Prologue

0 0 0
                                    


"Ma'am!! Ang init init po ni erica" sabi ng isang estudyante sa kanyang guro kaya naman napatigil ito sa pagtuturo at lumapit sa kanila ,sinalat niya ang noo ni erica na sobrang init kaya para siyang napapaso na bumitaw dito at halos hindi na ito mahawakan

"Jusko!!ang init naman niya,bakit pumasok pa siya gayong may lagnat naman pala siya ??" Tanong ng guro sa katabi ni erica na halos hindi rin makalapit sa kanya ,si erica naman ay nakapikit lang at nahihimbing sa pagtulog..hindi nila alam kung wala na ba iyong malay dahil sa taas ng lagnat o sadyang natutulog lang talaga pero alin man doon ay kailangan nila itong maidala sa clinic o sa hospital dahil baka iconfine rin ito kaya naman dali daling tumawag ng ambulance ang guro para maihatid si erica sa hospital at tinawagan na rin ang guardian nito

Nang inilagay at binuhat palabas ng classroom si erica ay halos lahat ng estudyante na nagkaklase ay napatigil at saka pag uusapan ang nangyayari

"Grabe kaya pala nagkakagulo sa section 1 dahil nakakapaso daw ang init ni erica doon"

"Oh talaga?!?mukha nga kasi tignan mo oh nagpatawag na ng ambulansya "

"Hala si erica !!tal bilisan mo"

"Hala oo nga!!ano bang nangyayari??"

Sari saring komento ang mga estudyante na nakakakita sa nangyayari

"Students!!magsipasok na kayo sa mga room niyo at ipagpatuloy ang klase" anunsiyo ng principal sa kanila kaya naman dali dali silang sumunod ngunit may ibang students na sadyang matitigas ang ulo na sinamantala ang nangyayari at nag escaped sa klase o kaya ay pumunta sa canteen...Ang principal naman ay sumama para ihatid sa hospital si erica na inaapoy ng lagnat

"Ano ba ang nangyayari ,ma'am roan??" Tanong ng punong guro sa guro na halos hindi rin magkandaugaga habang nakaupo dahil nga sa inaapoy sa lagnat na si erica

"Ma'am,nagkaklase lang po kami bigla nalang sinabe ng isa kong estudyante na inaapoy ng lagnat si erica " sagot naman ng guro na si Ma'am roan sa principal

"Natawagan na ba ang kanyang parents o guardian?" Tanong ulit ng principal

"Opo, ma'am!" Sagot ni ma'am roan

Mabilis naman silang nakarating sa james gordon hospital at nandoon na kaagad ang tiya ni erica na naghihintay sa labas ng hospital para salubungin sila
Inilabas na ang stretcher na kinahihigaan ni erica at dinala sa emergency room para matignan ng doctor

Naghintay naman sila sa labas at hinihintay ang doctor na lumabas
Ilang sandali pa ay lumabas na ito

"Doc, ano pong lagay niya??" Tanong agad ng tiya ni erica at sinalubong ang doctor

"Well wala naman siyang malalang sakit at lagnat lang ang nakita namin bukod sa mataas na temperature niya ay wala ng ibang sintomas na makikita sa kanya kaya masasabi kong meron lang siyang trangkaso at siguro hinayaan niya lang ,mabuti nalang ay hindi siya kinumbulsiyon" sabi ng doktor kaya kahit papaano ay nakahinga sila ng maluwag

"Maraming salamat po ,doc!"

Umalis na ang doctor kaya naman nagpaalam na rin ang principal at ang guro ni erica sa tiya nito para makabalik na ang mga ito sa school at nagpasalamat naman ang tiya niya doon ...maya maya pa ay nagising na si erica na nasa ward lang dahil hindi na siya nagprivate room kasi hindi naman malala ang sakit niya

"Erica!!anong masakit sayo??" Tanong agad ng tiya niya sa kanya dahilan para siya ay magulat ng bahagya

"Ahmm wala naman po ta,nanaginip lang ako ng napaglaruan ko daw ang apoy tapos kumalat sa katawan ko" kwento niya

"Ayy naku siguro dahil may trangkaso ka ,ikaw naman kasi may lagnat ka yata kahapon pa pero pumasok ka pa rin" panenermon ng tiya niya sa kanya

Nangunot lang ang noo niya pero hindi na siya nagsalita pa dahil iniisip niya pa rin kung totoo nga ba ang mga sinabe ng tiya niya

Nagkasakit ba ako parang hindi naman....

"Wag ka munang pumasok ngayon at bukas para makapagpahinga ka muna" hayy hindi nanaman ako makakapasok nito ,nagulat siya sa sinabe nito kaya naman dali dali siyang tumayo at inayos ang nagusot na uniform

"Tiya pwede naman po kayong pumasok ,sana sinabe niyo agad sakin kanina pa hindi yung ngayon lang" nagmamadaling inayos niya ang mga gamit niya ,kaya naman pinigilan siya ng naguguluhang tiya

"H-hah-teka w-wala naman akong sinabe sayo na hindi ako makakapasok ngayon hah" naguguluhang sabi nito sa kanya

"Tiya kasasabe niyo lang ehh" kunot noong sagot niya dito

"H-hah ehh hindi na ako makakapasok dahil late na rin naman ako" sabi nito sa kanya kaya naman tumango nalang siya at tumayo

"Umuwi nalang pala tayo ta,madadagdagan lang ang expenses natin dito at saka wala nanaman akong lagnat kaya okay na akong pumasok bukas"

"Hindi ka papasok bukas dahil magpapahinga ka ...mukha ngang wala ka nang lagnat ngayon pero magpapahinga ka parin baka mabinat ka niyan at bumalik nanaman tayo dito sa hospital na akala mo eh nagtatae lang ng pera ang mga pasyente dahil simpleng paracetamol ay sobrang mahal tsk tsk,mag bioflu ka nalang o kaya biogesic sa bahay"

Napailing iling nalang si erica sa tiya niya dahil masyadong matatas ang dila nito at madakdak ...umuwi na sila pagtapos magbayad kung magkano ang halaga ng pananatili niya doon kasama na rin ang gamot na nireseta pero hindi naman niya pinabili dahil wala naman talaga siyang nararamdaman na sakit..........

•••••••

"Headmaster naramdaman po namin ang malakas na magia kani-kanina lang"
Yumukod ang isa sa council sa headmaster matapos ipaalam ang kanilang naramdaman na hindi naman lingid sa kaalaman ng headmaster

"Hmm padadalhan ko siya ng sulat upang mag aral kung saan niya mahahasa ang kanyang tinataglay na dahil tiyak kong hindi niya pa ito nakokontrol dahil sa kakas ng pwersang kumakawala dito,makakaalis ka na ....salamat sa impormasyon" sabi ng headmaster at humarap sa floor to ceiling window na nasa likuran lang ng kanyang inuupuan na swivel chair

Eto na yata ang pinakahihintay na panahon ng buong magian kingdom ......ang nawawalang prinsesa

*******************************

Author's note:

Wag po muna kayong ma-bored o manghinayang dahil sa inaakala ninyong pagbubunyag nila dahil nagsisimula palang at wala pa talaga ang totoong eksena .....hope you enjoy my story and support this story and my other stories and don't forget to vote,comment and follow 😘😘

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon