Miruelle
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama. At magtatangahali na ay hindi pa rin ako bumabangon.
Nagising lang naman kase ako kaninang madaling-araw na sobrang sakit ng tiyan ko. Kaya ayun diretso ako sa banyo. Tawag ng kalikasan.
Noong una akala ko simpleng tawag ng kalikasan lang iyon. Ngunit hindi pala sapagkat matapos ang isa, dalawa at tatlong balik ko sa banyo ay hinang-hina na ako.
Oo, tama nagka-LBM lang naman ako. Kaya ako ito kahit mataas na ang sikat ng araw ay parang lantang bulaklak na nakahiga pa rin ngayon.
Nakarinig ako ng tatlong katok bago bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sarah. May dala siyang tray. Ipinatong niya ito sa mesa malapit sa kama. Tapos inabot sa akin ang isang tasa.
Sa kulay at amoy pa lamang ng tasa ay alam kong herbal drinks ito. Pero agad ko naman itong ininom. Na ikinangiwi ko. Ang pangit talaga ng lasa.
"Ate Elle okay ka lang po?" Nag-aalalang tanong ni Sarah. Akala ko noong una mataray na bata itong si Sarah pero hindi naman pala. Talagang nagseselos lang siya sa akin nung unang ingkwentro namin dahil sa pant-trip ko kay Renzo at sa kanya.
"Oo okay lang ako. Ipapahinga ko lamang ito. Salamat." Sagot ko at humiga muli pagkatapos inumin ang herbal na siguradong si Lola Mareng ang naghanda.
"Sige po. Maiwan po muna kita dito. Tawagin niyo na lamang ako pag may kailangan o masakit po sa inyo." Magalang na sabi nito na tinanguhan ko lang bago ito lumabas sa kwarto.
Sa katunayan niyan ako lang at si Sarah ang naiwan ngayon dito sa bahay. Si beshy kase ang nag-aasikaso sa supplier namin tungkol doon sa pinapaayos ko na kubo nila Lola Mareng. Hindi yung kubo Jan sa bakuran nila kundi yung kubo kung saan sila naghahabi at gumagawa ng banig.
Naisipan ko kaseng ipaayos yun dahil medyo marupok na ang pundasyon at gusto ko rin palakihin iyon nang sa ganun ay mas marami silang pwedeng sabay-sabay na gumawa doon.
Regalo ko nalang sa kanila nila iyon upang may pangkabuhayan din sila. Napansin ko kase na minsan ay masyadong matumal ang pangingisda ng papa ni beshy. Kaya napag-isip ko na sa paggawa nila ng banig at least may kinikita silang iba.
At dahil para mas malaki ang income nila ay kumausap ako ng mga businessman na kakilala ni mom na pwedeng maging buyer nila. Nang sa ganun hindi na mahihirapan sila Lola Mareng maghanap ng bibili ng mga gawang banig nila.
Luckily meron akong nakuusap at pumayag naman. Friend yun ni mom. Meron silang store ng mga handy crafts na pwedeng souvenirs kaya agad naman itong pumayag sa deal.
Dahil dun hindi lang banig ang gagawin nila Lola Mareng. Pati na rin mga bags, pamaypay, sumbrero at kahit ano pang mga bagay na gawa sa banig o pandan. Kaya ayun medyo busy si beshy. Nandun rin sila Lola Mareng, Tiya Ema, Tiya Mona at ang mga asawa nito kasama sila Tiya Leti at Mang Kanor.
Tulong-tulong sila sa pagpapanday. Kahit na kumuha kami ng trabahador ay ayun sa kanila ni Tiyo Lito ay mabuti na rin ang tumulong para mapadali ang pag-aayos. Bilang pasasalamat nila sa kadahilang may pagkakakitaan na din daw sila.
Ang akin naman, ideya ko lang naman yun pero hindi sa akin galing ang capital. Syempre galing kina mommy at daddy yun. Buti nalang pumayag sila. Natuwa pa nga sila dahil sa ideya ko.
I so love my family talaga. They are so supportive.
Bigla akong napatigil sa pag-mumuni muni ng may marinig akong kung anong parang may tumatama sa bintana. Kaya agad akong napalingon doon.
Agad kong nakita ang isang pigura ng puppet na yari sa dahon ng niyog. Wow. Ang galing naman pagkakagawa nito.
Pinagmasdan ko lamang ito hanggang sa unti-unti na itong gumalaw.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.