Hindi ko kayang kumanta, pero kaya kong sabihin sa iba kung gaano ka kahalaga..
Hindi ko kayang magpinta, pero kaya kong bumuo ng pangarap na ikaw ang kasama..
Hindi ko kayang sumayaw, pero kaya kong itago ang pagmamahal kung ikaw sa aki'y ayaw..
Marami akong hindi kaya, pero kaya kong isulat kung paano sa aki'y mahal ka..
Hindi ako perpekto. Hindi ako maganda gaya ng iba. Hindi ako maputi gaya ng mga artista. Hindi seksi na takaw mata sa madla. Pero eto ako handang mahalin ka. Handang mahalin ka? Teka parang mali. Sapagkat minamahal na kita.
Kaya kong magsulat ng libu-libong salita kung gaano ka kahalaga. Kaya ko ring isulat kung gaano kasakit pa. Pero mas pipiliin kong isulat ang mga bagay kung bakit mahal kita. Pagkat hindi mo naman kasalanang ako sa iyo'y umasa. Kaya hayaan mo sanang isulat ko ng paulit ulit, pagkat dito lang naiibisan ang sakit. Sakit ng isang pag-ibig na para bang ipinagkakait.
Hindi ako talentado, pero lahat ng nararamdaman ko sayo'y isusulat ko. Nagbabakasakaling makarating sayo. Nagbabakasakaling mapansin mo.
Papel at lapis ang saksi, sa lahat ng aking nais sabhin. Dama ang bawat sakit. Dama ang bawat saya. Dama ang bawat letrang sayo'y gustong ipaunawa.
Uulitin ko aking mahal, wala akong talento.. walang angking ganda.. pero kaya kong isulat ang nadarama.
Kahit paulit ulit pa.. kahit ilang beses pa.. baka sa gantong paraan. Isang araw maisipan mong ako'y ibigin pa. 💔