kilala mo ko?" OO NAMAN! SINO BA NAMAN ANG HINDI MAKAKA-KILALA SAYO? HAY NAKO LUKE! ANG CUTE MO HA! ISA PA! IKI-KISS NA KITA! HAHAHAHAJOKE LANG!

"Ah,oo." Matipid kong sagot. Ayoko kasing sabihin na 'OO NAMAN LUKE! IKAW YATA ANG PINAKA-GWAPONG LALAKI SA BUONG MUNDO' baka sabihin niya pa OA ako. Baka ma turn-off.

"Uhm, pwede bang humingi ng favor?" KAHIT ANO! NAKO LUKE!

"Sure. Ano ba yun?"

"Pwede ba kitang maging tutor? I mean hindi naman for the whole year. Hanggang bago lang mag third quarterly exams. Nahihirapan kasi ako sa Geometry ngayon e." GEOMETRY LANG? NAKO LUKE GUSTO MO PATI CHEMISTRY? PWEDE DING LAHAT NA NG SUBJECTS NAKO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Changed (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon