CHAPTER 7: The Song

365 14 1
                                    

ANDRASTE

Hindi ko na lang inaasahan ang nadatnan ko sa kwarto ko pagkabukas ko ng pinto. All I could see was red, red, and red everywhere I looked.

I immediately knew that the red liquid covering my bed, and that were splashed across the walls and on the floor was blood based on its metallic scent. It was fascinating to look at, actually. I really love red. But what the hell?! Inayos at pinaganda ko itong kwarto ko tapos bababuyin lang nila ng ganito? I groaned and closed the door behind me.

May pakiramdam akong isa na naman itong ilusyon. At bakit naman hindi? Inakala ko kanina na may mga sira yung sasakyan, pero ilusyon ko lang pala ito sa huli. Kaya may posibilidad na ilusyon lang din ito.

Dere-deretso lang akong naglakad patawid sa kwarto ko papunta sa upuang nasa gilid para ipatong dito yung bag ko at isabit sa likod nito yung jacket ko. Pati yung carpet ko basa ng dugo. Para talagang totoo. At kung sakali ngang totoo pala ito at hindi lang basta ilusyon, ipapalinis ko ito sa kanila mamayang umaga pagkagising ko. Akala nila ha. Ayaw kong binababoy ng iba ang kwarto ko. Nakakapagod kayang maglinis.

Sunod akong naupo sa kama ko. Basa rin ito ng dugo na nagsisimula nang matuyo at malansa na rin ang amoy. Ang sakit sa ulo. Ganun pa man, hindi ko na ito pinansin at nagtanggal na lang ng tsinelas ko, itinaas ang mga paa ko sa kama, inayos ang pagkakahiga ko, saka ipinikit ang mga mata ko.

Sa sobrang antok at pagod na nararamdaman ko ay hindi ko na nagawang magkumot pa. Bahala na kung nakahiga man ako ngayon sa isang kamang basang-basa ng dugo. Ni hindi ko pa nga maiwasan ang bahagyang mapangiti. Alam ba nilang pangarap kong maging bampira dati? Siguradong hindi. Kaya malas na lang nila at may pagka-weird ako.

*****

"Today is Saturday! Are you ready for fun?! Everyone is so excited about tonight!"

Nagising na lang ako dahil sa masiglang boses ng radio announcer.

"It's Christmas, people!" patuloy ng lalaki at marami pang idinagdag tungkol sa pagsasama-sama ng pamilya sa hapag-kainan.

Iminulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan yung radyo. Maliwanag na sa labas. Sinong hinayupak kaya ang nag-on ng radyo? Kaaga-aga ang ingay-ingay.

Bumangon ako at naupo sa kama, saka ko inilibot ang mga mata ko sa paligid. Wala nang bakas ng ni isang patak ng dugo sa paligid. Napakalinis na ulit ng buong silid ko, lalong-lalo na itong higaan ko. Wala na rin yung metallic scent na amoy ng dugo sa paligid. Instead, it smelled vaguely of mint like always, relaxing my nerves.

Pero yung radyo hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-on. Sarado naman yung mga pinto sa kwarto ko at mag-isa lang ako. Hindi naman ako nag-i-sleepwalk. Siguro pinagtitripan na naman ako ng demonyong yun. Ah, bahala siya. Basta ako, inaantok pa. Mabuti na lang at Saturday ngayon. Day-off ko sa work. Pwede akong tanghaliin ng gising.

Mahihiga na sana ulit ako nang matigilan na lang ako dahil sa kantang sinimulang patugtugin sa radyo.

"...When the days are cold

And the cards all fold

And the saints we see

Are all made of gold..."

"Seriously?" sambit ko sa garalgal na tinig.

Such a freaking appropriate song for this morning! Not that I had something against the song. Sa katunayan, kasama pa nga ito sa MP3 list ko sa phone. Pero parang hindi naman yata ito nakakaganda sa mood ko para sa araw na 'to. I mean, duh. Hello, Black Demon Mansion. Hello, Nevicus the Demon of Insanity. See? I was surrounded by demons. Tapos pati yung kanta "Demons" pa talaga ang pamagat.

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon