42

2.8K 43 5
                                    

Hindi ito nagsalita at hinilot ang sintido niya. Napabuntong hininga ito at pumikit. Nang dumilat ay tumingin ito sa akin ng seryoso.




"You didn't tell anyone about our pretend relationship, aren't you?" tanong nito ng seryoso. Ako naman ang kumunot noo ngayon.




"Ofcourse wala." nagtatakang sagot ko. Bumuntong hininga ulit ito at tumango. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko.




"Let's eat? I ordered breakfast." nakangiti nang sabi nito.




"Bakit muna kayo nagtatalo ni Marc?" tanong ko sa kaniya. Umiling ito at ngumiti na lamang.




Hinila na lamang niya ako papunta sa dining area ng hindi ako sinasagot. Mukhang confidential between managers ang pinaguusapan nila kaya ayaw niyang ikwento sa akin. Masyado na ata akong nanghihimasok sa problema ng may problema.




Umupo na ako at hindi umimik. Nagsimula na kaming kuma]n ng tahimik.




Narinig ko namang ibinagsak niya ang kutsara at tinidor niya at malalim na bumuntong hininga. Napatingin ako dito at kumunot ang noo. What?




"Okay okay. Me and Marc is arguing something about sa movie. Mababaw lang iyon, okay? Don't worry." mababaw pero kung sigaw sigawan siya ni Marc kanina ay ganoon na lamang ang galit nito sa kaniya.




Hindi na lamang ako nagsalita at ngumiti na lang. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.




"Later pala I will meet someone. Ahm, just for offer commercials lang." maya-maya'y sabi nito.




Napatingin naman ako sa kaniya. Bakit siya lamang? P.a niya ako at ako ang naghahandle ng mga projects niya so why siya ang makikipagmeet?




"Hindi ba dapat ako ang makikipagmeeting since ako naman ang nahawak ng mga projects mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.




Ibinaba niya ulit ang kubyertos niya at tinignan ako.




"Ahm, this is my friend also so I want to catch up things for her." Her? So babae ang imemeet niya?




"Babae?" tanong ko. Tumango naman ito at ngumiti sa akin.




"Ahm, magikot-ikot ka nalang din muna mamaya sa mall or gumala ka nalang kung saan. I can drop you anywhere." hindi naman ako nagbabalak lumabas since akala ko ay hindi siya aalis today at hindi pa ako kasama. Nakakapanibago lang.




Umiling akk sa kaniya at ngumiti. " No. I'm good. Yoy can go. Maglilinis na lang ako or matutulog. I'm sleepy." sabay hikab ko pa kunwari. I don't want to be a burden to him.




Tumango ito at ngumiti din. Pinagpatuloy na naman ang pagkain. Nang matapos ay niligpit ko na ito. Siya naman ay maliligo na daw since mapapaaga ang pagmemeet niya ng friend daw niyang babae.




Natapos ako kasabay ng pagbaba niya. Nakaporma ito ngayon. Not the usual Dave na laging nashorts lang kapag umaalis. Mukhang bigtime itong friend niya na nagooffer ng commercial ah. Siguro ay CEO o hindi kaya ay high position sa isang company.




"I have to go baby. See you later. What do you want na pasalubong?" tanong nito sabay halik sa labi ko.




Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "No need. Wala naman akong gusto." tumango lang ito at lumabas na ng condo niya.




Mukha pa itong nagmamadali. Siguro ay napaaga talaga ang neet up niya.




Ako naman ay umupo sa sofa at binuksan na lamang ang tv. Ano kaya ang maaari kong gawin ngayon?




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon