Erica's POV
Lumipas ang dalawang araw na hindi ako pumasok kaya naman ngayon na sinasabe nilang wala na 'daw' talaga akong lagnat ay papasok na ako ,tskk naguguluhan pa rin ako sa kanila dahil hindi naman talaga ako nagkasakit psh hindi nalang ako nagreact o nagkomento sa mga sinasabe nila dahil ako lang ang naguguluhan at feeling ko anytime para akong sasabog at saka bakit ba feeling ko may nagbago sakin ??tskk siguro kasi weird lahat ng tao nakakasalamuha ko kaya nagiging weird na din ako ,ehh paano ba naman kasi feeling ko wala ng tahimik sa buhay ko mula ng lumabas ako ng hospital na yun at parang ang ingay ingay ng mga tao sa paligid ko ,nandyan yung magkokomentuhan sa isat isa ng masasama pero kung titignan ko maayos naman sila magusap nagtatawanan pa nga sila ,tapos kapag dadaan ako sasabihan ako ng maganda daw ako kaso mataba lang well anong magagawa ko eh masarap magluto si nanay ng pagkain pshh kaysa naman sa payat ako akala mo walang kanin na kinakain hayy mga tao nga naman ngayon ,akala mo hindi mabubuhay kapag walang nasabe sa kapwa nila
"Ate!!bilisan mo naman panghapon na nga tayo ,lagi pang late!!!!" Sigaw ng kapatid ko habang malakas na kinakatok ang pinto
"SANDALE LANG NAMAN!!MAKA-KATOK KA WAGAS ,SISIRAIN MO BA YUNG PINTO NG KWARTO?? BWISET KA!! NAKITA MONG MANIPIS NA PLYWOOD NA NGA LANG YAN KUNG MAKASIGAW AT MAKAKATOK KA PARANG NASA MALAYO AKO EH PLYWOOD LANG ANG PAGITAN NATIN!!" mas malakas na sigaw ko at bahagyang sinipa pa ang pinto na umuga na ,pshh panira ng moment nakitang nagkukwento ako ehh
"Ate !!mas malakas yung boses mo kaya magmadali ka nalang dyan dahil iiwanan talaga kita" pananakot niya pa
"Lol kahit iwanan moko di ka kawalan" teka bakit parang hugot yun..
"Humuhugot ka nanaman eh wala ka ngang boyfriend dahil mataba ka" pang aasar niya pa ,bwiset toh ...bakit yung bunge,pipe,saka mga panget nga nagkakaroon ng boyfriend ,ako pa kaya na magandang mataba lang??
"Sige sonya ,mang asar ka pa ...sayang pa naman ang five pesos pamasahe din yun para di ka na maglakad at mainitan" pananakot ko sa kanya ,kasi sa tricycle hanggang school namin na malapit lang talaga ay five pesos ang bayad kaya sumasakay nalang kami minsan kapag papasok syempre minsan lang dahil nauubos din ang pera ko sa kakafishball at kwek kwek
"Ayy ate walang ganyanan ,maganda ka naman ehh kahit hindi na tignan ang katawan haha" natatawang sabi niya at alam kong tumakbo na siya dahil alam niyang babatuhin ko siya ng sapatos na may takong pero flat shoes ang ginagamit ko pagpapasok ,etong may takong ay pinaglalaruan lang ng mga kapatid ko kapag naglalaro sila ng Ms.Beauty Queen na may mga kung ano anong balabal sa katawan pero minsan ako ang judges o kaya ako yung nanalo na ipapasa ko ang crown na headband sa ibang ulo ,oh diba bongga??feel na feel ang binibining pilipinas ...
****
Pagpasok ko sa room ay hindi naman ako late dahil nagkakasiyahan ang mga kaklase ko
"Erica!!ayos ka na ba??" Lumapit sakin si zyrus, rachell, at nicole para tanungin ako kung wala na daw ba akong sakit
"Oo naman" nakangiti kong sabi sa kanila at si nicole naman ay kinurot ang magkabilang pisngi ko na lagi niyang pinagtitripang kurutin mataba kasi ang pisngi ko at mamula-mula kaya naku-cute-tan sila
"Hayy grabeng panic ko nung hinawakan kita tapos dali dali kong sinabe kay ma'am roan pati nga siya napaso ehh" kwento ni rachell sakin
(Author's note: guys si rachell yung babae sa prologue na sinabeng may lagnat si erica at siya din ang nagsabe kay ma'am roan nila)
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasyPaano kung may nagsabi sayong ikaw ang napili para gawin ang bagay na ganito o ganyan?? Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo?? Ehh paano naman kung wala kang choice kundi tanggapin nalang dahil nandyan na eh ,ano pang magagawa mo?? There are things in...