Kabanata 15: Manliligaw

135 8 3
                                    

Kabanata 15: Manliligaw

Julie Anne San Jose - Your Song (Cover)

///

Kung sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi ka mawawalan ng pag-asa, baka balang araw magkaro'n ng mabuting pagbabago sa buhay mo... kahit unti-unti.

     Umuwi si Mama kinagabihan ng birthday ko habang kinabukasan naman no'n, sina Ate at Kuya. Nagpaiwan din muna si Lola sa 'min. Kasama ko sila hanggang weekends.

     Kami ni Ate ang nagbukas ng mga natanggap kong regalo at si Lola naman ang sumuri ng mga 'yon. Iba't ibang klaseng mga gamit.

     Pero napahinto ako nang mabuksan 'yung regalo ni Chase. Dahan-dahan kong nilabas. Isang simple pero maganda ang quality na sketchpad at maraming pencil... charcoal at graphite.

     "Wow naman. Magaling pipili 'yan ng art materials a," sabi ni ate at tinignan 'yung mga lapis.

     Napangiti ako. Nakakatuwang makatanggap ng mga bagay na malapit sa puso ko. Lalo pa 'kong na-inspire na gumawa ulit ng art works.

     "'Yan ang pinakagusto ko sa mga iniregalo sa 'yo," nakangiti ring sabi ni Lola.

     Maya-maya, bigla namang may nag-doorbell.

     "Carlos tignan mo kung sino," utos ni Ate kay Kuya na nagla-laptop sa isang tabi.

     "Selina, baka kaklase mo," sabi naman ni kuya para ako ang magbukas ng gate.

     "Wala naman silang nasabi," sabi ko.

     "Ikaw na Carlos, may ginagawa kami o, saka ang lapit mo sa pinto," pang-aasar pa lalo ni Ate.

     "Ako na kaya ang magbukas," pagbibiro ni Lola.

     Sa huli walang nagawa si Kuya at lumabas. Bumalik din siya agad na may dalang medyo malaking paper bag.

     "Sabi na't ikaw ang sadya. Galing sa long distance friend mo, pinadala," sabi niya at iniabot sa 'kin 'yon.

     Pagbuklat, nakita kong Iron Man at Deadpool figures ang laman at ilang simpleng black shirts.

     "Consistent a. Taon-taon nagpapadala ng regalo. 'Yan din 'yung nagbigay nung pencil case at Marvel shirts mo 'di ba?" Si Ate.

     "Kaso 'di naman kayo magkita, sana dumalaw din hindi puro bigay ng gamit," sabi naman ni Kuya.

     May point naman si kuya. Mas gusto ko rin sanang magkita kami no'n ng personal para mas makumusta ko siya nang maayos.

     "'Yan ba 'yung minsang natulungan mo apo?"

     "Sana nga natulungan ko siya La," sagot ko, naalala ang babaeng 'yon na saglit na panahon ko lang nakilala, umalis din agad.

     "Kain na," masayang sabi ni Mama mula sa dining area.

     Nauna na agad si Kuya na mukhang kanina pa naghihintay ng pagkain habang nagligpit muna kami ng kalat ni Ate.

     "Wow, nakaka-miss luto mo Ma," natatawang sabi ni Kuya.

     "Asan nga pala si Emanuel?" biglang tanong ni Lola na ang tinutukoy ay ang Papa nila Ate.

     Bigla namang nahinto sa pagkuha ng kanin si Kuya habang napasalin ng tubig si Ate.

     Naupo na si Mama sa upuan. "Busy sa trabaho Ma," walang emosyong sabi ni Mama at ipinagsandok na ng kanin si Lola.

     Kumain na kami pero ramdam kong may kakaiba... tungkol kay Tito.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon