DENNISE POV
"Den" tawag saken ni Aly. Nandito kame sa kitchen nag babake kase kame ng cookies kasama din namin yung dalawa kong kapatid na sila mosh at jus. Wala kase ngayon sila Mommy at Daddy may pinuntahan kaya kaming apat lang ang nandito sa bahay.
"hmm?"
"Wala lang" nakangiting sabi nito habang nakatuon sa ginagawa nya.
"Ano nga?" natatawang tanong ko.
"Wala nga haha.. Ang ganda mo kase" hindi ko naman mapigilan na mamula sa sinabi nya kaya naman tinukso ako ng mga kapatid ko.
"ayiieee... si Ate kinilig" --Jus at mosh.
"Ewan ko sa inyo" sabi ko sa kanila habang nakangiti parin.
"Love you" bulong ni Aly kaya mas lalo ako namula at bahagyang yumuko dahil di ko maiwas na kiligin sa sinabi ni Aly.. Mag katabi lang kase kame tapos si mosh at jus naman katapat lang namin.
Napatawa naman sya ng mahina ko syang siniko.
"Wala manlang love you too?" bulong nya ulit at tumawa na naman sya ng siniko na naman sya pero mahina lang naman kaya alam kong hindi masakit yon.
Maya maya ay inilagay na namin sa oven yung gawa namin kaya naman umakyat na muna sila mosh at jus sa taas kame naman si Aly ay nag impis na muna at tsaka inintay maluto yung cookies.
Nag cecellphone lang ako habang iniitay yung nasa oven ng maramdaman ko na may yumakap sa likod ko. Si Aly
"Nung ginagawa mo?" tanong nya at ipinatong pa nya yung ulo nya sa balikat ko.
"Wala lang" sagot ko naman sa kanya.
"Den" tawag nya na naman saken habang nakayakap parin saken.
"Po?"
"I love you po" sabi nya at bahagya pa ako hinalikan sa ulo. Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinasabi nya at kinikilos nya ngayon.
"I love you too po" sabi ko at hinalikan ko sya sa pisngi nya nakita ko naman yung dimple nya ng ngumiti sya dahil sa ginawa ko.
Kung tataningin nyo kung kame na?. Hindi pa pero halos 2 months na din nanliligaw si Aly saken.. Balak ko na nga sagutin sya kase ang sakin lang naman ang relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw.
Sa halos dalawang buwan na panliligaw ni Aly saken pinapakita nya talaga na pursigido at tapat sya saken at pinaparamdam nya saken na mahal nya ako at ako lang at araw araw nya din ako binibigyan ng flowers at ng sweet notes tuwing umaga at magkasama din kame mag lunch kasama din namin sila Besh Ella tapos ihahatid nya ako pag uwian na kame, okay lang naman saken na lagi ko syang kasama.. Gustong gusto ko pa nga eh dahil ang dami na din kasing nag kakagusto sa kanya lalo na nung naging varsity sya sa Ateneo sa school namin.. minsan nga nabwibwisit na ako mga lapit ng lapit kay Aly kase naman halatang nilalandi nila yung baby ko pero buti nalang si Aly na mismo lumalayo sa mga babaeng gustong landiin sya tapos sinasabi nya na din na girlfriend na ako kahit hindi pa naman kame.
Natutuwa din naman ako kay Aly dahil sya na ang gumagawa ng bagay nayon para hindi ako mag selos sa iba.
Mga ilang minuto lang ay luto na yung cookies na bake namin kanina at sakto din sa pagbaba nila mosh at jus dahil medyo natagalan din sila sa taas dahil naligo na din pala ang mga ito.
Pumunta kame sa living room at balak naming manood ng movie dahil wala na naman kaming ibang alam nagagawin ngayong hapon.