Realynn's POV
"Welcome sa Mystìria High!"
Biglang bulalas sa amin ng nakangiting babae na naghihintay sa gate."Ang babait naman pala ng mga estudyante rito......"
"Diba Johanne" sabi ko sa babaeng katabi kong maglakad
"Hmm" Tumango at ngumiti sya sakin.
Si Johanne Delos Santos , Anne for short siya ang best friend ko simula pa ng pagkabata.Maganda, matalino, athletic at higit sa lahat mabait. Medyo tahimik lang nga siya at misteryoso, bagay sa looks nya ang personality nya. Napakaitim ng straight nyang buhok at napakaputi nya minsan nagmumukha syang si Sadako.... Sadako na maganda '_< .
Overprotective rin sya kaya para ko na rin syang ate. Lumipat kami ng school ngayong Grade 10 na kami. Matagal na kasi naming pangarap ang makapag- aral sa school na to. Mataas ang standards nila dito at maraming naging successsful nang gumraduate dito at ang pinakagusto ko ay ang uniform nila na parang sa anime at suot suot namin yun ngayon.
Huh...ako? Ahhh oo nga pala muntik ko ng makalimutang ipakilala ang sarili ko .Ako nga pala si Realynn dela Cruz, Rea nalang for short.
Di naman ako kagandahan medyo kulot at brown ang buhok ko nasa lahi na kasi namin yun eh maputi rin naman ako pero medyo kapos sa height.Pero wag nyo na yung pansinin. New school new life! Ok, I'll do my best!!(Gambaremasu)
"Sali na po kayo sa club namin!"
Biglang salubong pa ng isang esdudyanteng nagbibigay ng poster tungkol sa club nila,pagpasok namin sa gate.Kaya ayun nalaman nilang baguhan ako kaya dinumog ako. Ipinagsaksakan ba naman sa mukha ko yung mga poster nila. Kinuha ko nalang lahat ng ibinigay nila kaya ayon iniwanan na ako.
"Sali na po kayo sa club namin"
"Hmmm?" Napalingon ako ng mapansin kong may nang-aalok na rin pala kay Anne. Mabuti naman at hindi siya naintimidate ng kaibigan ko -_-. Napakahinhin ng boses ng babae na nang aalok sa kanya naka hoody siya na halos matakpan na ang mukha niya. Ganon pa man naka uniform pa rin sya ipinang doble nya lang yun.
" Huh.. Salamat" sabi ni Anne
Sabay kinuha ng babae ang kamay ni johanne at inilagay ang poster.
"Huh kailangan pa ba yun? Desperado siguro silang makakuha ng member o.O?"
Nakita kong tumitig muna sya kay Johanne bago umalis mukhang nagtaka naman si Anne. Pero hindi ko talaga masulyapan ang mukha nung babae natatakpan kasi ng hood nya.Inunat ni Anne ang kusot kusot na poster at tiningnan nakita kong mukhang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Biglang tumalim at nanliit ang mga mata nya. Biglang lumihis ang tingin ng mata nya at mukhang may hinahanap sa Crowd ng mga esdudyante na pumapasok.
"Anne ano yan?!" Tanong ko
Lumapit ako sa kanya para makita kung ano man ang nakasulat sa ibinigay sa kanya. Bigla nya naman itong itinago sa likuran nya at sumipol sipol nalang."Patingin nga" sabi ko habang pilit kong inaabot ang poster sa likod nya. Medyo umurong siya paatras.
"Wala to" sabi nya. Mas lalo akong nainis at hinila kong bigla ang poster sa wakas nakuha ko na rin.
" Huh?!"
Shet poster lang pala ng isang wrestling club."Hoy, babae bakit di mo sinabi saakin na gusto mo palang makipagwrestlingan ha?! Ano bang naisip mo?!" Sabi ko na medyo naiinis.
"Because It's the only club that allows you to crush other people" bigla syang tumawa ng evil smile nya habang hawak hawak ang kamao nya.
" Kaya hindi ko sayo ipinakita dahil bawal yun sa bata, violence kaya yun" sabi nya sabay pat sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
School Year: 2018
Mystery / ThrillerTwo high school girls goes to a new school. What could go wrong?!