Hello! *kaway-kaway* ako si francheska contreras :) fran tawag nila sa akin sinimulan nila akong tawagin ng ganun dahil sa bestfriend ko
.
.
Si kate coleen sarmiento
Pero meron naman isang tumatawag sa akin ng cheska :) si clyde ivo villafuente hindi sya ganun kasikat pero hindi rin sya normal may nakakakilala sa kanya . At alam nyo ba?
^//^ crush ko yun T^T kaso hindi ako pinapansin :( tapo--
"Hoy!"
"Ay shet!" Napasigaw ako sa sobrang gulat. Huminga pa ako ng malalim bago lingunin yung bwiset na gumulat sa akin
"Ano ba naman kate! Nagiisip yung tao eh!" Reklamo ko sa kanya
"Dre! Ang lalim kasi ng iniisip mo, eh kapag naghukay nga ako dito eh hindi ko makikita eh! Tara na nga sa canteen!" Singhal nya sa akin, agad naman akong napanguso naman akong napatingin sakanya
"Ano? Ngunguso ka nalang ba dyan? Ipalit kaya kita sa flappy bird" biro nya pa kaya lalo akong napanguso.
Magwa-walk out na sana ako kaso naalala kong iihi nga pala ako
Kaya dali-dali akong bumalik papunta sa kanya na natatawa-tawa pa
"Iihi muna ako, mauna ka na sa canteen" sabi ko saknya, at tumango tango naman sya bilang sagot kaya tumakbo na ako papunta sa restroom namin, ayaw pa naman nun ng naghihintay
Sa sobrang bilis ng takbo ko ay may nakabanga ako.
"Ano ba! D-- I-ivo?" Utal kong sabi sa kanya
^///^ kyaaahh! Kaasar naman eh.huhu T^T nakakahiya nasigawan ko pa sya
"So-sorry" nahihiyang usal ko sabay talikod
Maglalakad na sana ako ngunit natigilan ako ng hawakan nya yung braso ko
"Miss panyo oh!" Aniya sabay ngiti. Mabilis kong kinuha yun sabay talikod narinig ko pa yung mahinang tawa nya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.
"Bat naman kasi sinigiwan mo pa sya fran?" Nangaasar na sabi sa akin ng utak ko
"Eh hindi ko naman alam na sya yun eh!" Inis kong sigaw pabalik.
Ayyyy. Inaalog alog ko yung ulo ko. Baka sakaling mawala yung kabaliwan ko. Kinakausap ko na yung sarili ko T^T asar -3-
Wala sa sariling tinahak ko ang daan papuntang canteen, umurong ata yung ihi ko dahil sa nangyari >.>
"Oy bakla!" Naririnig ko si kate pero parang wala akong ganang magsalita.
"Hello to earth fran" pasayaw sayaw nya pang sabi. Psshh -.-
"Oy si ivo" sabi nya na nakapagbalik sa akin sa ulirat
"Asan?!" Gulat kong tanong sakanya?
"Ayown! Yun lang pala kailagan neto, juice colored. Salita ako ng salita dito yung kausap ko nasa kabilang planeta! My goodness!" Madramang aniya
"Ang oa naman nito, oh sorrryyyyy poooooo" mahabang sabi ko sakanya. Na nag-pose pa ng parang kay chichay. Nagkatinginan pa muna kami bago sabay na tumawa
Nagusap usap pa kami bago umakyat uli sa room.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
At walang kamatayang discuss -.-
BINABASA MO ANG
Miss panyo oh
Short StoryAng storyang ito ay walang kabuluhan. Napagtripan lang ng isang tulad ko hoho ^0^ pero kung gusto nyong basahin, hala sige! Bahala kayo!