Nakaramdam kana ba ng matinding selos sa tuwing makikita mo ang taong gusto mo na may kasamang iba? Kung Oo ang sagot mo pareho tayo.
Ang sakit isipin na sa tuwing makikita mo siya na may kasamang iba, nakangiti at masaya. Ang sakit isipin na masaya siyang nakangiti kasama siya at hindi ako, Ako na palangging nandito para sa kanya. Ako na ang tanging gusto ay makita siyang masaya, kaya kuntinto na ako. Kahit na tinatanaw ko lang siya mula dito sa malayo.
Hindi ko alam kung paano, saan at kalian ito nag simula. Paano nga ba ito nag simula? Saan at kalian ko to unang nadama? Ah! Alam ko na, na alala ko na!Nag simula to ng makilala kita sa unang araw ng subject ko noon na ROTC, taga hawak ako ng Flaglets noon at ikaw naman ay taga hawak ng flag, nakatayo sa gilid ko. Hindi sana kita papansinin kaya lang nauna mo akong pinansin kaya pinansin narin kita. Nahihiya pa ako noon na pansinin ka, dahil, sino ba naman ako para pansinin mo? Hindi nga ako makapaniwala na pinansin mo ang isang tulad ko. Isang tulad ko na hindi kagandahan at higit sa lahat ay mataba.
Naging magkaibigan na tayo simula noong araw na yun, hiningi mo pa nga ang number ko kaya mas lalo tayong naging matalik na magkaibigan. We became close to the point na nagsimula ng mahulog ang loob ko sa iyo. Dahil sa ang bait-bait mo sa akin, ni rerespeto mo pa ako. Kaya mas lalo pa akung nahulog sa iyo.
Nais ko sanang sabihin sa iyo na gusto na kita, kaya lang nahihiya ako, natatakot na baka pag nalaman mo ay bigla ka nalang lumayo sa akin at masira ang pagkakaibigan natin. Yun ang hindi ko gusto, kaya inilihim ko nalang ito. Naging kuntinto na ako na maging kaibigan mo dahil sa pamamagitan nito ay Malaya kitang nakikita at nakakasama.
Sa araw- araw na ginawa ng Diyos, masaya ako kasi nakikita kita, nakakausap, makakasama at higit sa lahat nakakatext pa kita mula araw hangang gabi. Sinosundo mo pa ako minsan sa bahay kapag Monday at Wednesday kasi pareho ang schedule ng class natin pag MW na araw, at ang swerte ko pa kasi ikaw ang partner ko noong nag debut si zyla, akalain mo yun common friend pala natin si zyla. Ang saya ng 2nd semester noong freshman year ko kasi kasama kita. Kahit noong nag summer na magkasama parin tayong magsimba tuwing Sunday, at niyayaya mo rin akong gumala kasama mga barkada mo.1st semester of our sophomore year, late akong nag enroll kasi tinatamad ako at ayokong makipagsiksikan sa ibang student na nagpapaenroll din. Tapus sa hindi inaasahang pagkakataon sabay pa tayong nagpaenroll, akalain mo yun sync talaga ang isip natin kasi pareho tayo ng dahilan kung bakit late tayo nag enroll. Akala ko magiging boring at lonely ako ng araw nay un kasi ako lang mag-isang magpapaerol, pero ang bait talaga ni Lord kasi pinadala ka nya sa akin, charot! Same as usual ang sched natin kaya ang saya ko na naman ulit. This time araw – araw mo na akong sinosundo kasi nga pareho na lahat ng sched natin. Tinutokso na nga tayo ng mga barkada mo minsan kasi para na daw tayong magkasintahan, kulang na lang daw eh, ligawan mo ako.
Midterm natin, ang saya – saya mo kasi almost perfect yung exams mo. Sa sobrang saya mo nayakap mo pa ako ng time na yun. Nang dahil sa yakap mo napasaya mo rin ako, kasi malongkot ako ng time na yun dahil may exam ako na failed. Hindi ko nalang sinabi sayo kasi baka masira ko pa yung good mood mo. After that, ay nilibre mo ako sa favorite fast food natin. Maslalo akong sumaya kasi para tayong nagdate ng time na yun kasi first time na tayong dalawa lang ang sabay na kumain, kasi always natin kasabay ang bestfriend ko or minsan mga barkada mo ang sabay natin. Dumaan ang mga araw ng hindi ko napapansin dahil sa sayang nararamdaman tuwing magkasama tayo, parati tayong sabay kumain ng lunch kasi nagpapalibre ka sa akin ng soft drinks at tuwing breaktime sa hapon ay ang paboritong mamon at buko juice naman ang nililibre mo sa akin. Masayang masaya ako sa bawat araw na ginawa ng Diyos na magkasama tayo.