CHAPTER TWENTY-NINE

1.9K 37 5
                                    

Chapter 29

Room

Awkward!

Awkward talaga!

Nakatingin lang ako kay Chasty na maganang kumakain sa harap ko. Katabi niya si C at ako naman ay si Jude. Si Jude naman ay kanina pa may kausap over phone kaya hindi pa siya natatapos sa pagkain niya.

"Mikmik, I have to go. Nagconduct ng meeting si general" sabi niya sabay tayo. Tumayo din ako para ihatid siya sa pinto ng vip room dito sa restaurants. Yeah, nasa private room kami. Bakit? Talk to the royalties.

Bumalik ako sa pagkakaupo nang makabalik ulit ako sa table namin.

"Chasteon, titira ka na ba sa palace?" out of the blue at nagsalita si Ayjah. Tumingin sa akin ang anak ko. Anong isasagot ko? Papayagan ko ba siya? Pero natatakot ako.

"Elayjah, marami pang panahon. He needs to go back with his mom sa house nila" paliwanag naman ni Prince Julius sakanya. Nagpout nalang si Ayjah pagkatapos ay yumuko.

"Who's that, Janelle?" narinig kong tanong ni C. Bumalik ang tingin ko sakanya. So may pake siya?

"Classmate ko noong highschool" sagot ko nalang. Hindi ako makatingin sa kanyang mata. Ang bigat ng titig niya kaya hindi ko makayanang tignan.

I sighed.

"Ma? Kailan po tayo uuwi kay papa?"

Tumingin ako kay Chasteon, at pagkatapos kay C.

Parang ngayon, hindi ko makayanang o reject ang tanong ng anak ko.

"Marami pang panahon, Chasteon. Pero sa ngayon, titira muna ako sainyo" malambing na sabi ni C kay Chasteon. Nanlaki ang mga mata ko. Ano?! Bakit samin siya titira? Nababaliw na ba siya?

Tinadyakan ko siya sa ilalim ng lamesa.

Napanganga siya sa sakit at pagkatapos ay tumingin sa akin, nagtataka. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumisi naman siya.

"See? Gusto din pala ng mama mo na tumira muna ako kasama ka" sabi niya kay Chasteon. Lalo akong nataranta. What to do? Pero.

Bakit nga ba ako natataranta?

Dios Mio Janelle? Hindi ka naman siguro mamanyakan niyan sa mismong pamamahay mo diba?

Umirap nalang ako sa kawalan. Ano pa bang choice ko diba? Kung makakapagpapasaya sa anak ko, ibibigay ko.

Natapos kaming kumain at tumayo na ako para buhatin si Chasty. He's a bit sleepy. Akmang kukunin ko na si Chasty nang biglang may humawak sa baywang ko. I felt the chills to my spine. Inangat ko ang tingin ko para tignan si C.

Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.

"Ako na" tipid niyang sabi. Tumabi ako at pagkatapos ay pinangko na niya si Chasty na almost naka sara na ang mga mata.

"C, mauuna na kami ni Ayjah. She's late for her ballet lesson" sabi ni Prince Julius at agad na tumalikod kahit na hindi pa sumagot si C. Nag wave sa akin si Ayjah at pagkatapos ay lumabas na sila sa room na inooccupy namin.

Paglabas namin ay kaagad na nasa tabi namin ang mga bodyguards ni C. Ako ay lumayo ng konti sakanila. Nauna akong nakarating sa basement parking ng mall kung saan ang kotse niya. Isang black bmw ang dala niya at ako naman ay dumiretso sa kotse ko--

Wait, where's my car?

"Pinadrive ko na pauwi sa condo building niyo ang kotse" sabi niya. Agad niyang binuksan ang backseat at pinaupo si Chasty doon at inayos ang seatbelt. Pagkasara niya sa pinto ng backseat ay ang front seat naman ang binuksan niya. Tumingin lang ako sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay at iminuwestra na pumasok ako sa loob.

No choice, again.

Tahimik kami buong byahe pauwi sa condo namin ni Chasty. Tinignan ko ang anak kong mahimbing ang tulog sa back seat mula sa rear mirror. I'm actually thinking na bumili nalang ng sarili naming bahay or kina dad muna kami titira. Ayokong mag-stay kami ng matagal dito sa condo, kasi gusto ko lang.

Nakarating kaming kaagad sa condo namin. Bumaba ako mula sa front seat at nadatnan ang mga malalaking lalaking bodyguards ni C, bitbit ang isang malaking maleta.

May balak ba talaga siyang tumira ng matagal sa amin?

Napailing nalang ako at nauna ng pumasok sa elevator. Sumunod naman ang dalawang bodyguards ni C na tumabi sa akin. Pagkasara ng elevator at napatingin ako kay C, nakatingin siya ng mariin sa gilid ko.

Yumuko ang dalawang bodyguard na nasa tabi ko. Umusog sila at pumagitna si C sa amin.

Don't tell me nagseselos to sa mga bodyguards niya? Like duh.

Napairap ako at saktong bumukas ang elevator sa tamang palapag ng condo namin. Nauna ulit akong lumabas sa elevator dala ang susi ng pinto.

Binuksan ko ang pinto at kaagad na hinarap ang dalawa at ang mga bodyguards. Huminga ako ng malalim at nauna na munang pumasok at kaagad na dumeretso sa kusina para makainom ng tubig. Di ko na mabilang ang pagpintig ng puso ko sa sobrang bilis nito. Kahit hindi ko man siya tanaw mula sa kusina, his presence is still bothering me.

"Ilapag mo nalang si Chasty sa kwarto" sabi ko pagkalabas ko sa kusina. Walang salitang sinunod ako ni C at binuksan ang pinto ng kwarto namin ni Chasty. Lumapit ako sa mga dala niyang gamit at tinulak ko ita papunta sa isang kwarto kung saan si Wendy dati. How I miss her so much!

It was a long day. Agad akong bumagsak sa kama matapos naming maligo ng anak ko. Bago iyon ay binihisan ko muna siya ng isang pares ng pj's at pinahiga ko na rin siya para makatulog.

"Ma? Hindi po dito matutulog papa?" napatitig ako kay Chasty sa sinabi niya? So hindi pa kuntento ang anak ko na dito na sa mismong bahay natutulog si Carlos? Gusto pa talaga dito sa kwarto namin?

"Ahh, Chasty kasi masikip na tayo dito" pag dadahilan ko. Umupo siya sa kama at tinignan ang kama namin na king size ang laki. Tinignan niya ako ng may pagtataka at panghuhusga.

I rolled my eyes.

"Okay fine, tatawagin ko lang siya" sabi ko at nakita ko ang ngiti niya. Wala akong choice, okay? Hindi ako pabebe sa anak ko.
Lumabas na ako ng kwarto at lumapit sa kwarto dati ni Wendy, na ngayon ay naka stay si C. Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses sa pinto.

Walang isang minuto ay bumukas din ang pinto. Bumungad sa akin ang mabangong amoy na hindi ko malimutan, amoy aftershave, he's wearing a simple shirth and a khaki short. Pano niya nagagawang 'shocking' ang isang simpleng bagay? Whyyyy?

"Y-yes"

Napabalik ulit ako sa realidad. My god, I looked like a dog drooling for him.

"Ahh, gusto kasi ni Chasteon, s-sa kwarto ka namin m-matulog"

Wow ha, may pautal ka pang nalalaman?

I saw his grin, not just a simple grin. Napalunok ako, tumalikod na ako at bumalik sa kwarto pero bago ako makaalis sa kinalalagyan ko ay bigla niya akong hinatak papunta sa kwarto.

"W-what--"

He kissed me. Nakabukas parin ang mga mata ko at nakikita ko ang mukha niya, nakapikit siya at nakita ko ang isang butil ng luha na pumatak.

Humiwalay siya sa akin at niyakap ako, sabay bulong.

"Bakit kahit na iniwan mo ako ng walang paalam ay handa parin akong tanggapin ka? Bakit kahit anong galit ang nasa loob ko, mahal na mahal parin kita?"

*

Sorry for waiting! Happy reading guys!♡

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon