the secret.

216 10 1
                                    

Monday.

Tumingin tingin ako sa paligid, inuusisa ng mga mata ko kung may taong parating, luckily mukhang wala naman.

Agad kong iniwan ang isang pirasong chocolate cupcake na nakalagay sa maliit na box sa kanyang mesa. "sana magustuhan niya." i whisphered.

iniwan ko na din 'yung maliit na mint green note na ginawa ko. "don't forget to wear a smile! with love, A." I read.

Matapos kong iwan 'yung cupcake agad akong lumabas at tumakbo papunta sa classroom.

"Huy! Hingal na hingal ka nanaman! Dumaan ka nanaman sa kanya no? Alam mo ba kung sino nakita ko kahapon?" my bestfriend, Lala said.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. "Dinaan ko lang 'yung ginawa kong cupcake. Alam mo naman na hanggang ganun lang yung kaya ko di ba? Yung bigyan siya ng mga bagay ng di ako nagpapakilala."

"Naku ka, Alexa! Pag may nakahuli sayo niyan, patay ka! Sa dinami-dami naman kasing lalaki na pwede mong mahalin, bakit siya pa?" sabay turo niya sa lalaking papasok ng classroom.

We stood up and greeted him, "Good Morning Sir Ian."

Yes, I'm in love with my professor, that's the secret of mine. He's two years older than me. I'm a 4th year college student, 20 in age.

Halos mag sasampung buwan ko ng itinatago ang nararamdaman ko para kay Sir. Pano ko ba siya nagustuhan? Simple lang, dahil sa ngiti niya.

Natatandaan ko pa nun ng minsan siyang nagtanong sakin ng direksyon nung bago pa lang siyang pasok dito para magturo. Nagkataon nun na papunta din ako sa direksyon na tinatanong niya kaya sinamahan ko na siya. Halos kumawala yung puso ko ng nginitian niya ako habang nagpapasalamat.

"Miss Alexa, you can take your seat now. Nakakangalay tumayo sa loob ng Isa't kalahating oras." naka ngiti niyang sabi.

OMG! Napatingin ako sa paligid ko, nakatayo pa pala ako habang yung iba e nakaupo na. "He-he! Sorry, Sir."  agad akong umupo

Nakakahiya ;_;

Sir Ian naman e.

Gwapo siya, medyo tahimik, medyo mapagbiro, magandang pumorma, magaling magturo at higit sa lahat, may magandang ngiti at boses.

Inayus niya muna 'yung LED projector, habang ako tinutunaw na siya gamit ang paningin ko.

"I saw him yesterday, sa Mall." my bestfriend said.

the secret. (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon