Hello New Neighbor

375 22 5
                                    

"Bug, bug, bug!"

"Bug, bug, bug!"

"Bug, bug, bug!"

Agad akong napabalikwas ng bangon matapos ang tatlong beses na pagkalampag sa dingding na halos ume-echo sa apat na sulok ng aking tinitirhang apartment. Awtomatikong nag-init ang aking ulo. Palabas na ako nang mapansin ako ni Mae--siya 'yong bestfriend ko na kasamang nakatira rito sa apartment. Unlike me, parang hindi man lang siya apektado sa ingay mula sa kabilang bahay. Anyway, back to reality.

"Hoy bruha! San ka pupunta?" tanong niya.

"Sasabak sa giyera," na-iiritang tugon ko.

"Sasabak ka pala sa giyera, e ano ang ang iyong sandata? Tamang-tama na siguro ang iyong hininga--" di ko na pinatapos ang kanyang sentiments at mabilis pa sa alas-kuwatro akong lumabas.

Halos gibain ko sa pagkalampag ang kung sinumang herodes na bagong lipat sa kalapit bahay, ay mali! Kalapit apartment pala.

"HOY! Kung sino ka man lumabas ka dyan. Pagkabago-bago mo e kung umasta ka akala mo nabili mo na 'tong buong apartment building. Ang aga-aga pa---"

Naputol ang aking mala-nobelang pagtalak nang magbukas ang pinto at OH! 2, 4, 6. AS IN SIX-PACK ABS?! EMEGED IM GONNA DIE! Natulala ako. ANO KA NGAYON INENG? sabi ng munting tinig sa isang bahagi ng aking utak.

Tinaasan niya lamang ako ng kanyang malalagong kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko tuloy sobra akong napahiya. Dapat pala nakinig ako sa sentimyento ni Mae--na kapag sasabak sa giyera dapat may dalang bala! My gosh! Sulpak lang ang dala ko supot pa ata?

"Miss ano yun? I think masyadong importante ang iyong sasabihin at sumugod ka ng may panis pang laway sa gilid ng iyong pisngi," taas kilay niyang sabi sa gitna ng aking pagkatulala sa kanyang mala-pandesal na abs sa tiyan. Takte! Palaman na lang ang kulang. Tila nagising ako at na-realize na ni mag-mumog man lamang ay di ko nagawa.

MAE! MAE! MAE! PATAY KA SAKEN!

"Hey, what now?!" sabi uli niya. "Oh, I guess you're done. Umuwi ka na at maghilamos, puwede?" dugtong pa nito sabay bagsak sa pinto.

Tila naman mas lalo pang nagising ang aking diwa sa kanyang ginawa. Oh, shit! Error level 101 Sofiya Ramirez you looked so damn pathetic!

"Alam mo, te? Kung di ka lang shunga papasa ka sanang maganda," natatawang sabi ni Mae na kanina pa pala nanunuod sa mga pangyayari.

Masamang tingin lamang ang sagot ko sa pang-aalaska niya sa akin.

"Tara na sa loob? Maghilamos ka na, masyadong na-expose kay Gabriel yang panis na laway mo," sabi pa nito.

"Gabriel?" tanong ko habang papasok na kami sa aming apartment.

"Oo, si Gabriel. Our new hottie, papalicious neighbor. Hindi ba nabanggit sayo ni Aling Teresita na may lilipat na dyan sa katabi nating pinto?" sagot niya. "Well, I guess maganda naman ang first meeting niyo, siguro nag-iihit na katatawa yun sa loob tapos kukunin niya yung cellphone niya at itetext niya yung mga kaibigan niya na--"

"Shut up already!" Kaagad kong pinutol ang kung anupamang sasabihin niya.

Baka kasi mahatulan na ako ng life sentence kapag pinatulan ko pa ang patutsada ng babaitang ito!

"Teka, ipinakilala siya sayo ni Aling Teresita?" pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit curious ka 'ata?" puno ng malisyang sagot nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy Who Lives Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon