Nicole's Pov
"Andami mo naman atang kinakain ngayon? Gutom na gutom ka naman ata? "-tanong ni auntie sakin.
Kumakain kami ngayon. Marami akong sinandok na kanin at ulam!
Kakailanganin ko yun para may lakas ang katawan kong humarap sa gagawin ni Cleo!
" Hindi kita uurungan! "
"Ano bang pinagsasabi mo jan bata ka ha? "-takhang tumingin ito sakin.
" Ah hehe, para po yun sa gaganapin naming roll play "-palusot ko saka ako umupo.
Inubos ko lahat ng pagkain na sinandok ko wala akong itinira kahit isa saka na ako nag paalam kay auntie.
"Auntie mauna na po ako"
"Sige mag iingat ka! "
Saka na ako lumabas ng bahay at nagtungo ng waiting sheed para mag abang ng masasakyan sakto namang may jeep na kaya nakasakay na ako ka agad agad!
Ilang minuto lang ay biyahe ng makarating na ako sa harapan ng school. Tatawid pa ako at lalakad ng kaunti para makapasok.
"I.D? "-tanong sakin nong guard na nagbabantay.
Hindi ka papasukin dito kung wala kang ID...
Binuksan ko ang bag ko at ipinakita ko sakanya. Mabuti nalamang ay hindi ko ito nakalimutan.
Nang makapasok ako ay pinakiramdaman ko muna ang paligid.
Hindi naman ako pinagtitinginan O pinagtatawanan ng mga studyante hindi kagaya ng kahapon!.
Akala ko ba ay mas matindi pa ang gagawin niya sakin?
Baka naman siguro nagbibiro lang siya o trinitrip lang niya ako.
Classroom.
Kakapasok ko lang sa room. Halos lahat sila ay nakatingin sakin dito sa harapan!
" Oh guys nandito napala ang klasmate nating si Nicole oh"-sabi ng isa kong kaklase
"Naku maupo kana, siguradp akonh malayo pa ang pinang galingan mo "-sabi din ng isa kong kaklase at saka ako nito hinila at pinaupo agad sa upuan ko!
Kinakausap nila ako ngayon! Hindi ako makapaniwala na kakausapin ako ng mga ito! Tanging si mitch lang ang pumapansin sakin dito!
Hindi ko din naman sila gusto dahil puro payabangan ng mga gamit at kung ano ano pa ang mga ito! Wala naman akong mapapala at isa pa hindi din naman ako bagay sakanilang makipag kaibigan dahil mayayaman sila samanatalang ako....
"Magandang umaga sainyo"-yung guro namin sa filipino!
Tatayo sana ako para bumati ngunit hindi ako makatayo!
Narinig ko ang mga bungisngis ng mga kaklase ko sa likod! Ngingisi ngisi silang nakatingin sakin!
Saka ko lang napagtanto na may nilagay silang kung anong bagay dito sa upuan ko!
"Miss curtis anong ginagawa mo? Bakit hindi ka tumayo at bumati sakin!? "-baling sakin ng guro ko.
Nakaupo padin ako ngayon dito sa upuan ko samantalang ang lahat ng kaklase ko ay nakatayo!
*Ma'am masakit daw po ang kanyang tiyan kaya hindi siya makatayo
*O dikaya naka popo siya sa upuan niya.
Sabay tawanan lahat ng mga kaklase ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon! Basta ang alam ko lang ay gusto kong kalbohin yung taong naglagay ng kung ano mang bagay dito sa may upuan ko!
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Teen FictionWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??